Chapter #20

1285 Words
Rhexyl's P.O.V Hinawakan niya ang pulsuhan ko, lumakad siyang kasabay ako. Pagkalabas namin sa cafeteria. "Hey! Saan mo na naman ako dadalhin?" tanong ko. Pumasok kami ng glass elevator. "16th floor," sambit niya, Gumalaw agad ang glass elevator. Minutes past, bumukas na ulit ang elevator. Lumakad muli siya ng hindi binibitawan ang pulsuhan ko. Kahit anong pilit kong tanggalin 'di niya tinatanggal. Sumuko na lang ako kasi nararamdaman ko ang sakit sa mga sugat ko. May pinasukan kaming kuwarto na purong puti ang kulay. "Mr. Connel?" tanong ng Doctor na naabutan namin. Napadako ang tingin niya sa'kin. "Leave." utos ng kasama ko. Napapitlag si Doctor. Nagtataka man ay umalis pa rin siya with the nurses. Kami na lang ang naiwan dito. Pinaupo niya ako sa bed. Maybe this is the clinic of this school. Muli akong napatingin kay impakto. Mayroong siyang kit na hawak, binuksan niya ito. "N-no need, I can clean it by my own." sabi ko, Kukuhain ko na sana ang hawak niya ng inilayo niya ito sa'kin. "Don't move." malamig niyang saad. Muntik na akong mapasigaw ng kuhain niya ang bubog na nasa sugat ko. "Hey! Dahan-dahan naman!" bulyaw ko sa kaniya. He just tsk and continue cleaning my wound. "So hardheaded." mahina niyang sabi. Sinamangutan ko nga. Nakakainis kasi, e. Dapat di na lang ako lumabas. Napatingin ako sa mga sugat ko after he finished cleaning it. Such a good cleaner. "Come with me." he said. Nailigpit niya agad ang lahat ng ginamit niya sa paglinis. Lumabas siya kaya mabilis naman akong napasunod. Nagtaka ako kung bakit huminto siya, napasubsub pa ang ilong ko sa likuran niya. "What the!" daing ko. Nagulat ako ng higitin niya ako bigla saka pumasok sa isang kuwarto. Magrereklamo sana ako kaso he give me a sign na tumahimik. Napatingin ako sa isang shadow na dumaan. Pagkalipas niya, binuksan niya ang pinto. Agad kong sinilip ang dumaan. What is wrong with him? Mukha naman siyang tao? Bakit kami tumago? "Bakit natin siya tinaguan? May atraso ka?" tanong ko sa kanya. Walang imik lang siyang lumakad muli. Maya lang, huminto na naman siya sa tapat ng isang pinto. Inis akong lumingon sa kaniya. Handa na sana akong tumalak ng mahagip ng mata ko ang nasa pinto. DETENTION ROOM "Detention Room?" takang tanong ko. "You didn't follow the rules. You violated it twice." sabi niya, Nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya. "What? Akala ko ba okay tayo? You even clean my wound. Tapos dadalhin mo ako rito? At saka, ano bang rules 'yan? Oh yeah! Wala akong pakialam sa rules niyo." talak ko. "And I'm not gonna wear that shitty uniform of yours." dagdag kong wika. Tiningnan niya ako ng malamig ng ikinaatras ko. Dammit! Napalunok ako. Binuksan niya ang pinto ng Detention Room. Wala akong nagawa kun'di ang pumasok. Total, mag-s-stay lang naman ako rito. Mas okay na yata 'yon, di ba? "Stay there for 48 hours." he stated. Akala ko may good side siya, wala pala. Pagkapasok ko, kaagad niyang sinarado ang pinto. "Punyatresss!" hiyaw ko bigla. Napalunok ako. Nanginig din ang aking katawan. I blink twice, trice and more hoping na nasa mata ko lang ang mali but heck! Talagang sobrang dilim. I'm not used to stay in this kind of place. Hindi ako sanay sa dilim. I don't wanna stuck in a dark place. Sa tuwing nandirito ako sa kadiliman. I felt so lonely. I feel like I'm inside of my myself. Not just myself, but also remembering all the pain that I've felt. Remembering how I was stupid. I was an adorable kid before. Following all their demand. Pinalaki ako ni grandma ng masunurin at magalang. Don't hate people, love them. I did everything to notice me. I study hard para maging top honor ako which is I did. Umasa ako na sana bigyan nila ako ng oras para umakyat sa stage, at isuot ang medal ng may ngiti sa labi. Pero hindi 'ykn nangyari. Kahit isang beses lang. Isang pagkakamali ko lang ay katumbas ng malakas na hampas ng latigo. Isang maling kilos lang, itatabig ako na parang isang bagay lang. Isang maling salita ko katumabas ang isang malutong na sampal. Ikukulong nila ako within 3 months without giving foods. Thankful ako kay yaya dahil siya ang gumagawa ng paraan upang puslitan ako ng pagkain. At sa isang taong nagbuwis ng buhay para lamang makatakas ako. Marahan akong umupo. Niyakap ang mga binti ko. I hate being like this. I loathe dark places. Sa tuwing nakukulong ako sa ganitong lugar, naaalala ko ang mga bagay na kinakalimutan ko na. Mga bagay na ginawa sa'kin ng mga taong mapanghusga. Flashbacks 14 years ago (Rhexyl at the age of 8.) Malalakas na hampas ng latigo ang umaalingawngaw sa boung lugar sa underground ng Salvez Clan. "How many times do I have to tell you, don't f*cking stupid. Pagiging rank one mo na nga lang ang inaasahan kong magagawa mo, tapos di mo pa magawa!" malakas na bulyaw ni grandpa sakin. Tanging hikbi at pagtanggap ng kaniyang mga hampas ang magagawa ko. I failed him. I disappointed him. "I-I'm s-sorry p-po. Hin-di na po mauulit." mahinang hingi ko ng tawad. Malakas na hampas muli ang naramdaman ko sa aking likuran. Napapikit ako sa tindi ng sakit nito. Nakaluhod ako habang nakakadena ang dalawang kamay kong nakasiklop. Nakapatong ito sa bakal na parang maliit na mesa. "T-Tama na p-po." pagmamakaawa ko. Mabibilis ang pagbuhos ng aking luha. Napalingon ako sa puwesto ng aking ina. Nakatingin lang siya habang nakangiti. "Bakit ikaw pa ang naging anak ng anak ko? Dapat sanggol ka pa lamang ay hindi ka na binuhay. Wala kang kuwenta! Your such a trash in this clan!" puno ng galit niyang wika. Napapikit na lamang ako, yumukod ako at tahimik na humagulgul ng iyak. Lumipas ang ilang oras, napagod na siya sa ginagawa niya. Narinig ko ang pagtapon ng latigo sa sahig. "Ikulong niyo ang batang 'yan. At huwag ni'yong pakakainin." malamig na utos ni lolo. Narinig ko ang mga yabag niyang papalayo. Naramdaman kong tinatanggal na nila ang kadenang nasa kamay ko. Lantang gulay akong binuhat nila. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. He whipped me more than two hours. And now, wala na akong maramdaman. Itinapon lamang nila ako na parang basura sa loob ng kulungan. Malakas akong tumama sa sahig, nakahiga lamang ako with my blood. I don't see anything, its all dark. All I can feel is, the coldness of the floor and being soaked with my blood. ************* "Napakawalang kuwenta mo talaga!" malakas na bulyaw sa'kin ni Auntie. Ang sunod kong naramdaman ay ang malakas kong pagtama sa pader. Pilit akong bumangon. Marahan na muling lumapit sa kaniya. "M-may ipag-uutos p-pa po b-ba kayo?" marahan kong tanong sa kaniya. "Umalis ka sa harapan ko, baka mapaslang na kita." galit niyang sambit. Iika-ika akong umalis sa harap niya. Agad na akong lumisan dahil baka ano pa ang gawin niya sa'kin. Bumaba ako ng basement, at bumalik sa kuwarto kong kulungan. Marahan kong binuksan ang pintong rehas at muli itong sinara. Kinapa-kapa ko ang paligid ko hanggang sa mahawakan ko ang maliit kong mesa. Kinapa ko ang kandelang ginagamit kong ilaw, sinindihan ko ito. Pagkatapos ko siyang maisaayos. Umupo ako sa sira kong upuan. Nilabas ang mga libro upang makapag-aral na. Kumakalam ang aking sikmura subalit hindi ko na lamang ito pinansin. Lilipas din ang gutom kong ito. Nagpukos na lamang ako sa pag-aaral. End of flashback Mahigpit ang pagkakayakap ko sa aking tuhod. Mayroong luhang tumulo sa aking mga mata. Mabilis ko itong pinunasan. Walang magagawa ang aking mga luha. Why can't I forget those shitty memories? Tinuyo ko ang aking pisngi, at naghintay na muling bumukas ang pinto. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD