Chapter #28

919 Words
Rhexyl's P.O.V What if someone notice that? What if, malaman ni Sylvester 'yuon? Mukhang impossibleng hindi niya malaman, kasi siya ang humahawak ng paaralang ito. Siya ang president ng Top Section. Sigurado akong hawak niya ang system na 'yon. I'm sure lilitaw na naman 'yon sa harap ko at kakaladkarin sa loob ng detention room. Hindi na ako magugulat kung sa pagbaba ko nand'yan na siya nag-aabang. Aish! Nagulo ko ang buhok ko sa fraustration. Bakit ko ba iniisip 'yon? Bakit ko ba pinoproblema 'yon kung mamamatay rin naman ako anumang oras. Makatulog na nga lang muna. ***************** Pagkagising ko, napatingin ako sa wristwatch ko. Tapos na ang klase. Finally! I can leave. Tumalon ako mula sa puno. Nagulat ako ng pagharap ko isang engratang nangangalang Zandra ang bumulaga sa'kin. "Z-Zandra?" mahina kong sabi. "Ow! I'm touch. You still remember my name." Zandra said. Of course! Hindi ako makakalimutin. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya ang mga katagang iyon kaso huwag na. Mas pinili kong manahimik na lang. "Ikaw pala ang tinutukoy ni Queen." sambit ng isang alipores na kasama ni Zandra. Lumapit siya sa'kin. Hinawakan niya ang buhok ko. Hinawi ko ang kamay niya at lumayo sa kaniya. "A-Anong kailangan ninyo?" mahina kong sabi. "Arte! 'Di naman bagay. Mukha ka namang napabayaan sa araw." sabi ng humawak sa buhok ko. Lumapit sa'kin si Zandra. Hindi ko inaasahan ang mabilis na paggalaw ng kaniyang kamay. Namalayan ko na lang ay bumaling sa kanang direksiyon ang mukha ko. Malakas na tunog ng sampal ang narinig ko. Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo mula sa labi ko. Umatras ako at lumayo sa kanila. "Why? Scared?" tanong niya sa'kin. Humarap ako sa kaniya ngunit napapikit ako ng daplisan niya ang pisngi ko gamit ang dagger niya. Peste! "Ano bang mayroon sa iyo at pinagtutuunan ka ng pansin ni Sylvester?" galit niyang wika. "A-Ano bang g-gusto mo?" matapang kong saad. I saw her smirk, an evil smile. "Stay away from him." seryoso niyang wika. Stay away from whom? Umayos ako ng tayo. Ang sarap niyang tawanan. "Stay away? From who? Kay Sylvester ba? Nakita mo bang magkasama kami sa lahat ng oras? 'Ni hindi ko nga nakikita ang anino ng taong 'yon. At saka, bakit hindi siya ang sabihan mo? FYI! Siya ang lumalapit sa'kin." mahaba kong lintanya sa kaniya. Humarap ako sa kaniya. Kusang nagtiklop ang bibig ko sa mukha niyang nakakatakot. Napalunok ako, napasobra yata ang sinabi ko. Tumutubo na ang sungay niya. "Matapang!" wika naman ng isa pang alipores ni Zandra. "Sumasagot ka pa, ha!" unang alipores ni Zandra. Nagulat ako ng sabunutan ako no'ng unang alipores. Malakas niya akong isinalampak sa lupa. Babangon sana ako pero tumilapon ako at tumama sa puno. "I never thought na ang baguhang kagaya mo ay mayroong lakas ng loob na kalabanin ako." wika ni Zandra. Naramdaman ko ang pag-squat niya sa harapan ko. Marahas na hinablot niya ang buhok ko at pinaharap sa kaniya. Hindi pa siya nakuntento. Inangat niya ako gamit ang buhok ko. Napahawak ako sa kamay niya. Pilit na inaalis sa buhok ko. "W-wala akong g-ginagawa s-sayo. Please! L-let my hair g-go." pagmamakaawa kong wika. "Kay sarap pakinggan ng pagmamakaawa mo. Alam mo bang ang boses ng pagmamakaawa ang pinakagusto ko sa lahat ng binabangga ako." Zandra said. Naramdaman ko ang dulo ng dagger sa pisngi ko. Napapikit na lamang ako sa hapdi mula sa hawak niya sa buhok ko at sakit mula sa iba pang sugat na natamo ko sa kanya. "Let me give you some tips. Alam kong matutunan mong layuan kaagad si Sylvester." narinig kong wika niya. Napamulat at marahan akong napatingin sa kanya. Nakita ko ang ngiti sa labi niya. Marahan na lumakbay ang kamay ko patungo sa kamay niyang may hawak na dagger na nakabaon sa tagiliran ko. Ramdam ko ang likidong nagmumula rito. Binitawan niya ang buhok ko sabay ng walang pasabi niyang paghugot ng dagger. Nangiginig na lumayo ako sa kanila. "Hindi lang 'yan ang matatamo mo mula sa'kin once na hindi mo pa rin layuan si Sylvester." seryoso at malamig na saad niya. Malakas na bumagsak muli ako sa lupa ng malakas niya akong sinampal. Sa lakas ng sampal niya ay parang hinampas ako ng malaking bakal sa lakas ng impact nito. "I won't kill you -----" saad ni Zandra. Dapat ko bang ipagpasalamat na hindi niya pa ako papatayin. She better to kill me now bago siya ang mauna. "--- for now." dugtong niya sa sinabi niya. Tumayo siya. "Let's go girls." Zandra said. Tanging tingin lamang ang nagawa ko habang papalayo sila. They got a wrong decision of not killing me now. Inangat ko ang kamay kong puno ng dugo. "Tsk!" Naiiling ako habang marahan na sumandal sa puno. Kaya mo 'to Rhexyl. Chicken lang 'to sa'yo. Remember, hindi lang ito ang nalagpasan mo. Ang hina naman ng babaeng 'yon. Wala siya sa kalingkingan ng aking ina. Sigh! Humawak ako sa puno para humingi ng suporta sa marahan kong pagtayo. Nang makatayo na ako. Dahan-dahan akong humakbang. Habang tumatagal, nakararamdam ako ng panghihina. Dumidilim at lumalabo rin ang dinadaanan ko. Nasa tapat na ako ng campus building pero ang dorm ang destination ko pero mukha yatang hindi ako aabot. Tuluyan ng dumilim ang paningin ko. Ramdam ko na babagsak ako pero sa halip na lupa ang babagsakan ko. Bisig ng isang tao ang naramdaman ko. Gustuhin ko man na makita kung sino man siya ay hindi ko na nagawa dahil talagang hindi ko kayang imulat ang mga mata ko. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD