Chapter #26

1569 Words
Elixter P.O.V Hi, everyone! My name is Dhem Elixter Connel. The youngest brother of kuya Sylvester. I am 15 years old, schooling at Connel High which one of our properties. I am currently sitting on the couch while playing in my gadget. Nagulat ako ng mayroong kumuha ng gadget sa kamay ko. "Mom!" reklamo ko kay mom. Nandoon na, mananalo na ako. "Will you stop playing on it. Why don't you help us here." mom said. "Bakit kailangan niyo pa tulong ko? We have a lot of maids. Why not ask them for a help. I'm sure they are willing to help you." sambit ko, Pasimple kong kinuha sa kamay niya ang gadget ko. Lihim akong napangiti ng nakuha ko ito. "You!" mom said angrily. Mabilis akong umalis sa pagkakaupo ko at lumayo sa kaniya. Pipingutin na naman niya kasi ang tainga ko. Ang sakit pa naman niyang mamingot, matatanggal ang tainga ko. "Dianna, let him do whatever he want." singit sa'min ni grandma. Napangiti ako, nagthumbs-up pa ako kay grandma. Muli akong umupo pero malayo sa puwesto ni mom. Pinagpatuloy ko ang paglalaro kong naudlot. "Tsk! Na-spoiled talaga ang batang 'yan." rinig kong wika ni mom. "Hayaam mo na. Minsan lang maging binata, hayaan mong maranasan niya ang pagiging binata." sagot naman ni grandma. That's my grandma. The best talaga siya. Paglingon ko sa kanila. Papapunta sila ng kusina. Mom and grandma preparing our foods for our family dinner. Isang beses lang kami nakukumpleto and we do a family dinner once in a month. Mom and dad are both busy in business matter.Si grandma lang ang madalas kong kasama dito sa bahay. Sina kuya at grandpa naman, busy sa pagha-handle ng University of Der Mord pero hindi lang 'yan ang hinahawakan ni kuya. He is also a C.E.O of dad company at mayroon din siyang sariling kompanya. He is also our principal in Connel High. Kuya can do everything. Kaya niyang pagsabay-sabayin lahat ng ginagawa niya, and I'm proud and so happy na mayroon akong kuyang katulad niya. Hindi kasi nila ako inoobliga about business matter. "Finally, you're here. How's your day son?" Rinig kong tanong ni mom. Napalingon ako sa harap ko when i feel the presence of kuya. "Great," simpleng sagot ni kuya. "That's it? Nothing more special? Meet a girl or something?" tanong muli ni mom. Walang nakuhang sagot si mom mula kay kuya. Inilapag ni kuya ang laptop niya sa mesa saka nagfucos dito. Naiiling naman si mom na sumuko sa pagtatanong at muling umalis. Kuya is a silent guy with a cold voice. Kahit ako ay ayokong marinig ang boses niya. Mas gusto kong tahimik lang siya. "You two, get your body out of the couch. We are going to eat." sigaw ni mom mula sa dining table. Napatingin ako sa pinagmulan ng boses ni mom. Naiiling akong tumayo. Ibang klase talaga ang boses ni mom. Daig pa ang microphone sa lakas. Pareho naming pinasok ni kuya ang dining room. Everyone is present. Ang temperature ng paligid ay naging iba. Nasanay na ako sa ganitong silent at dark aura. Ikaw ba naman na kinalikahan muna ang ganitong kabigat na aura. Tahimik akong umupo. Nagsimula na akong maglagay ng makakain sa plate ko. Bahala sila r'yan. "Sylvester, how's University of Der Mord?" dad asked. "Still doing great." simpleng sagot ni kuya. "How about you Elixter?" tanong sa'kin ni mom. "I'm fine, buhay pa naman." sagot ko. "I heard that you are being stubborn man." dad said. Dad is very strict man. You must follow him in what he gonna say. Ang pag-uugali niya ay same with kuya pero mas nakakatakot si kuya. "Am I grandma?" tanong ko kay grandma. Tumawa si grandma. "Of course not, apo." grandma said. Tumingin ako kay dad and look at his eyes saying 'see! I'm not.' Umiling lang siya sa inasta ko. "Someone trying to manipulate us." anunsyo ni grandpa. Lahat kami napabaling sa kaniya maliban kay Kuya. "Speaking of that, ang mga alipores niya ay palagi akong sinusundan." himutok na wika ni mom. Hindi lang isa o dalawa kun'di marami ang kalaban namin. Tahimik naman kami. Hindi naman kami nangingi-alam. Hindi kami pumapasok ng ibang clan. Kami lang talaga ang nilalapitan. "I already finished it." ani ni kuya. "That's great! Wala ng peste sa paligid natin." masayang wika ni grandma. Muling tumahimik ang paligid namin. Tanging kubyertos ang maririnig mo sa loob ng dining room. "Before I forgot to tell this. Sylvester, I am planning to have fixed marriage between you and with Mr. Heackler granddaughter." dad said. Napahinto si kuya sa pagkain maging ako rin. "Really?" sambit ni kuya sa malamig na tono. "Yes," sagot ni dad. "Then, I should kill her." kuya said. "You can't do that." dad said seriously. "You know me dad." wika ni kuya. Napalunok ako, kuya really mean that. Kaya niya iyong gawin. "I'm leaving." kuya said. He stood up, bago siya umalis mayroon siyang sinabi. "The most thing that I hate is, when someone controlling my life." malamig na warning ni kuya. Nakita kong ngumiti si Dad. "He never changed." grandpa commented. "Yeah! I'm just testing him." Naiiling na wika ni dad. "But you are not joking sa sinabi mo sa kaniya." gradma said seriously. Hindi umimik si dad. Muli na namang naging tahimik. At 'yon nga, natapos ang aming family dinner na tahimik and without kuya. Thirdperson's P.O.V Masayang nagsasaya ang lahat ng studyante sa loob ng isang sikat na bar sa loob ng University of Der Mord. Ngunit sa isang sulok nito. Mayroong nagmamasid sa isang tabi. Pinagmamasdan ang bawat kilos ng kaniyang binabantayan. Nang magsawa siya ay nagdesisyon siyang lumabas at lisanin ang lugar. Ngunit sa kaniyang paglabas ay mayroong nakabangga sa kaniyang lasing na studyante. "Uy! Miss, saan ang punta mo?" lasing na tanong nito sa kaniya. "Oo nga naman. Halika, mag-enjoy muna tayo." pagyaya ng kasama nito sa kaniya. Samantalang ang isang tahimik ay hinawakan siya. "Huwag ka ng mahiya." sambit nito sa kaniya. Nagpatianod siya sa taong may hawak sa kaniya. Ang akala niyang papasok sila sa bar ay lumihis sila ng daan. Dinala siya sa isang madilim na lugar. Hindi niya matukoy kung saan. Napangisi siya, mukhang mayroon siyang ipadadala sa hukay. "Halika na miss, simulan na natin." wika ng isa sa kanila. Tinanggal niya ang suot niyang hood. Lumingon siya sa gawi ng mga ito. Tiningnan niya ito malamig. Napatitig naman sa kaniya ang mga ito. Nabighani ang lalaki sa ganda ng mga mata nito. Ang kulay asul nitong dagat ay namamayani sa kadiliman. Tila nagising ang diwa ng mga ito. "Who are you?" tanong ng isa sa kanila. "An intruder." sambit ng isa. Hindi siya umimik, walang gana siyang umiwas sa palihim na pagsugod ng isa sa kanila. Hinila niya ang unang nagtanong sa kaniya. "Who am I? Ako ang magdadala sa'yo sa hukay." bulong niya rito. Walang salitang ginilitan niya ito sa leeg. Muling sumugod sa kaniya ang dalawa. Sabay niya itong inalisan ng buhay. Muli niyang sinuot ang kaniyang hood. Nilinis niya muna ang dagger na ginamit sa tatlong gunggung na nagdala sa kaniya sa sulok. "What a trash!" mariin niyang sabi sa sarili. Nilisan niya ang lugar. Pagkalabas niya, narinig niya ang pag-anunsiyo tungkol sa taong pinatay niya. Ngumiti lamang siya sa narinig. Dumiretso siya sa garden. Napangiti siya ng mayroon siyang nakitang pigura ng tao. "You came?" tanong niya. Lumingon ito sa kaniya. "Paano ka nakasisiguro na hindi nagpakamatay ang girlfriend ko?" bungad na tanong nito sa kaniya. "Mayroon ka bang nakikitang reason para magpakamatay ang pinakamamahal mo?" balik na tanong niya rito. Hindi ito nakasagot, nakita niyang nag-isip ito saglit. "My girlfriend have no reason to commit suicide." saad ng kaharap niya. "Unless she killed by someone." dugtong nito. "Mayroon ka rin palang utak." mahinang sambit niya. "How do you know about my girlfriend?" takang tanong nito tila natauhan kung bakit kilala niya ang girlfriend nito. "Bakit ka pumunta rito? Ang ibig sabihin nito ay gusto mong malaman kung sino ang pumatay sa kaniya, hindi ba?" pagbabago ko ng topic. "Bakit ako maniniwala sayo? At bakit mo ito sinasabi sa akin?" tanong nito. "Just for a fun. Wanna know kung kaya mo nga ba siyang patayin." saad niya, Humugot siya ng malalim na hininga. "Here, find that mark. Kapag nahanap mo, ikaw na bahala kung anong gagawin mo. At kapag 'di mo nagawa ako ang tatapos sa kaniya." bored na wika nito. Itinapon niya ang isang sketch na hahanapin niya. Isang simbolong itinatak niya sa isang tao. Nilagpasan niya ito. "Who are you? Paano ka nakapasok sa loob ng University of Der Mord? Bakit malaya kang nakapaglilibot sa loob?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya. "Alam mo, sawang sawa na akong sa tanong na 'yan. FYI! Dumaan ako sa proseso. Dumaan ako sa gate. Mayroon pa bang ibang daan papasok dito?" sarkastic na wika niya. "Are you a spy? If I were you, umalis ka na lugar na 'to hangga't maaga pa." pagbabanta niya. "Malas mo, you are not me." saad niya, "At kung mayroong makakaalam tungkol sa'kin. Alam ko kung sino ang babalikan at dadalhin ko sa hukay." Lihim siyang ngumiti. "Right, Mr. Zion Breeze Salvez? Kaya naman, keep your mouth shut!" malamig niyang sambit. Nilisan niya ang garden at iniwan ang lalaki. Naiiling lamang niyang inalala ang expression nito no'ng binanggit ko ang pangalan niya. "Tsk! His face is priceless." bulong niya sa sarili. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD