Chapter #21

941 Words
Rhexyl's P.O.V Napatingin ako sa pintuan ng bumukas na ito. "Come out." wika ng taong nagmamay-ari ng malamig na boses. Tumayo ako at humakbang palabas ng pinto. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa pinto. "Thanks, akala ko di na bubukas ang pinto." sabi ko sa kaniya. Hindi siya umimik, tinalikuran lang ako. "Change your clothes, start attending your class." saad niya, "Wait! Puwede bang huwag muna akong pumasok ngayon?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa'kin ng blangko. "Just wanna do hang out first baka kasi bukas magpakamatay na ako." simpleng saad ko. Tinitigan niya lang ako. "Aish!" saad ko, Lumapit ako sa kaniya, hinawakan ko ang pulsuhan niya at hinila siya. "What are you doing?" he asked. "Dragging you, why? Hindi ba obvious?" tugon ko, "I'm asking young lady." he said. "If hindi ka papayag. Then, join me na lang. Hindi rin naman ako pamilyar sa lugar na ito. So, you can help me." magiliw kong wika. "Be my tour guide, okay?" dagdag ko pa. "I don't have time to your childish act." sambit niya, Nahinto ako at binitiwan ko siya. Tumingin ako sa kaniya. "Okay, you have no time. Lahat naman kayo walang oras, e. Lahat ng tao hindi ako kayang bigyan ng oras." malungkot kong wika. "Huwag mo akong hihilahin muli dahil wala talaga akong balak pumasok today. I don't need your time, just give me this day. In return, well ahmm, pag-iisipan ko pa kung ano ang gagawin ko bukas or kung papasok ba ako. Bye!" mahaba kong sabi. Tinalikuran ko na siya. Sumakay ako ng glass elevator. Kaagad akong lumabas ng campus pagkabukas ng glass elevator. Naglakad-lakad ako, maglalakwatsya ako ngayon. Napakamot ako sa ulo, ang layo pala ng pupuntahan ko. Kompleto nga dito, wala namang taxi na masasakyan. Nagugutom na ako, two days din akong walang kinain. Gusto ko ng masasarap na pagkain. Ayaw kong kumain dito sa cafeteria, hindi rin naman ako makakain nang maayos. Napaface-palm ako, narealize ko pa lang wala akong pera. Ang kapal ng mukha kong maghangad ng pagkain na masarap wala naman akong perang pambili. How poor I am. Sa dorm na nga lang baka may nahalungkat ako doon na makakain. Nagsimula na muli akong maglakad. Nahinto ako sa paglalakad ng mayroong bumusinang sasakyan sa tabi ko. Agad ko itong nilingon. Isang magarang kulay itim na kotse ang nakita ko. Tumigil ito sa tapat ko. Napataas ang kilay ko. Kailangan nito? Lalakad na sana ako ng mayroong magsalita. "Get in." utos niya. Napakurap-kurap ako sa nakikita ko. Talaga bang siya ang nakikita ko? Tinitigan ko lang siya, hindi ako kumikibo sa kinatatayuan ko. "Get in before I change my mind." muli niyang sabi. Ewan ko pero kusang kumilos ang mga paa ko papasok sa kotse niya. "What are you doing? I mean, anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. "I'm going with you." simpleng sagot niya. Naramdaman ko ang pag-andar ng kotse. "Going with me?" patanong kong sabi. "You asked, right?" he said. Napangiti ako, "So, you giving me this day?" nakangiti kong tanong. "Just this day, young lady." wika niya, Napa-Yes naman ako. "But you said you have no time." sabi ko sa kaniya. "J'ai toujours le temps quand il s'agit de toi." mahina niyang sambit. "What?" sambit ko, "Nothing, zip your mouth and sit. I hate annoying girl." he said. Tsk! As if gusto ko siya. Patas lang kami, ayaw ko rin sa kaniya. Tumahimik na lang ako. Minutes past, huminto ang kotse. Napalingon ako sa labas. Nasa tapat kami ng isang restaurant. Agad akong nakaramdam ng excitement. Una siyang lumabas kaya lumabas na rin ako. Sabay kaming pumasok sa restaurant. Binati kami ng mga waitress, este siya lang pala. Yumukod pa ang mga ito sa kaniya. I ignored them. All I want is food. Gutom na talaga ako. "This way ma'am." ani ng isang waiter. Sinundan ko siya hanggang sa maupo ako sa isang table. Napalinga ako sa paligid dahil hindi ko na makita si impakto. "Ahm, excuse me." pagkukuha ko ng atensyon kay kuyang waiter. Bumaling siya sa'kin. "Yes, ma'am?" tanong niya. "Nakita mo ba 'yong kasama ko?" tanong ko sa kanya. "Sino po ma'am?" takang tanong niya naman. Aw! Ano nga pangalan ni impakto? Shocks! I don't know him pala. Niyaya ko ang isang stranger na kahit pangalan hindi ko alam. "Nevermind." tanging nasabi ko na lamang. Tumango lamang siya at marahan na umalis. "Hi, ma'am. Here's your food." ani ng bagong lapit na waiter sa'kin. Nilapagan niya ako ng pagkain. Napasimangot pa ako kasi kapiranggot lang siya ng karne. Teka! hindi pa naman ako umo-order, ah. Aapila pa sana ako kaso nawala na 'yong waiter. Nagdadal'wang isip pa akong kainin siya kasi wala akong perang pambayad, pero dahil talagang gutom na ako. Kinain ko na siya, bahala na si batman. Maghuhugas na lang ako ng mga plato mamaya. Maya lang, nahinto ako sa pagkain ng mayroon ng paisa-isang lumalapag ng pagkain. Nanlaki ang mata ko na ang dami na ng mga ito. Pagkaalis ng mga naglapag ng pagkain, dumating na rin si impakto. "Eat it all." wika niya. "What? I'm not a pig." apila ko. Punong-puno na ng pagkain ang mesa. Tiningnan niya lang ako. Muli akong napatingin sa mga pagkain. Natakam ako kasi mukhang masasarap lahat. Hindi ako pamilyar sa mga tawag sa kanila basta pagkain silang lahat. Nasa harap ko na ang masarap na grasya, bakit ko pa ba tatanggihan? Pagkatikim ko ng isa, napapikit ako sa sarap ng lasa. Tinikman ko lahat kaya ayun nga, napalaban ang lelang niyo sa pagkain. TheKnightQueen "J'ai toujours le temps quand il s'agit de toi." Translation: "I always have time when it comes to you"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD