= RHEXYL =
Pagkatapos kong masuot ang thick black glasses ko, kinuha ko ang lumang bag na ginagamit ko, maging ang mga libro na lagi kong dala papuntang school ay kinuha ko na rin. After checking my self again, lumabas na ako ng kuwarto. Nagmamadaling bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko si Yaya na kalalabas pa lang din sa kusina.
"Ya, alis na po ako." magalang kong paalam.
Tumingin siya sa akin.
"Aalis ka na? Mag-almusal ka na muna." sabi ni yaya.
Lumapit ako sa mesa, everything is prepared for my breakfast. Napangiti ako, makakatanggi pa ba ako? Umupo ako at agad ng nagsimulang kumain.
"Late ka na sa klase mo. Anong oras ka ba natulog kagabi?" biglang tanong ni yaya.
"Maaga pa po sa maaga," sagot ko.
Wala naman silang magagawa. Gusto ko late akong papasok para wala akong makita, o makasalubong na bully. Gusto ko tahimik ang pagpasok ko.
Tumayo na ako dahil tapos na akong mag-almusal.
"Punta na po ako." paalam ko ulit kay yaya.
Tumango siya bilang sagot, kalaunan ay ngumiti siya.
"Mag-iingat ka, mag-iwas sa gulo." paalala niya.
Sumimangot ako, umiiwas na nga, e.
Pagkalabas ko sa gate. Ibinaba ko ang skateboard, saka sumakay dito at umalis na. Mahigit trenta minuto ang lumipas nang marating ko ang aming University.
Huminto ako sa tapat nito, sa bulok na school na pinapasukan ko. Wala naman akong choice kun'di ang pagtsagaan ito. Hindi ako mayaman para maging choosy pa, at saka dalawang taon na lang ay magtatapos na rin ako sa kolehiyo.
Bitbit ang skateboard, lumapit ako sa gate para pumasok na pero --
"Hep! Hep! Iha, sino ka? Studyante ka ba rito?" pigil at pagtatanong niya.
Humarap ako kay manong guard, tiningnan ko siya ng mayroong pagkabagot.
"Ikaw na naman! Jusko, ikaw lang pala. Late ka na nga, ganiyan pa ang suot mo." inis niyang sambit.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Paalala ko lang sa iyo, iha. School ang pinupuntahan mo hindi tambayan." panenermon niya sa akin na hindi na bago sa aking pandinig.
"Nasaan ang I.D mo?" tanong niya habang salubong ang mga kilay niya.
Binuksan ko ang bag ko, hinalungkat ko ang loob searching for the i.d. Hindi ko siya agad nakita, kasi dala ko lahat ng basura ng bahay este kung ano-anong anik-anik ang nasa loob ng bag ko.
"Ano na? Dala mo ba? Aba'y! kapag wala ka pa ring dala hindi kita pahihintulutan na pumasok." lintanya niya, kunti na lang talaga bubuga na siya ng apoy, pulang-pula na ang kaniyang mukha sa inis.
"Alam mo bang marami ka ng nalabag na rules? Malapit ka ng ma-expelled sa paaralang ito." dagdag niya sa kaniyang sermon for today.
Mula ng pumasok ako sa paaralang ito, walang araw na wala akong naririnig na mga reklamo. Madalas na napupuna nila ang kasuotan ko. Ano bang mali sa suot ko? Naka-suot lang ako ng maluwag na t-shirt na hanggang tuhod, rip jeans na maluwag, naka-rubber shoes na color black, nakasumbrero, tapos naka black thick eyeglasses. Damit pa rin naman ito. Bumuga siya ng apoy, kapag pumasok akong naka-swimsuit.
Isa pa, dito ako komportable. Sobrang iksi ng palda ng uniform nila hanggang hita ang haba. 'Yong iba naman kinapos na yata sa tela, kita na kasi ang bagay na 'di dapat makita ng mga kalalakihan.
Pasok sa tainga labas sa kabila na lang ang ginagawa ko sa sinabi ni manong guard.
Napakamot ako sa noo habang naghahanap ng I.d ko.
"Sa lahat ng studyante dito, ikaw lang ang hindi sumusunod sa patakaran ng paaralan." patuloy na lintanya ni manong guard.
Wala naman kasing kuwenta 'yon.
"Pasensya na po, wala akong dalang I.d." mahina at mayroong paggalang kong sabi.
Dala ko naman sadyang tinatamad lang akong ilabas at i-suot.
Umusok ang kaniyang tainga sa inis, medyo may katandaan na siya. Lagi siyang high blood sa tuwing ako na ang papasok. Kaya minsan, humahanap ako ng ibang malulusutan. Baka kasi maheart-attack siya, ako pa sisihin.
"Late ka na nga, nakasuot ka pa ng pangtambay sa kanto, wala ka pang I.d. Naku, talaga!" nagtitimpi niyang wika.
Kumamot lang ako sa ulo. Maaga na akong papasok para sa last subject ko.
"D'yan ka lang, h'wag kang aalis." saad ni manong guard.
Masunurin ako kaya tumango ako sa kaniya. Naiiling siyang pumasok sa loob ng guard post niya. Magre-report lang siya, e.
Maya lang, lumapit siyang muli sa'kin.
"Ang sabi ng adviser mo, bumunot ka na muna ng damo r'yan sa tabi-tabi." sabi ni manong guard
Tumingin siya sa gawi ng flag pole.
"Doon! sa tabi ng flag pole. Doon ka magbunot ng damo." utos niya.
Wala naman akong magawa. Lumakad ako papuntang flag pole para makapag-bunot na ng damo. Kahit mainit, sinimulan ko na ang pagbubunot.
Hindi na 'to bago sa'kin, araw-araw ko ba naman 'tong ginagawa. Nalibot ko na ang boung campus sa pagbubunot ng damo, malinis na nga ang boung lugar. tsk! Ang babaw ng parusa nila, pagbubunot ng damo? Highschool lang?
Habang abala ako sa pagbubunot ng mga ligaw na damo. Nakarinig akong nagtitiling babae, dumako ang tingin ko roon.
"May patay! Tulong, may mga patay po." walang tigil niyang sigaw.
Aligaga siya, sa itsura niya para siyang nakakitang multo. Muntik pa siyang mapatid dahil sa pagkataranta niya.
Napalingon ako sa guard post. Nakita kong lumabas si manong guard. Lumapit sa kaniya ang nag-titiling babae. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni manong guard. Pagkatapos, taranta siyang pumasok muli sa guard post.
Sandali lamang, lumabas na rin ang ibang mga instructors maging ang dean. Kahit malayo ako, nakikita kong namumutla ang babae. Nababasa ko ang buka ng kaniyang bibig.
Sumunod ang ulo ko sa direksyon ng pinuntahan nila, kasama ang babae. Papunta silang back school. Mayr'ong mga studyante ring tumakbo sa gawing 'yon. Since curious rin ako, iniwan ko ang ginagawa ko, tumakbo ako papunta sa lugar na pinagkakaguluhan nila.
Umiwas ako sa isang babaeng nagtatakbo papa-alis, kalaunan ay sumuka siya.
Rinig ko ang pagsinghapan nila. Ang ilan ding mga studyante ay sumusuka na rin. Kumunot ang noo ko, ano bang meron?
"Tumawag kayo ng pulis! Dalian niyo!" sigaw at tarantang sabi ng isang guro.
Lumapit pa ako pero pinigilan ako ng isa pang instructor, humakbang ako palayo sa kaniya.
"Huwag ka ng tumuloy pa, hindi mo gugustuhin pang makita ito." seryoso niyang sabi.
Hindi ako nakinig sa kaniya, dumiretso pa rin ako. Nagulat ako sa nakita ko. Mga patay na studyante ang siyang bumungad sa akin. Ang brutal ng pumatay sa kanila.
"Jusko, sino ang walangyang gumawa nito sa kanila? Bakit ganito katindi?" Rinig kong komento ng isang professor.
Anim silang patay sa tingin ko studyante rin sila dito, dahil suot nila ang uniform ng university.
Napalunok ako sa nakikita ko, ang buong back school ay walang ibang makikita kun'di kulay pula. Nagkalat ang kanilang dugo, ang parte ng kanilang katawan ay hiwalay sa katawan nila, ang braso, binti at ulo nila ay hindi mawari kong sino ang tunay na nagmamay-ari nito. May nakita rin akong mga daliri, mata, laslas ang leeg, ang ilan sa kanila mulat pa ang mga mata.
Hindi ko nakayanan kaya umatras ako, at sumuka rin sa tabi. Parang chinap-chop sila, grabe ang pumatay sa kanila. Sino kaya siya? wala naman siyang puso, ng mahimasmasan ako sa pagsusuka, tumayo ako nang maayos.
Hindi nagtagal ay dumating na ang mga pulis, kaagad silang rumesponde.
TheKnightQueen