Chapter #2

1141 Words
= RHEXYL = "Lumayo kayong lahat! Huwag kayong hahawak ng kahit ano." wika ni Police officer na pinagtutulukan kaming maka-alis sa crime scene. Wala kaming nagawa kun'di ang umalis, kasi talagang hindi mo kakayanin ang amoy ng dugo at ang mga lagay ng mga patay. Nilisan namin ang lugar, at hinayaan ang mga pulis na mag-imbestiga. Inutusan kami ng mga professor na bumalik sa kaniya-kaniya naming classroom. Dahil sa nangyari, nakansela ang lahat ng klase. Naging tahimik din ang araw ko, wala sa wisyo ang mga nambubully. Nagkalat din ang mga pulis, tinatanong ang lahat ng studyanteng nakakikilala sa mga namatay, at nakasama rin ako sa mga taong natanong. Ayon kasi sa sinabi ng isa kong kaklase, ako raw ang huling taong nakasama nila which is totoo naman. Nang araw kasi na 'yon, hapon na. Oras na ng uwian, inabangan nila ako na lagi naman nilang ginagawa. Silang grupo ang laging present sa pambubully sa'kin, pero pagkatapos nila akong iwan na parang basahan, pagbabatuhin, sira-sirain ang damit ko. Umalis na sila na may ngiting tagumpay, pagka-alis nila tahimik na niligpit ko ang gamit ko at umuwi na. Hindi ko naman sila pinapatulan kasi wala rin akong mapapala marami sila, iisa lang ako. Wala akong laban sa kanila, saka pakialam ko ba sa kanila. Pero kahit ganoon, naaawa pa rin naman ako sa kanila, grabe kasi yung tinamo nila talagang 'di mo makikilala ang mga pagmumukha nila. Nang walang napala sa'kin ang pulis. Hinayaan nila na akong makauwi. "Ya, nandito na po ako." sigaw ko pagkapasok ko pa lang ng bahay. Lumabas galing kusina si yaya, kunot-noo siyang tumingin sa akin. "Anong klaseng tingin yan, Yaya?" tanong ko. Umupo ako sa one seater couch. Lumapit sa'kin si yaya habang ang mga kamay niya ay nasa kaniyang baywang, at nakataas ang isang kilay tila nagtataka kung bakit ang aga kong umuwi. "Bakit 'kay aga mo yata? Tumakas ka na naman 'no! Ikaw talagang bata ka! kailan ka ba titino? Hindi na ako magugulat kung bukas tanggal ka na naman sa school mo." panenermon n'ya, Hinubad ko ang suot kong rubber shoes. "Hindi na nga ako umaangal diyan sa klase ng pananamit mo. 'Kay ganda-ganda mong dalaga!" naiiling niyang sambit ng mayroong pagkadismaya. "Yaya, wala po kaming pasok, kasi may nangyari pong 'di maganda kaya pina-uwi po kami ng maaga." paliwanag ko. Alam ko kasing di siya titigil hangga't hindi ako nagpapaliwanag. "Nangyari? Bakit? Binully ka naman ba? Sinaktan ka naman ba nila? Sumagot ka nga, iha!" 'yong ekspresiyon niya napalitan ng pagkahestirikal at pag-aalala. "Yaya, relax! Isa-isang tanong lang, nag-iisa lang ako. Para ka naman si manong guard, e." reklamo ko. Tumahimik naman siya, pero wala pa rin akong takas kasi naghihintay pa rin siya sa sasabihin ko. Lihim naman akong sumimangot, bumuntong hininga ako. "Wala pong nangyari sa'kin. Mayroon po kasing natagpuang patay sa school namin, mga kaklase ko." tukoy ko sa paliwanag ko kanina. Lumaki ang kaniyang mga mata. "Ano? Sino daw ang may gawa?" gulat niyang tanong. Kumibit-balikat ako. "Malay ko," walang buhay kong sagot. "Jusko! mag-iingat ka lagi. Iba na talaga ang panahon ngayon." pagpapayo niya. Tumango ako bilang tugon. "Oh siya! magpahinga ka na, nang makakain ka na ng meryenda." kalmado niyang wika. Tumango ako, bumalik na ulit siya sa ginagawa niya. Tumayo na ako, aakyat na sana ako ng hagdan ng magsalita si yaya "Ay, iha! Nakalimutan kong sabihin, may package na dumating para sayo." biglang sabi ni yaya. Package? "Kanino po galing?" takang tanong ko. "Walang nakalagay, pangalan mo lang ang nakasulat." sagot ni yaya. Kahit nagtataka pa rin ako, tumango na lang ako. Umakyat at pumunta ako ng kuwarto. Pagbukas ko pa lang, nakita ko kaagad ang package na nasa ibabaw ng kama ko. Sinara ko ang pinto, saka itinapon ko naman sa kung saan ang bag ko. Hinawi ko ang lahat ng nakakalat, mga librong nasa sahig, damit, mga plastic ng junk foods na kinain ko kagabi, mga unan, kumot. Para ngang may dumaan na buhawi, dahil sa sobrang kalat. Muntik na akong madapa, dahil sa natisod ako. Inis kong sinipa ang bagay na nakaharang. Pagkalapit ko sa package, tiningnan ko ito nang maigi. Hinanap ang address o pangalan man lang ng sender pero wala, pangalan ko lang talaga. Kumuha ako ng cutter para simulan ng buksan. Pagkabukas ko, isang kahon ang bumungad sa akin. Kunot-noo ko itong kinuha, binuksan ulit. Tumaas ang kilay ko na kahon pa rin ang laman. Pinaglalaruan ba ako ng kung sinong hudas na sender? Binuksan ko ito nang binuksan, hanggang sa makita ko ang puting sobre. "A letter? " mahinang tanong ko sa sarili. Seriously? Talagang pinackage pa para lang sa isang letter? Ano 'to? Sobre pero wala namang bukasan o nakalagay. Wala namang lagayan ng papel, inikot-ikot tapos tinataktak baka sakaling mahulog kung mayr'ong sulat man. May napansin ako sa ibaba nito. Sa bandang kanan, mayroong nakasulat na U.D.M "U.D.M? " bulong ko. What is the meaning of this three letters? Hinaplos ng hinlalaki ko ang tatlong letter, nagulat ako nang biglang magbago ang kulay ng sobre from white to black with gold. What is this thing? May naka-ukit na design sa both side nito, may bilog sa gitna, which I think the lock of this envelope. Binuksan ko ito pero di ko mabuksan. Napatingin ako sa kamay ko at sa cutter. Di kaya? Sinugatan ko ang daliri ko gamit ang cutter. Napapikit ako sa hapdi, tiniis ko na lang. Itinapat ko ang aking daliri sa bilog nito, at hinayaan kong matuluan ito ng dugo ko. Inilayo ko ang aking kamay ng narinig ko ang pag-click at paggalaw nito. Pinanood ko ang kusa nitong pagbukas, pagkatapos may lumitaw na holographic human. "Good day, Ms. Maria Aljea Rhexyl Salvez. We are inviting you to come to our school. Our University is suitable and appropriate for you, to cultivate and develop your hidden ability. If you are interested, press CONFIRMED, and if undecided, we'll give you one day to decide." she said. "What's school?" I asked. "I'll tell you when you are fully decided. Enjoy your day, Ms. Salvez." she said saka siya naglaho. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si yaya na mayroong dalang pagkain. "Dinalhan na kita ng makakain." saad niya saka inilapag ang tray of food. Dumapo ang tingin niya sa package. "Binuksan mo na? Anong laman?" tanong niya. "Nothing, just a sh*t! I mean, a prank. Wala namang laman, wrong send siguro." sagot ko. "Anong nangyari sa daliri mo?" pag-aalalang tanong niya. Napadako ang tingin ko sa sobre. Bumalik na ito sa dati, kulay puti na ulit. "Nasugatan po ng cutter habang binubuksan ang package." sagot ko kay yaya. "Saglit, kukuha ako ng panggamot." sambit niya, Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "No need, Ya. I'm okay, ako na lang po ang gagamot." pagtanggi ko. Tiningnan niya ako nang maigi. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD