Lopeh P.O.V
Palabas na kami ng classroom. Kakatapos lang ng nakakaboring na discussion.
"Let's eat, guys! Pero huwag sa cafeteria." pag-aayaya ni Briel.
"Sige, kain tayo sa french restaurant." sakay naman ni Fhinn.
Nahinto kami sa paglalakad ng may'rong humarang sa'min. Tsk! A group of bastards.
"Ako na." volunteer ni Yhoquin.
He step forward. Anong meron at seryoso 'ata ang tukmol.
"Hurry! Nagugutom na ako." wika ni Yhoquin.
"Anong meron? Nagmamadali 'ata ang loko? May'ron lakad siguro." saad ni Briel.
"Maybe a date?" patanong wika ni Acer.
"Tsk! Hindi niya kasi nakita si Rhexyl. Hahanapin niya daw kasi." ani naman ni Fhinn.
Napatango-tango naman si Acer at Briel.
Speaking of that girl. For me, she is a mysterious girl. Wala akong nakikitang takot o pangamba sa kaniya. Kalmado lang siya at laging naka bored look. Dapat magpanik siya kasi nandito siya sa lugar na ang iyong kamatayan ay katabi mo na.
Balewala lang 'yon sa kaniya. Magtatlong linggo na pero hindi pa siya nagsisimulang mag-training. Samantalang 'yong iba ay puspusan na pero siya wala lang.
Kun'sabagay, ang tinapon na kagaya niya ay ganiyan ang attitude. Halos lahat 'ata ng tinapon rito ay ganiyan ang ugali kaya hindi sila nagtatagal.
"Tara na!" Napalingon ako kay Yhoquin at sa humarang sa'min. Lahat sila nakabulagta na.
"Hindi man lang pinatagal ng gunggung." rinig kong bulong ni Fhinn.
Napailing na lang ako. Sumakay kami ng glass elevator.
"Hey, Yhoquin! Bakit ba gustong-gusto mo si Rhexyl? Type mo siya, noh?" ani ni Acer.
"Hindi, ah! Gusto ko lang makipagkaibigan sa kaniya. Masama ba 'yon? Feeling ko kasi hindi siya tahimik." sagot naman ni Yhoquin.
"Paano mo nasabi?" segunda ni Briel.
"Kasi 'di ba, madalas siyang binubully. Alam ko 'yong pakiramdam na mag-isa. Siguro kaya gan'on siya kasi walang nakikipagkaibigan sa kaniya." may lungkot na wika ni Yhoquin.
"Aish! Sige na nga! Sasamahan at tutulungan ka namin maghanap." sambit ni Fhinn.
Napa-iling na lang ako.
"Nandiyan lang 'yon sa tabi-tabi." ani ni Rhem.
Pagkabukas ng elevator. Kaagad kaming lumabas. Pababa kami ng hagdan ng narinig kong magsalita si Zandrey.
"Is that her?" wika niya.
Lahat kami napalingon sa tinitingnan niya. We saw her. Marahan na naglalakad.
"Is that blood?" sambit ni Drewhein.
I think she encounter someone.
Nakababa na kami. Hinintay namin siyang makalapit sa'min pero mukhang hindi na siya aabot.
Nagulat kami sa mabilis na paglapit ni leader sa kaniya. Sinalo ni Leader si Rhexyl bago siya bumagsak.
Lumapit na rin kami.
"Get a car." Utos ni Leader.
Kumilos agad si Acer.
"Kheizar," tawag ni Leader kay Kheizar.
Lumapit si Kheizar kay Rhexyl. Inilabas niya ang maliit niyang box na lagi niyang dala. Naglalaman ito ng antidote for poisons.
Yeah! Kheizar is expert in that thing. He can make poison at kaya niyang gumawa ng mga antidote. Immune rin sa lason ang lalaking 'yan.
He get a syringe saka niya inenject kay Rhexyl.
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko. Lumapit din ako sa kanila. Kinuha ko ang aking scanner.
Iniscan ko ang sugat na natamo niya.
Pagkatapos, tiningnan ko ang information na lumabas. Ang dagger na ginamit sa kaniya ay may lason. The owner of the weapon is Zandra.
"Who is it?" tanong ni Yhoquin.
"Zandra," maiksing sagot ko.
Tumayo ako.
"That b***h!" galit na saad ni Yhoquin.
"Leader," Acer said.
Binuhat ni Leader si Rhexyl.
"Get her." sabi ni Leader bago niya isakay si Rhexyl sa kotse.
"Hoy! Yhoquin saan ka pupunta?" Acer asked.
"Gagawin ang inuutos ni Leader." sagot ni Yhoquin.
Nakita namin na nagpalipad ng flying device si Yhoquin.
Briel on his holographic system. Mayroon siyang hinanap mula rito.
"I found her." nakangiting wika niya.
"Ano pang hinihintay natin? Tayo na, lets give her a simple lesson." nakangiting wika ni Fhinn.
Nauna silang lahat. Sumulyap ako sa dinaanan nina Leader.
I smiled secretly.
Zandra P.O.V
Sa ginawa ko sa babaeng 'yon, siguro naman magtatanda na siya. Ang lakas ng loob niya na sagutin ako. At walang sinuman ang makapag-aagaw kay Sylvester dahil akin lang siya.
Nakakagigil ang babaeng 'yon. Inagaw niya ang rank ko sa examining result. Dapat pala tinuluyan ko na siya.
"Zup! Zandra." Nahinto ako sa paglalakad ng nakita ko si Lopeh.
"What?" inis kong sabi.
Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya na siyang mas lalong ikinainis ko.
Magsasalita pa sana ako pero naramdaman kong may'rong humampas sa batok ko.
***********
Nagising ako sa isang lugar. Napakunot-noo ako ng mapansin kong nakatali ako.
"She's awake." Napalingon ako sa boses na iyon.
I saw Yhoquin.
Nang iginala ko ang aking paningin, lahat sila nandito maliban kay Sylvester. Narealize ko ring nasa Torturing Area ako ng Venomous Blood.
"What is this? Why I am here?" I asked.
Nakaramdam ako ng kaba. Ito ang lugar na kinatatakutan ng lahat. Hindi lang dahil lugar ito ng Venomous Blood kun'di dahil talagang matatakot ka sa gagawin nila sa'yo dito.
Lahat ng studyante rito ay takot makabangga ang grupo ni Sylvester. Kahit ako ay takot din sa kanila. Wala silang sinasanto. Mapababae man o lalaki 'yan.
"Bakit hindi mo sagutin ang sarili mong tanong." seryosong wika ni Yhoqyuin.
Napakunot-noo ako.
"Wala akong ginagawa." matapang kong sagot.
"Really? Are you sure?" wika niya ulit.
Marahan na lumapit sa'kin si Yhoquin.
This guy, he is a deceiver. Huwag kang papalinlang sa kabaitan na pinakikita nito sa'yo. O, sa pinapakita nitong bukas sa depensa sa sarili.
He might be the last person sa overall strongest ranking ngunit sa kaniya pa lang ay taob ka na. Sa kanilang grupo siya ang una mong makakaharap. Walang taong hindi siya ang nakahaharap. At wala pa ring taong nakalalagpas sa kaniya.
Kaya ang lahat dito ay hindi alam ang tunay na kakayahan ng iba pang grupo dahil wala pang nakaka-one on one sa kanila.
Dahil kay Yhoquin pa lang wala ka na.
I encounter him once. Nakaone-on-one battle ko na siya. Talaga namang magaling at malakas siya.
Nagulat ako ng sinugatan niya ang pisngi ko.
"If you can't remember. I'll help you to remember it." sambit niya,
Seriously! Hindi ko alam ang pinagsasabi niya.
Isang malutong na sampal ang namayani sa buong lugar. Napabaling ako sa kanang deriksiyon. Pumutok ang labi ko kaya agad kong nalasahan ang dugo mula rito.
"Still not remember?" mahinahon na wika ni Yhoquin.
"I really don't know what are you talking about." depensa ko.
Tinanggal niya ang pagkakatali sa kamay ko. Pero sunod kong naramdaman ay ang pagtilapon ko. Sa lakas ng pagkakasipa niya. Hindi kaagad ako nakabangon.
"Can you tell me what is your problem." saad ko,
Lumapit sa'kin si Yhoquin. Marahas niyang hinablot ang buhok ko. Inangat niya ako. Next thing I knew, he stab me. Muli niya akong binalibag.
May naalala ako bigla. Why I felt I fell the same way. Why would I feel of being tortured with the same treatment with Rhexyl.
Kaagad akong napabaling sa kanila.
"Look like she remembered it." Fhinn said.
"That b***h! Nagsumbong sainyo ang babaeng 'yon? How dare she!" galit kong wika.
Dahil sa kaniya nandito ako.
"If I were you, and if you love your life. Stop meddling her life." Yhoquin said.
"Why would I do that? I want to kill her. She is stealing what is mine." seryoso at mariin kong saad.
"There is nothing yours, Zandra." Drewhein said.
"Aish! Make it fast." Acer said.
"Yeah! Yeah! Whatever, Ikaw kaya dito." suhestiyon ni Yhoquin.
"No, thanks! She doesn't deserve my precious time. Hindi rin ako pumapatol sa babae." ganting sagot ni Acer.
Marahan akong lumayo sa kanila.
"Hindi ka naman kasi kapatol-patol dude kaya patas lang." Fhinn said.
Akala ko makakalayo na ako pero napatili ako sa balang bumaon sa binti ko. Maging sa balikat ay mayr'on din.
"Ang boring mo naman." Yhoquin said boredly.
Isang malakas na hampas ang siyang nagpawala sa aking malay.
"Your lucky, napadpad ka sa'ming lugar. You should be happy about that." Narinig kong saad ni Yhoquin bago ako tuluyang hinila ng kadiliman.
That woman! I won't forget this day. I'll kill her once I met her again.
TheKnightQueen