Rhexyl's P.O.V
Pagpasok ko sa cafeteria. Lalapit na sana ako sa counter ng mayroong sumigaw sa pangalan ko.
"Rhexyl, here!" tawag sa'kin.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Yhoquin lang pala. Nakangiti siya habang kumakaway. Napakamot ako sa noo. Nayare na, nahuli ako. Lumakad ako palapit sa kanila. Pinaghila ako ng mauupuan ni Yhoquin. Kasama rin niya sina Drewhein, Briel, Acer, at Fhinn kung hindi ako nagkakamali.
Umupo ako, napalingon ako sa mga upuan. Last time na umupo ako rito, sa pagkakatanda ko, e. Eleven lang ito, ngayon twelve na.
"Nagtataka ka why nag-add ng one chair? Its because 'yang seat na inuupuan mo is for you na. Reserve na para sayo." Yhoquin explained.
Alanganin akong ngumiti. Tumango na lang ako.
"Thanks," sambit ko na lang.
Galing din, noh?
Nagulat ako ng mayroong naglapag ng tray ng pagkain sa'kin.
"Your food." sabi niya,
Napakunot noo ako. Dumako ang mata ko sa pagkain at sa mukhang waiter.
"Nag-order ba ako ng pagkain?" wala sa sarili kong tanong.
"Ganito talaga rito sa high cafeteria. Restaurant ang theme. You can choose sa counter, and if tinatamad ka you can ask and order to them." explained ulit ni Yhoquin.
Nagpasalamat na lang ako. Nagbow muna 'yong waiter bago umalis. Kinain ko na ang pagkain na nasa harap ko ignoring my thoughts about it.
"Puwede ba ako magtanong?" tanong ko sa kanila.
Napalingon sila sa'kin.
"Sure, anything." Fhinn said.
Tumango naman ang iba.
"Who is Venomous Blood? I mean, I keep hearing that name." wika ko,
Sandali silang natigilan at sabay-sabay na nilingon ang isa't isa. Tumawa si Yhoquin sa sinabi ko.
"Venomous Blood? Kami 'yon, dito kasi gang group is allowed. You can build by group, trio or duo. If ayaw mo naman at kaya mo. Puwede namang solo ka lang." sagot ni Fhinn.
"Ahh," naging react ko.
Sila pala 'yon, but anong issue sa kanila if nakikisabay ako sa kanila? At saka, sila naman ang lumalapit, hindi ako.
"E, ano 'yong rank? 'Yan kasi ang pinuputok ng butsi no'ng babae kanina." medyo inis kong sabi.
"Here, rank or ranking is our life saver." sagot ni Drewhein.
"How? What is the benefits of being one in a rank?" tanong ko.
"If benefits ang pag-uusapan, marami ang sagot. Lalo na kapag kasama ka sa Top Ten Overall ranking, ang pinakamalakas sa buong university. Magiging instant mayaman ka." sambit ni Briel.
"Sino ang nasa ganiyang rank? The Top Strongest here." I asked.
Kumuha ako ng glass of juice saka ininom.
"Kami, our group is the strongest group of all." Briel said.
Nagulat ako at naibuga ko ang iniinom kong juice. Good thing walang tao sa harap ko.
"What?" wika kong nanlalaki ang mata.
Now I know why they are mad at me. Ang pinakamalakas ng grupo pala ang kasama ko. Putchaaa! Nahanap ko na ba ang sarili kong hukay. Being with them feel like I'm already in my grave.
"All of us occupy the Top Strongest of all. You can check the ranking system if 'di ka naniniwala." ani ni Acer.
Wala sa sarili akong napainom ulit.
"At ang aming leader ang siyang King of the campus, the dangerous leader of us. You already met him." wika ni Drewhein.
Napalingon ako sa gawi niya.
"Met him?" tanong ko.
Paano ko naman mame-meet 'yon?
"Yes, the guy name Sylvester. He is our leader." sagot ni Briel.
Sa pangalawang pagkakataon, muli kong naibuga ang iniinom kong juice.
"What? 'Yong impaktong 'yon? " gulat kong bulalas sa kanila.
That guy talaga?
"Huwag niyo nga akong mabiro." dagdag kong sabi.
"We are not joking. Katunayan, siya ang co-handle ng University of Der Mord. Apo rin siya ng ating Dean." Drewhein said.
Apo? Ang putchaaa? Kaya pala ang kapal ng mukhang kaladkarin ako sa disiplinary office at ipasok sa detention room.
Ngayon naiintindihan ko na kung bakit maiinit ang mga mata nila sa'kin. Kasama ko ba naman ang grupong pinakamalakas.
"Ahem! Balik tayo sa ranking. Ignore that thing about sa IMPAKTONG nakakaimbyerna." mayroong halong inis na sambit ko.
Dahil sa kaniya nawala ang first kiss ko.
"Ano ang process niyo sa ranking? I mean, paano kayo kumukuha ng ganiyan. Sa daming studyante rito." saad ko,
"We have three level, the high, middle and lower class. Each of them will gather their own ranking. Ang makakasali doon ay mayroong chance na sumabak sa overall ranking. Ang siyang matitira ang makakakuha." Yhoquin explained.
"Paano makapasok d'yan?" curious kong tanong.
"You have to kill. Be more stronger para manatili kang buhay. Life is the only weapon you have here once you enter here. Once na mamatay ka, talo ka. Hold your life tight." seryosong wika ni Drewhein.
Napalunok ako sa sinabi niya.
"He is right, wala kaming paki-alam kung mayaman ka or malaki ang influence mo sa labas. Kung mahina ka naman balewala ang lahat ng 'yon. Hindi kami tumitingin sa status ng buhay. Tinitingnan namin kung malakas ka ba o hindi. Kung mahina ka bye-bye earth, at kung kaya mong maging malakas, enjoy your life." Acer said.
Lahat ng sinasabi nila ay pinapasok ko sa utak. Mahirap ng mamatay ng maaga. Mayroong point kasi ang mga sinasabi nila. Hindi bagay rito ang malamya.
Mukha ngang tama si mom. Uuwi yata akong bangkay sa harap niya.
"What about the uniform? Napansin ko kasing iba ang uniform naming mga bago sa inyo." muling tanong ko.
Grab the opportunity na. Itanong na ang dapat na itanong. Mahirap ng makakuha ng next opportunity. After this, baka dumistansiya na ako sa kanila. Mahirap ng mapag-initan ng ulo baka mapugutan ako ng ulo.
"That uniform you are wearing is a sign that you are a newbie, a newbie who undergo a one month training. Para ma-notice rin namin na new students ka pa lang." sagot ni Fhinn.
"Training?" tanong ko.
"Hindi mo alam? Hindi ba sinabi ni Dean sa inyo?" tanong ni Acer.
Sinearch ko sa utak ko kung mayroon bang sinabi ang gurang na 'yon.
"I don't know, mayroong sinabi 'ata." sabi ko,
"Hindi ako nakikinig sa gurang na 'yon, e." bulong ko sa sarili.
"Bibigyan kayo ng one month para i-train o mag-ensayo para sa test niyo." Yhoquin said.
"Test?" takang tanong ko.
May entrance exam pa?
"Yes, once na makapasa ka. Officially students ka na. You can wear uniform same as ours." Fhinn said.
"Anong klaseng test ba 'yan?" tanong ko.
"Not a simple test." tanging sagot ni Drewhein.
"Bago ko makalimutan ang tungkol sa uniform. Mayroon ding color coding. A blue, yellow, black, white and red code. Bukod sa uniform na sinusuot every day, ang kulay na binanggit ko ay ang araw na dapat mong paghandaan. A special day for us." Yhoquin said.
Speaking of that, nakita ko ang mga kulay na 'yan sa wardrobe ko.
"Ano ibig sabihin ng mga kulay na 'yon?" tanong ko.
"White Code is our peaceful day. Killing is not allowed. Bawal ang p*****n or ang pumatay. Mafe-feel mo na parang ordinary school lang ang U.D.M, at 'yan ang pinaka-hate kong araw sa lahat. Utak ko mabubura yata sa napakaraming test exam." himutok ni Fhinn.
Kaya pala nakasuot sila ng puti no'ng araw ng pagdating namin at tama siya nagmukha ngang maayos lang lahat. Light ang atmosphere pero no'ng natapos na. Bumigat ang temperature ng bawat studyante. Lumabas mga dark aura nila.
"Yellow Code naman is the day which weapons is strictly prohibited. Wala ka dapat dala or hawak na kahit anong sandata, mapaliit pa 'yan o malaki. But killing is allowed. I love this day" nakangiting sambit ni Yhoquin.
Nakikinig lang ako sa kanila. Okay naman pala 'yong dalawang kulay.
"Blue Code is the targeting day. Patayin mo ang gusto mong patayin. But be aware, huwag pakampante kasi baka ikaw ang pinakatarget nila. I love this day so much I can kill whoever I want." sambit ni Drewhein
Napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi halata sa mukha niya.
"Red Code is the bloody day. Ang tinatago nilang pagkabrutal ay lalabas. Blood will shed to the whole campus." Briel said.
"Don't tell me, gusto mo rin ang araw na 'yan?" taas kilay kong sabi.
Tumawa lang siya. Tuwang-tuwa sila sa mga araw na 'yan. Mas pipiliin ko na lang mapunta sa detention room kesa ang makiisa sa kanila.
"And last, black code is the hunting day. This day play a game hide-and-seek. It's up to you kung magtatago ka or manghu-hunting ka. Be a good hider and seeker. Once na mataya at matagpuan ka. Booom! Sa hukay ka na babagsak." ani ni Acer.
"Wala bang ibang option? 'Yong hindi ka sa hukay babagsak? At saka, diretso sa hukay talaga? 'Di ba puwedeng sa kabaong muna?" sambit ko.
Kung titingnan walang color code na maganda sa mga sinabi nila. Ang cocomplicated.
"Meron naman, unahan mo sila." Yhoquin said.
"Sa hukay," dugtong ni Drewhein.
Agad kaming napalingon sa kaniya. Parang ---- parang magandang mangbato, noh?
"Dude! Gago ka talaga. What he mean is, pumatay ka or patayin mo sila bago ka nila patayin." paliwanag ni Yhoquin.
" What? I'm telling the truth. Sa hina at lamya niyang 'yan." ani ni Drewhein.
Wow! Parang nakatulong, noh? Mas lalong naging complicated. Galing! Tumawa ako ng peke.
"Paano ako papatay kung hindi ako marunong pumatay. Ni paghawak nga ng baril 'di ko pa nagagawa. Pumatay pa kaya." sambit ko,
"You can train yourself. Matutunan mo rin 'yon." Acer said.
Parang ganun lang kadali 'yon. Parang isang pitik mo lang marunong ka na agad.
"May one month ka naman para mag-training." Fhinn said.
"Ms. Hannah Guirre found dead. Second floor from E - class." Napalingon ako sa bumukas na screen.
I saw her. Naliligo sa sarili niyang dugo. Maraming tama ng baril. Mayroong laslas sa leeg. Kunti na lang ang pagkakabit ng leeg niya sa katawan. May nakatusok na maliit na axe sa dibdib niya.
Nakapaloob din kung sino ang pumatay. Ang nakalagay is Cathalina Heackler from 12th floor, from S - Class.
Sunod na pinakita ang litrato naming sampu. Nilagyan ng kulay red ' X ' symbol ang profile ni Guirre.
Mayroon na palang tatlong namatay sa aming sampu.
"Masanay ka na sa ganiyan. Minu-minuto yatang mayroong announcement about that." Rinig kong sabi ni Acer.
"Ms. Zandra Claire Dewwel won against Ms. Alejandra Hanzen." muling anunsyo nila.
Nagpalit agad ng setting ang screen. Napunta ito sa isang field. Nasa loob pa ng field si Zandra. Smiling while looking at her opponent dead body. Nakangiti siyang tumalikod. Isa rin siyang delikadong lapitan.
Makatatagal kaya ako sa ganitong klaseng lugar?
"Hoy! Acer h'wag ka namang mang-agaw ng pagkain!" malakas na bulalas ni Yhoquin.
Napalingon ako sa kanila.
"Kumuha ka na lang ulit." ganting wika ni Acer.
"Anong kumuha? Kumuha ka ng sa'yo." wika naman ni Yhoquin.
Inagaw ni Yhoquin ang pagkaing kinuha niya pero kaagad naman na inagaw ni Acer ang pagkain. In the end, walang nagpatalo. Naghilahan na sila.
Pinapanood ko lang sila habang kumakain.
"Sa'kin na lang, salamat." Kinuha ni Fhinn ang pagkain sabay kain kaagad nito.
"Fhinn!" sabay na sambit nina Yhoquin at Acer.
"Walang anuman." simpleng sabi ni Fhinn habang nilalantakan ang pagkain.
Walang nagawa 'yong dalawa. Napailing na lang ako. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko habang iniisip kong paano ba ako mananatili dito. Kung ano ang gagawin ko. Ayaw kong magwagi ang aking napakabait at mapagmahal na ina.
TheKnightQueen