Chapter #27

1234 Words
Rhexyl P.O.V I am here sa garden, sa taas ng puno. Naghihintay na matapos ang oras ng klase. Hindi ako pumasok today. Why? Mapupuno na kasi ng sugat ang pisngi ko sa magandang bungad ng kutsilyo ni Graven. Makikita niya, mag-aaral talaga ako kung paano sasaluhin ang kutsilyo niya. Kapag natuto na ako, siya naman ang gagawin kong targetan. Wala akong paki kung mapunta ako sa detention room ngayong araw. Two weeks straight na akong pumapasok. Napaka-abusado naman nila kung ayaw niya akong umabsent. Sumandal ako sa sangang inuupuan ko. Ang garden na ito ang naging lugar ko sa tuwing wala akong magawa o wala kaming klase. Napatitig ako sa malaking gusali na natatanaw ko. Mula rito, maiisip mong tahimik sa loob no'n, ngunit nagkakamali ka sapagkat hindi mo alam, nagpapatayan na pala sila. For almost half in a month kung pananatili rito. I observed na ang highest floor ang mababa ang p*****n ngunit dapat mong layuan dahil ang titinik nilang pumatay. I saw once Yhoquin and Fhinn killed someone. I was shock when I witnessed their dark side, kasi no'ng magkakasama kami ang iingay nila tapos kung titingnan ang hina nila. They are indeed the strongest group. Samantalang ang nasa lower floor, napaka-chaotic. Wala kang masasabi sa gulo at p*****n nila. They are no safe area sa lugar na iyon. Kapag nilapitan ka ni kamatayan wala kang ibang gagawin kun'di ang lumaban o 'di kaya ay tumakbo na lamang. I was lucky dahil natatakasan ko naman, pero hanggang kailan? Sa ngayon, kaya ko pang lumayo. Paano kong hindi ko na magawa sa susunod. Bumuntong hininga ako at napapikit. Muli kong minulat ang aking mata saka napatingin sa 15th floor. Flashback Bored kong tinitingnan ang bawat studyante. Ilang oras na ang lumilipas pero wala pa ring professor na pumapasok para magturo sa'min. Pero kung hindi ka sanay sa kanila tiyak kong kikilabutan ka sa mga mukha nilang seryoso habang pinupunusan nila ang kanilang weapon na ang iba ay may bahid pang dugo. Tapos 'yong iba, naghahasa ng kutsilyo at swords nila. Alagang-alaga nila ang kanilang mga weapon. 'Yong Kheizar naglalaro ng dart board pero ang gamit ay dagger. Sina Rhem at Fhinn nakikinig ng music. Si Drewhein natutulog, ang ganda nga ng puwesto ng mokong. Samantalang si Zandra, kung nakamamatay ang tingin kanina pa ako tadtad ng matatalim niyang titig. Tsk! Problema ba ng babaeng 'yan sa'kin? Daig pa ang inagawang kung ano, o kaya ng candy. Wala naman akong kinukuha sa kaniya. Gusto ko ng lumabas sa kuwartong ito. Kating-kati na nga ang mga paa kong lumabas maging ang puwet ko ay nangangalay na sa kakaupo. Nakasimangot na umub-ob na lang ako sa armchair. Makatulog na nga lang. **************** Marahan akong umayos sa pagkakaupo habang nagpupunas sa mata. Napalingon ako sa paligid ko kasi ang tahimik. Napa ' o ' na lang ako. Wala na palang tao. Ako na lang pala ang natitira. Umalis na sila. Hindi man lang ako ginising. Tumayo ako, hinablot ang bag ko at tumapat sa pintuan. Hihikab-hikab akong tumayo, naghihintay na bumukas. Napakunot-noo ako ng hindi ito bumubukas. Lumapit ako sa pinto ng tuluyan and slammed it. "Hey! Open this door! May tao ba d'yan?" malakas kong ani. Shit! Lumayo ako ng kunti at tinitigan ito ng mabuti. What is wrong with this sh*t door? Inilakbay ko ang aking tingin sa paligid. "Hey! Ano ba? Hindi ako nakikipaglaro!" seryoso kong sabi. Pero wala akong narinig, ang sumagot ang nagugutom kong tiyan. Huminga ako ng malalim at nag-isip ng paraan. Inis akong sumalampak sa sahig. Kung sino man ang naglock sa'kin dito, mabura na sana. Muli akong tumayo. Maghihintay pa ako ng ilang minuto baka sakaling mayroong muling pumasok. Tumayo ako sa tapat ng glass wall. Sinubukan kong sumilip sa ibaba pero failed kasi wala akong nakitang babagsakan. Sayang! Balak ko pa naman sanang dito na dumaan. Huwag na lang pala. No thanks na lang. Napadako ang mata ko sa isang gulf ball na nakapatong sa armchair ni Lopeh. Naiwan? Ulyanin pala si kuya Lopeh. Lumapit ako at kinuha ang gulf ball. Nagulat ako na mabigat siya. Ordinary gulf ball ba 'to? Parang triple ang bigat sa normal nitong timbang. Binalewala ko na lang. Kinuha ko siya at pinaglaruan. Umupo ako sa armchair saka binato sa ere sabay sasaluhin ulit. Biglang nagflash sa utak ko na nakita ko si Lopeh na naglalaro nito kanina. Napatitig ako sa bola at sa wall glass. An idea came to my mind. Bakit 'di natin subukan. Umalis ako sa pagkakaupo. Lumayo ako at bumuwelo, saka ko itinapon sa wall glass ang gulf ball. Napapikit ako sa baka sakaling epekto nito. Bahala na kung mabasag. Pero wala akong narinig na malakas na pagkabasag or something kaya marahan kong binuksan ang mga mata ko. I blink trice when I saw nothing happened. Agad akong napatakbo upang tingnan. Sinuri ko ng mabuti, kahit crack wala akong nakita. Ano 'to? Gawa ba talaga 'to sa salamin? Kinuha kong muli ang gulf ball. Bakit walang nangyari? Tumaas ang dulo ng kilay ko. Muli kong inilibot ang tingin ko sa buong paligid. Mayro'n ba akong dapat matuklasan sa lugar na ito? Lumapit ako sa upuan ni Sylvester. Umupo ako rito. Mayro'n akong napansin sa armchair. A press button? A red press button na hindi halata. Pinindot ko siya, nagulat ako ng mayroong lumitaw na hologram sa harap ko. "Password?" tanong ko sa sarili. Pagtingin ko sa armchair, mayro'n na siya ng holographic keyboard. Since curious ako. Nag-type ako ng puwedeng password. Nagulat ako ng magtunog siya na nagsasabing password incorrect. Napasandal ako sa upuan. Nyeta! I hate this thing, thinking what might the password is. Nag-type lang ako ng type ng puwedeng password niya 'till -------- You successfully in Sa sobrang saya ko naitaas ko sa ere ang dalawa kong kamay. Agad akong napalingon sa pinto baka sakaling bumukas na siya kaso wala, e. Nakasimangot akong muling sumandal sa upuan. Ano ba yan! Naghirap pa naman ako sa pagbukas tapos hindi naman pala ito ang magbubukas. The scanning is done Napalingon ako sa pinagmulan ng boses. Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. "What the!" sambit ko. Tumayo ako at lumapit sa wall glass. Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o ano sa nakikita ko. The wall glass became a monitoring system. Ang nasa harap ko ay ang lahat ng information tungkol sa'kin. Lumapit pa ako sa wall glass. Hahawakan ko sana pero naramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa kamay kaya mabilis akong napahakbang paatras. Sh*t! Protected area pa. Muli akong lumapit sa upuan ni Sylvester. Nagtipa at pinaki-alaman ko siya. Hindi lang ang saakin ang nakita ko maging ang lahat ng studyante narito. Napalingon ako sa pintuan ng marinig ko ang pag-click nito. Agad-agad kong inalis ang hologramming sa harap ko. Mabilis din akong tumakbo pabalik sa upuan ko. Pagbukas ng pinto, nagpanggap akong bagong gising. Lumingon ako sa pinto and I saw Lopeh na pumasok. Tumingin siya sa'kin. Nagtaka naman ako. Napalingon pa ako sa upuan niya. Nakahinga ako ng maluwag ng nandun 'yong bola. "What?" taas kilay kong tanong. Hindi siya umimik. Lumapit siya sa upuan niya at kinuha ang gulf ball. Agad akong tumayo, kinuha ang bag at parang si flash kung lumabas. Mahirap ng ma-lock ulit. Hindi na ulit ako magpapalock sa classroom na 'yun. End of flashback Ang bagay na na-discovered ko ay bumabagabag sa'kin sa ilang araw na lumipas. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD