Acer P.O.V
Kasalukuyan kaming nasa lighthouse. Nandito kami sa living room habang si Leader nasa room niya.
"What do you want to eat? Magpapa-deliver ako ng makakain." tanong ni Yhoquin.
"Anything," sagot ni Zandrey.
"Okiee!" Nagthumbs up pa siya.
Kumuha siya ng phone, nagsisimula na yatang mag-order. Napalingon naman ako kay Briel.
"Ano ang pinanonood mo?" curious kong tanong kay Briel pagkalapit ko sa kaniya.
Tiningnan ko ang pinapanood niya. Tutok na tutok kasi siya.
"Leader let them in?" ani ko,
Marami kasing mga nakapasok na barumbado sa loob ng campus. They are heading to the Black Building.
"Tayo ang target nila." Phixier said.
"Nakatanggap ako ng paanyaya galing sa grupo ni Kyle. He wants to fight with us." Phixier added.
Woahh! Exciting 'to!
"Mali ba ako ng nakikita o talagang si Rhexyl 'yang nakikita kong nakatali?" Biglang sumulpot si Yhoquin.
Napalingon ulit ako sa laptop.
"It's Rhexyl," pagko-kompirma ni Briel sa sinabi ni Yhoquin.
Napadako ang tingin namin lahat sa pababang si Leader. Mabibilis na hakbang ang ginawa niya hanggang sa makalabas siya ng lighthouse.
Nagkatinginan kaming lahat. Agad kaming tumayo at kumuha ng kaniya-kaniya naming weapon. Ang nahablot ko lang ay ang baril ko saka toniladang bala.
Mabilis kaming humabol kay Leader. Hindi na ako nagulat ng papuntang Black Building ang punta namin.
Seryoso? Ganitong umaga talaga? Hindi ba p'wedeng mamayang gabi na lang?
Kaagad naming narating ang nasabing lugar. Unang sumugod ay sina Yhoquin at Fhinn. Sa mabilis na oras ay naubos agad nila ang ilan sa kakampi ni Kyle.
"Piece of cake!" pagmamayabang ni Fhinn.
"Ow! Sylvester ang aga mo naman yatang i-rescue ang babaeng aking bihag? It seems like she is important to you." sambit ni Kyle na tila natutuwa pa sa kaniyang nasaksihan, at sa agarang pagdating ni Leader.
Lihim akong napalingon kay Leader.
"You bring a lot of trash." sabat ni Kheizar.
Nginisihan lamang ni Kyle si Kheizar.
"I am not talking to you." ma-attitude na tugon niya kay Kheizar.
Narinig ko ang pagsipol ni Fhinn. Hindi 'yan puwede kay Kheizar. Nakita ko ang pagbalik ng tingin niya kay Leader.
"Hindi ka ba makapaghintay? Pero sige," nakangising tanong niya.
"Ilabas niyo ang bihag." utos ni Kyle sa kaniyang tauhan.
Nakita naming lumabas sila galing sa isang kuwarto. Hindi nakaligtas sa akin ang mapanuring tingin ni Leader kay Rhexyl.
"I will kill this lady in front of you." banta ni Kyle saka niya tinutukan ng baril sa ulo si Rhexyl.
"Do it. kill her, if it is makes you satisfied." malamig na tugon ni Leader.
"Sabi sayo, e. Wala siyang paki-alam sa'kin." bored na ani naman ni Rhexyl.
She seems not to be so worried. Parang hindi siya bihag sa lagay niya.
"Pull the trigger, baka maunahan ka pa. Ikaw rin baka mauna ka pa sa hukay kaysa kay Sylvester. Sa halip na si Sylvester ang mapunta sa hukay,pero dahil sa kupad mo, ikaw ang napunta." dakdak niya.
Atapang ah,
"B*llsh*t! Kill them all!" utos ni Kyle.
Nagsilabasan pa ang mga tauhan niya.
Napailing ako. Binaril ko ang mga nasa taas, isang bala sa isang tao lang. Sayang kasi sa bullet, e. Nakita kong hinablot ni Yhoquin si Rhexyl. Nilagay namin siya gitna, saka pinalibutan namin siya nang matiyak namin ang kaligtasan niya.
Hindi nagtagal naubos na namin ang lahat ng tauhan ni Kyle.
"Ano? Meron pa ba?" tanong ni Fhinn.
Si Kyle na ang sunod na sumugod. Agad na siyang hinarap ni Fhinn. Hinayaan na namin sila, total kaya na nila 'yan.
Maya lang ay nakarinig kami nang malakas na hiyaw mula sa kuwarto kung saan lumabas kanina si Rhexyl. Sabay-sabay kaming napalingon sa gawing iyon. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid para hanapin si Rhexyl.
Saan nagpunta si Rhexyl? Nawala bigla, e. Muling napadako ang tingin ko sa kuwarto. Mula sa loob, mayr'ong isang lalaking tumilapon.
Paatras itong lumalayo kay Rhexyl. Napabaling ako sa lalaki at sa kamay nitong putol na.
Did she?
"L-lumayo ka s-sakin." mangiyak-ngiyak na pakiusap ng lalaki.
"Bakit pinapalayo mo na ako ngayon? Hindi ba, you want me?" mapaglarong saad ni Rhexyl.
"No, hindi na n-ngayon. Lumayo ka!" pagtataboy muli sa kaniya.
Bawat atras niya ay ang paghakbang ni Rhexyl. Bakas na bakas sa mukha ng lalaki ang sobrang takot. Marahang ikinikis ni Rhexyl sa sahig ang dulo ng sword na hawak niya. Maging ako ay nagsitaasan din ang balahibo. D*mw*t!
"Touching me is your biggest mistake. I show no mercy when someone dares to touch me, including the tip of my hair." mariin at malamig na wika ni Rhexyl na siyang tumatak sa'kin.
Bigla kong inalala kung nahawakan ko na ba siya. Nilait possible pa pero ang hawakan siya, parang hindi naman. Ito ba ang dahilan kung bakit iniiwasan niyang huwag siyang mahawakan ni Yhoquin o nino man?
"Would you like me to spare your life?" she asked sweetly.
Wala pang segundo ay mabilis na tumango ang lalaki. Kahit naman ako ay mabilis na tatango.
"Gagawin ko lahat ng ipag-uutos mo." mabilis na sabi ani ng lalaki.
"Okay, mabait pa naman ako kahit papaano." ani ni Rhexyl.
Tumalikod siya sa lalaki at napadako sa'min ang tingin niya. Muntik na akong mapaatras nang makita ko ang mata niyang parang walang buhay. Maganda itong tingnan dahil sa kulay nito pero para naman itong yelo sa lamig.
Mabilis siyang muling humarap sa lalaki. Malapit ng dumikit ang kaniyang sword, subalit nahinto siya sa kaniyang gagawin ng mayr'ong nauna sa pagpatay sa lalaki. Mayr'ong bumaong dagger sa noo nito na sa tingin ko, nanggaling ito kay Leader.
"Let's go." untag sa amin ni Leader.
Nakita ko ang paglambot ng mukha ni Rhexyl, at pagkawala nang malalamig niyang tingin. Mabilis siyang sumunod kay Leader. Sumunod naman kami. Fhinn suddenly stopped and threw his sharp knife.
Napailing ako ng tuluyan ng bumagsak si Kyle. Wala talaga 'tong patawad, sinakto ba naman sa puso.
Mabilis kaming nakabalik sa campus. Naglalakad kami na tila walang nangyaring bakbakan kanina.
"Come with me." Rinig kong sabi ni Leader kay Rhexyl.
Sumunod sa kaniya si Rhexyl. Sinundan ko sila pareho ng tingin.
"Stop looking at her. Kulang na lang isipin kong type mo na si Rhexyl." pang-aasar ni Yhoquin na ikinalingon ko sa kaniya.
Tinaasan ko siya ng kilay. Kumuha ako ng bagay na puwedeng ibato sa kaniya. Mabilis naman siyang tumakbo palayo sa akin at malakas na humagalpak nang tawa.
"Gago!" sigaw ko.
Ang gunggung ang bilis nakatakas. Napailing na lang ako. Walanghiya talaga!
Rhexyl's P.O.V
Tahimik akong nakasunod lang kay Sylvester hanggang sa narating namin ang male dorm building. Tahimik kaming sumakay ng elevator, at walang imik din kaming lumabas pagkabukas muli ng nito.
Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Nagpahila na lang ako ng mauna siya sa akin sa paglalakad. Napangiti na lang ako. Tinungo namin ang isang kuwarto na sa tingin ko ay kaniyang dorm. Pagpasok namin, napa-wow ako sa ganda ng loob.
Same with my dorm pero ang kulay nito ay black at gray. Napagawi ang tingin ko sa kaniya nang marinig ko ang pag-ring ng kaniyang cellphone. Kinuha niya ito saka sinagot.
Binitawan niya ang kamay ko at tumungo sa isang tabi. Hindi naman ako tsismosa para makinig sa usapan nila.
Sumulyap ako sa kaniya bago pinihit ang door knob saka walang paalam na pumasok sa kuwarto niya. Pagpasok ko, ang linis at ang organize ng loob. Napadako ang tingin ko sa wardrobe niya.
Naalala ko kasi mukhang kailangan kong maligo at magpalit. Lumapit ako rito at sa pagbukas ko, sa puting long sleeves ako napatingin. Agad ko itong kinuha. Bumukas ako ng drawer at mga pangbabaeng clothes ang nakita ko.
Biglang tumaas ang dulo ng kilay ko. Sino kayang higad ang nakapasok na sa kuwartong 'to? Talagang nag-iwan pa ng damit. Hindi naman makapal ang kaniyang mukha.
Kumuha pa rin ako kasi alangan namang kay Sylvester ang suotin ko. Pumasok ako sa banyo saka mabilis akong naligo. Pagkatapos ko ay agad akong lumabas.
Sakto namang kakatapos niya pa lang sa kausap niya.
"Sinong higad ang may ari ng mga damit pangbabae sa wardrobe mo?" agad na tanong ko.
"Why? Did I buy the wrong size?" balik tanong niya.
"Wrong size?" taas kilay kong ani.
Hindi naman, sakto lang sa akin. Nang mapagtanto ko ang ibig niyang sabihin.
"You?" I asked.
"It's yours." simpleng sabi niya.
Umupo siya sa couch. Natahimik naman ako. Medyo napahiya ako ro'n, ah. Sarili ko pala ang tinutukoy kong higad.
Umupo rin ako sa couch. "What now? What to do next?" pagbasag ko sa katahimikan.
Lumingon siya sa'kin.
"Be my member." he answered.
TheKnightQueen