Rhexyl's P.O.V
Marahan kong iminulat ang aking mga mata. I adjusted my sight because of too many lights.
"Gising na ang biyutiful." sabi ng mukhang halimaw.
Tumingin ako sa paligid. Tatlo silang magkakasama na pare-parehong mukhang bisugo.
Lumapit ang isa sa akin. Hinawakan niya ang buhok ko saka ito inamoy nang inamoy.
"Let go of my hair." mahinahon kong saway sa taong ang lakas ng loob na hawakan ang buhok ko.
Hindi na nga kagandahan, tapos lalo niya pang papangitin.
"Hmm, smell so good. Ang ganda mo naman at mukhang sariwang-sariwa pa." malaswang mungkahi niya.
Saang lupalop ba ng mundo galing ang mga bisugong 'to? Ang baho ng hininga at ang bantot.
"Kyle, can I have a taste of this beautiful lady of yours?" paalam niya sa kung sino.
Tiningnan ko lang siya. One more touch, and you'll be on my dark and death list.
"Later, after I talk to her," Narinig kong sagot ng tinawag niyang Kyle.
Paano kaya nakapasok ang mga bisugo na ito?
"Maghanda ka dahil magiging akin ka." sambit niya na tila nakasisigurong matitikman niya ako.
As if! Magpapatikim ako sa kaniya? Ano siya? Gold? Tsk!
"Kahit sa panaginip hindi 'yan mangyayari. Never in your dream akong makakasama sa mga collection mo." tugon ko.
"Huwag kang pakikisiguro dahil sa ayaw mo man o sa gusto mo, matitikman at matitikman pa rin kita." mabilis niyang tugon.
Halata sa mukha niya ang pagkatakam sa nasa harapan niya, na siya namang lihim na ikinataas ko ng kilay.
Eww!
"Mas gugustuhin ko pang mamatay na lang kaysa ang magpakain sa'yo. " pang-aasar ko sa kaniya.
"Enough!" saway ng isang lalaki.
"The three of you, leave us alone." utos niyang dagdag sa tatlo.
Parang maamong tupa namang sumunod ang tatlo. Dumako pa ang tingin sa akin ng isa. Ang kaniyang mga tingin ay nagsasabing,,,maghanda ako.
Tsk!
Kumuha ng mauupuan ang lalaking tingin ko ay ang Kyle na tinutukoy ng isa sa tatlong bisugo kanina. Inilagay niya ito sa tapat ko, at sabay upo.
Pasalamat siya dahil nakagapos ako. Tsk! Wala rin namang saysay. Ang nakaiinis pa, hindi ko na suot ang hood ng jacket ko.
Nakaka-imbyerna! Dumadagdag pa sila sa stress ko.
"What do you want from me?" tanong ko nang matapos na 'to.
"Rhexyl! Rhexyl!" mahinang bigkas niya sa pangalan ko. "Hindi ko inaakalang may ganda ka palang tinatago sa likod ng maitim mong kulay." dugtong niya.
Buti na lang maitim na balat ko lang ang sinabi niya. Akala ko maitim na budhi ang kaniyang sasabihin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. Mayr'on akong hint kung bakit ako naparito.
"Did you capture me because of what I did to your girlfriend?" nakangisi kong sabi.
"Sort of. I want to kill Sylvester, and after that, I'll decide if you become mine or kill you, for killing my girlfriend." sagot niya.
"Why not kill him directly? Hindi mo ako kailangan bihagin just to get Sylvester's attention." bagot kong sambit.
Tumayo siya, saka naglakad-lakad na tila nag-iisip.
"Or you're just too weak to face him. You know he is stronger than you." dagdag ko sa sinabi ko.
I know this guy. He is Kyle London, the so-called lover of Rhebecca. His group is in the third rank.
"Shut up!" malakas niyang sigaw.
Pwe! Hindi ako bingi para sigawan niya.
"He won't come here if that's what you think." saad kong muli.
"Then I have no choice but to kill you." mariing banta ni Kyle.
Para namang manginginig ako sa takot sa bantang binigay niya.
"Try me. Do it, huwag puro salita. Kill me if you can." panghahamon ko.
Hindi ko naman siya uurungan, e. Kanina pa nga nangangati ang kamay kong gawin kung anong ginawa ko sa syota niya.
"Boss, nandito na sila." anunsiyo ng kasama niyang mga takas mental este bilanggo.
Kyle smirked.
Lumabas siya at iniwan ako. Pumasok naman ang tsunggo na naglalaway. Parang asong ulol na gumapang ang daliri niya sa balat ko.
"Welcome to your nightmare." malamig kong saad.
Nakita kong natigilan siya sa klase ng boses ko. Natauhan lamang siya ng mayr'ong sumigaw sa labas na nagsasabing ilabas ako.
Agad siyang tumalima. Hinawakan niya ang kanang braso ko, saka hinila palabas. Pagkalabas namin, agad niyang itinutok sa leeg ko ang isang kutsilyo.
I secretly rolled my eyes.
Napakaboring!
Nakita kong bagsak lahat ng tauhan ni Kyle. Sayang marami pa naman siyang pinuslit galing sa bilangguan.
"I will kill this lady in front of you." banta ni Kyle saka niya rin akong tinutukan ng baril sa ulo.
"Do it. Kill her, if it is makes you satisfied." malamig na tugon ni Sylvester.
"Sabi sa'yo, e. Wala siyang paki-alam sa'kin." bored kong sabat.
"Pull the trigger, baka maunahan ka pa. Ikaw rin baka mauna ka pa sa hukay kaysa kay Sylvester. Sa halip na si Sylvester ang mapunta sa hukay, pero dahil sa kupad mo ikaw ang napunta." dakdak ko.
Puro sa haya kasi. Napakabagal!
"B*llsh*t! Kill them all!" utos ni Kyle.
Napabuntong hininga na lang ako. Akala ko ba, ako ang papatayin?
Nakita ko ang pagsilabasan pa ng mga tauhan niya.
O! Marami pala siyang dala? Kawawa naman, mga hangal talaga. Nagpa-uto ba naman kay Kyle. Ayan tuloy napadali ang buhay. Ang sarap kaya ng buhay sa kulungan, kain at tulog ka lang.
Nagulat ako nang mayr'ong humila sa akin sabay bigla rin akong binitawan. Malapit tuloy akong makipag-lips to lips sa sahig. Nang patayo na ako, may tumulak na naman sa akin, tapos naulit nang naulit ang pagtulak sa akin.
Aba!
"Amp*tch*! P---" Naputol ang sasabihin ko ng mapagtanto kong nasa gitna ako ng VBlood.
Napalilibutan nila ako. Sandali akong natigilan na kalaunan ay ikinataas ng dulo ng kilay ko.
Protecting me?
Ka-touch naman.
Hinintay kong matapos ang kanilang laban. Barilan doon, dito, taas at sa baba. Pagkatapos ng ilang minuto ay natapos na nila ang lahat ng tauhan ni Kyle.
"How weak," Fhinn commented.
"Paano ba 'yan, ikaw na lang ang natitira." sambit ni Acer kay Kyle.
Umalis ako sa kinatatayuan ko. Labas ako sa usapan nila. Hinanap ko ang taong dadalhin ko sa hukay. Malamig na tumaas ang dulo ng aking labi nang matagpuan ko siya.
"Hey, little rat. Where are you going? Hiding somewhere? We've got unfinished business, don't we?" malamig kong wika na may ngiti sa labi.
Tumayo siya nang maayos.
"Lalapit ka rin pala. Tatanggi-tanggi ka pa kanina." sambit niya,
"Come, shall we start?" aya ko sa kaniya.
Lumawak ang kaniyang ngiti.
"My pleasure, hindi ka naman pala pa-hard to get." nakangiti niya pang sambit
Tingnan natin kung gaano ako ka-hard to get.
Pagkalapit niya sa akin. Kinuha ko ang pen na nakatusok sa buhok ko. Ginawa ko ito kaninang pang-ipit.
Pinindot ko ang button nito, agad itong naging sword.
I did not think twice about slicing his hand. Ang kamay na dumapo sa aking balat. Ang hiyaw niya ay umalingawngaw sa buong paligid.
Hinablot ko siya at ibinalibag siya palabas ng kuwarto.
"L-lumayo ka s-sakin." mangiyak-ngiyak na pakiusap ng daga habang lumalayo sa akin.
"Bakit pinalalayo mo na ako ngayon? Hindi ba, you want me?" mapaglarong wika ko.
"No! hindi na n-ngayon. Lumayo ka!" pagtataboy niya sa akin.
Bawat atras niya ay ang paghakbang ko palapit sa kaniya. Bakas sa mukha niya ang sobrang takot. Marahan kong ikinikis sa sahig ang dulo ng sword na hawak ko.
"Touching me is your biggest mistake. I show no mercy when someone dares to touch me, including the tip of my hair." mariin at malamig ko wika.
Nang wala na siyang maatrasan, tumigil ako sa paglapit sa kaniya.
"Would you like me to spare your life?" I asked sweetly.
Wala pang segundo ay mabilis siyang tumango.
"Gagawin ko ang lahat ng ipag-uutos mo." mabilis niyang sabi.
"Okay, mabait pa naman ako kahit papaano." ani ko,
Tumalikod ako sa kaniya. Napadako ang tingin ko sa VBlood. Napansin kong dehado na rin si Kyle. Bagsak ang lalaki.
Mabilis kong ipinihit ang katawan ko paharap muli sa taong kausap ko, subalit hindi pa man nakadidikit ang sword ko sa lalaking kaharap ko, ay mayr'ong dagger na ang bumaon sa noo niya.
Agad akong napalingon sa pinagmulan nito. Dumako ang mga tingin ko kay Sylvester.
"Let's go." Sylvester said.
Binalik ko sa pagiging ballpen ang sword. Wala akong nagawa kun'di ang sumunod din sa kanila.
"Aish! This a**hole!" Rinig kong bulong ni Fhinn.
I saw him throw his sharp knife. Napadako ang tingin ko sa pinagbatuhan niya nito. Nakita kong nakatayo si Kyle, nabitawan niya ang hawak niyang baril. Nakatusok direct sa puso niya ang isang knife saka dahan-dahan siyang bumagsak.
Paglingon ko muli sa grupo ni Sylvester. Malayo na ang narating nila kaya patakbo akong humabol sa kanila.
TheKnightQueen