Rhexyl's P.O.V
Nang maramdaman kong huminto na ang sasakyan na siyang ikinatuwa ko. Akala ko forever na lang 'to aandar at hindi na hihinto pa. Ibinaba ko ang nakapatong kong paa, at bumangon sa pagkahiga.
Sa buong byahe, nakahiga lang ako pero 'di ako nakatulog. Nagbibilang ako ng mga insekto sa utak ko habang naghihintay na huminto ang sasakyan. Hindi naman ako masyadong nabore sa loob ng kotse, katunayan ang ganda nga dito, warm and soft.
Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito. Time to go out na ba? Inayos ko ang suot kong makapal na salamin. Lumabas na rin ako ng sasakyan.
Paglabas ko, una kong napansin ang mga taong kalalabas din ng mga sasakyan. Sinuri ko sila. Mga tinapon din ba sila? Sa itsura nila parang hindi naman. Nakita ko rin si Crelly.
Napansin ko ang kanilang mga suot. Mga mayayaman ang klase. Mukhang ako nga lang ang mukhang dukha at patapon. Sila ang suot nila maayos, samantalang ako. Kupas na maluwag na maong na pantalon, malaking t-shirt, simpleng rubber shoes lang. Tapos ang buhok ko, makapal na nga buhaghag pa. Kulay red ang color ng buhok ko which is hindi bagay sakin.
Dumako ang kanilang paningin sa'kin. Ang mukha nila'y umasim at 'di maipinta. Parang masusuka ang itsura nila.
Paki ko ba? Sumuka sila hanggang gusto nila.
Tsk! Mas malala pa sila sa patapon.
Inalis ko ang paningin ko sa kanila, baka madukot ko pa ang mga mata nilang mapanghusga.
Napa-speachless naman ako sa ganda ng gusaling nasa harap ko. Wala sa sarili kong sinuyod ang taas niya. Mataas ang building, malaki at maganda. Sa gitna, makikita mo ang karatulang UNIVERSITY OF DER MORD, pinaghalong black at red ang kulay nito.
Muli akong tumingin sa mga kasama ko. Mukha silang excited at tuwang-tuwa animo'y parang nanalo sila sa loto. Humarap ulit ako sa gusali.
So, this is the University of Der Mord? Nasa harap na nga ako.
"Miss," ani ng kung sino.
Lumingon ako sa kaniya, si kuyang nakablack suit lang pala. Kinuha ko ang backpak kong bag sa kaniya. Agad ko naman itong sinuot.
"Hi, dear future students of Der Mord. I am French, your head admin. I am happy to officially meet you all, and I am here to lead and bring you to our dean." nakangiti niyang wika.
Nakangiti siya pero may kakaiba sa kaniya. Ang ngiti niya ay kakaiba, sa unang tingin para siyang friendly smile lang, pero ang ngiti niya. Ngiti ni kamatayan.
Dumako ang tingin niya sa'kin. Nakipag eye to eye ako sa kaniya. Ngumiti rin ako sa kaniya. Hindi nakaligtas sa'kin ang pagbago ng mukha niya. I shrug when she look away and fucos to all of us.
"Shall we?" tanong niya.
Sumagot ang mga kasama ko. Nauna na siyang lumakad, sumunod kami sa kaniya. Humakbang kami sa hagdan na may benteng tapakan o akyatan. Pagkatapos, bumungad na sa'min ang entrance ng paaralan.
Mayroon akong naramdaman sa katawan ko, I feel the exitement when I saw the entrance of it.
"Huwag na huwag niyo siya sa'king ibalik ng buhay."
Ibalik ng buhay? As if, babalik ako sa kaniya. Tsk! I guess, may kabaong na 'yon para sa'kin. Well, hahayaan kong mabulok ang kabaong niya para sa'kin. Ang buhay ko ay hindi nakalaan para sa kaniya.
"Ms. Salvez, are you still with us?" Natauhan ako sa tanong ni Ms. French.
"Y-yes, I'm s-sorry." utal kong saad.
Hindi ko napansin na nakapasok na pala kami sa loob ng university.
"You are really stupid. Tatayo ka na lang ba r'yan?" sambit ni Crelly.
Doon ko nakita na ako na lang ang nakatayo sa harap nila. Nasa loob na sila ng ------ elevator?
Agad akong humakbang papasok ng elevator.
"Pinahihiya mo ang University na pinagmulan natin." mariing bulong ni Crelly sa'kin.
Umandar na pataas ang glass elevator. Yes, glass siya. Hindi ko agad napansin na elevator siya kasi salamin. Hindi lang ang elevator ang salamin, maging ang wall ng paaralan.
Ang buong school ay salamin ang pader nila. Sumisigaw sa karangyaan, kalinisan at kaayusan ang kanilang school. Mukhang ang tahimik nila. Napansin ko ang kilos ng mga studyanteng nakikita ko. Ang desinte nilang kumilos, may mga dala silang books. White and black ang uniform nila. White sa taas, black sa ibaba.
"You are a lucky newbie. Nasa white code sila, kaya ang tahimik." wika ni Ms. French.
White code?
Huminto ang glass elevator, bumukas ang pinto. Pagkalabas ni Ms. French ay sumunod naman sila. Huli akong lumabas pero nahagip ng mata ko ang number ng floor na hinintuan ng elevator.
16th floor
Ang taas pala ng paaralang ito. 16th floor mga ateng. Minutes past, may binuksan ng pinto si Ms. French. Office na yata ito ni Dean.
"Mr. Dean, the newbies are here." rinig kong sabi ni Ms. French.
Pumasok ang mga nasa unahan ko kaya sumunod na rin ako. Tumigil kami sa tapat ng table ni Dean. Lihim akong napasimangot, gurang na si Dean.
"Hello, fellows." ngiti niyang bati sa'min.
"Hi, Mr. Dean. We are glad to be here in your university." sambit nilang lahat na may ngiti sa labi.
Nakangiwi ko silang tiningnan. Kailan pa sila nagpractice ng sabayang pagbigkas? Hindi ako na-inform.
"How about you Miss?" baling na tanong sa'kin ni gurang este ni tanda ay ni Dean pala.
Muntik pa akong mapatampal sa noo sa tawag ko sa kaniya.
"I am not happy to see you, and I'm not definitely happy to be here." taas kilay kong sagot sa kaniya.
Mukha namang ginusto ng mga kasama kong mapadpad dito. Nag-apply 'yan dito for sure. E, ako? 'Di naman ako mapadpad dito kung hindi ako pinatapon.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni gurang, tapos bumalik ulit sa seryoso.
"Ahem! So, me as Dean here. I am happy to welcome you to this University." he said.
"This school is not an ordinary school. So, don't expect that they will give you a warm welcome after today." he added.
Nakikinig lang ako sa sinasabi niya. Nabobored na naman ako. Paano kasi, laging ganito ang intro ng mga pinapasukan kong new school. Kesyo ganiyan, ganito sila, dapat ganito. Nakakasawa na.
"As new here, and because you are in the floor of my university, you think you are now my novices. Sorry to tell but it's a NO! not yet. You will undergo a test first before you became our officially students." sambit niya,
Mayroon pa palang ganoon. Akala ko dahil nandito ka na fully students ka na, dito pala hindi. May entrance exam ka pa pala.
Anong klaseng exam naman kaya yan?
"But for now, choose and pick your own journey. Create your own journey newcomers." makahulugan niyang wika.
Ang dami namang sat-sat ng gurang na ito. Pero hindi talaga siya totally gurang, 'yong kulo-kulubot ang mukha. Katunayan, ang guwapo niya, matikas pa rin. Meron siyang hazel eyes, matangos ang ilong, at hindi kulubot ang mukha. Siguro mga nasa 60's or 70's na ang edad niya.
"Here, pick a piece of paper. Get the envelope with corresponds to the number you get in the piece of paper you pick." paliwanag niya.
May nilabas siyang bowl na may nakatuping mga papel sa loob. Sa tabi nito, may mga black envelope na may mga numbers. Gold ang kulay ng mga numbers.
TheKnightQueen