Rhexyl's P.O.V
Seryosong nakikinig ang mga kasama ko. Kinarer ang opportunity na maging ganap na studyante here.
"Start with you Miss Guerre." tawag ni dean.
Humakbang naman 'yong tinawag. Bumunot siya ng papel, tapos kinuha ang black envelope with number 5.
Nagsunod naman ang iba.
Why not go with the flow na lang tayo. Total, wala rin naman akong ibang pupuntahan kung sakaling maglayas na naman ako rito.
Ako na ang nag-next na bumunot. Binuksan ko ang papel, kinuha ang black envelope na may number 1. Napansin ko ang pagtaas ng labi ni dean ng kunin ko ang envelope na may number 1. Ang creepy niyang ngumisi, tumaas ang balahibo ko.
Dagli akong umalis sa harapan niya.
"Anong meron dito sa mga envelope na kinuha namin?" tanong ng isa sa'min.
"Your dormitory, map of this school. Your floor, your classroom section, and your schedule." sagot ni Dean.
Muli siyang ngumiti.
"Time for you to go with your assigned floor. Goodluck and keep your self alive." wika niya.
Keep yourself alive? Bakit? May kakain ba sa'min ng buhay?
Nagbigay sila ng galang bago umalis. Bored kong hinakbang ang mga paa ko palabas ng pinto.
"Tingnan mo nga naman, dito ka pala tinapon. Let see kung mananatili ka pa ring buhay." mariin niyang sabi.
"Mauuna kang mawalan ng buhay kaysa sa'kin kung mananatili ang kamay mo sa pulsuhan ko." mariin at blangko kong tugon.
Ramdam ko ang higpit ng kapit niya sa pulsuhan ko. Galit na galit siya, inaano ko ba siya?
Mabilis niyang binitawan ang kamay ko. Nagbago rin ang ekspresiyon ng mukha niya, takot siyang humakbang papalayo sa'kin. Kunot noo ko siyang tiningnan. Taranta siyang tumalikod at lumayo.
Tumaas ang dulo ng kilay ko. Nangyare? takot na takot?
Tss!
Mga asungot talaga, sagabal sa buhay.
Pinagtuunan ko ng pansin ang hawak kong black envelope. Napansin ko na nakacursive na dito ang buo kong pangalan, kulay silver ito.
Binuksan ko siya, saka kumuha ng papel. Binasa ko ang basta kong kinuhang papel.
Maria Aljea Rhexyl Salvez
15th Floor
Room Number 26548
Top Section: Primier
"Top section?" patanong kong sabi.
Seriously! Bakit parang hindi ako nababagay sa paaralang ito. As I remember in my previous school. Never akong nakakuha kahit 1 points sa mga exams at quizzes ko. Tapos dito nasa top section ako.
Dapat ko bang pasalamatan si Mrs. Villaruel sa pagtapon niya sa'kin dito?
Kinuha ko ang map para malaman kung na saang part ba ng 15th floor ang top section ng mapuntahan na.
Pagtingin ko sa map, something is weird? Hinawakan ko ang map, nagulat ako ng nag-zoom in siya.
Woah! Cool. Touchable map pala ito. Hinanap ko ang top section. I pressed the 15th floor, nag-zoom ang boung 15th floor. Zinoom ko siya ng zinoom till I saw the top section. I zoom out it again. May lumitaw na mga foot steps sa mapa na nagtuturo sa daan na iyong tatahakin.
Sinundan ko ang mga steps, sa bawat steps na malalagpasan ko, nawawala ang ilang foot steps na nadaanan ko na.
Sa tuwing namamali ako ng liko o punta, may ekis na lilitaw sa mapa.
Napadako ang tingin ko sa hagdan na babaan ko. Two options kasi ang pinabigay ni map, ethier stairs or elevator. Since one floor lang naman ang pagitan. Hagdan na lang ang pinili ko sa pagbaba.
Bumaba na agad ako ng hagdan. Pagkarating ko ng 15th floor. Habang hinahanap ko ang section ko. Napansin kong parang may napapalingon sa gawi ko. Salamin ang bawat classroom pero hindi ko nakikita ang nasa loob, mukhang tinted glass siya.
I feel a little bit goosebumps because of too much silent, tanging mga hakbang ko lang ang naririnig ko.
"Scary," I whispered.
Dali-dali kong tinungo ang magiging classroom ko. Putchaa! Bakit kasi dito pa sa top floor ako napunta. Parang nakakatakot ang aura ng floor na ito. Ang bigat sa pakiramdam, floor pa nga lang ito paano pa kaya ang mga tao dito.
Huminto ako sa tapat ng pinto. Itinago ko na ang map at muling binasa ang papel ko.
"Top Section: Premier." basa ko sa papel.
Ito na yata ang hinahanap kong section? Red ang kulay ng word na Primier. Napansin ko lang, bakit hindi nawawala ang kulay pula sa color nila? Favorite color ba ng may-ari ang red at gold? Maging ang silver?
Napakamot ako sa ulo. Dito ba talaga ako? Baka fake news lang 'to? Baka naman nagda-daydream na naman ako. Hay naku! Mabuksan na nga.
Teka? Paano ba 'to buksan? Wala namang doorknob. Ano 'to? Open sesame ang peg? Naghalungkat ako sa black enveloped, may nakita akong card. Kulay black siya na may pangalan ko.
Napadako ang tingin ko sa pintuan, may nakita akong swiping card. Dumako ang tingin ko sa card then doon sa swiping card.
Isinuwipe ko ang card doon, tapos narinig ko ang pag-click.
"You have an access in this door. You can get in and out without swiping again." Rinig kong wika.
Napa-okay na lang ako. Unti-unti ng bumukas ang pinto.
"Watchhhhhh out!" Rinig kong sigaw.
Pag-angat ko ng tingin, matalim na knife ang bumungad sa'kin. Naestatwa ako at hindi nakagalaw. Buti na lang hindi direct sa'kin pero nadaplisan pa rin ako. Agad kong naramdaman ang dugong dumaloy sa pisngi ko.
What the!
"Hala! Ayos ka lang?" tanong sa'kin ng nagmamadaling taong lumapit sa akin.
Ang hapdi!
"Gago ka Graven!" galit na wika niya.
Kinapa-kapa ko ang maong kong pantalon, looking for handkerchief. Pero kamalas-malasan wala akong dala.
"Ito oh." Inabot niya sa'kin ang panyo.
Isa siyang cute guy na medyo singkit ang mata, pero ang gwapo niya. At saka pansin ko lang, lahat ng nandito may mga itsura. Magaganda at guwapo, kasumpa-sumpa siguro sa kanila kapag nakakita sila ng pangit.
Speaking of pangit, ako 'yon ah?
Mukha naman mabait si kuya kaya kinuha ko ang panyong inaabot niya. Habang nagpupunas ako ng pisngi, narinig ko ang pagmura at pagdaing ng isang tao.
"You deserve it." saad ng unang guy na lumapit sa'kin.
Dumako ang tingin ko sa kaniya. May nakatusok sa kamay nito ng dagger. Mas masakit pa 'yon sa nangyari sa pisngi ko.
But the f*ck! Why the hell they have a knife?
"Hey! Are you really okay?" tanong muli niya sa'kin.
"Ignore that guy." the cute with singkit eyes said.
Tanging tango lang ang sinagot ko. Lumapit sa'kin 'yong unang guy na lumapit, hahawakan niya sana ako pero mabilis akong umiwas sa kaniya. Kumunot ang noo niya pero ngumiti pa rin.
"Excuse me." saad ko,
Nilagpasan ko sila, pero sa unahan may nag-abot sa'kin ng first aid kit.
"Nandoon ang bathroom, puwede mong linisin ang sugat mo roon." sambit niya,
Gusto ko sana siyang taasan ng kilay, kasi ang bait niya. Like what! I'm newbie here, hindi na ako magugulat kung paglabas dito ay binubully na nila ako.
Walang imik ko na lang itong kinuha, tinungo ang bathroom na tinuro niya. Pagpasok ko, humarap agad ako sa salamin. Nakita ko ang hiwa sa pisngi ko.
Kanina habang nasa elevator kami, una kong napansin ang mga weapons na hawak ng bawat studyante. They even played with it. At kanina sa pagpasok ko, habang kinakausap ako ng no'ng dalawang guy. I saw their weapons too.
May nakita akong abala sa pagtatype sa hologram na kaharap nila. Tapos ang tingin ng iba ay malalim. 'Yong tingin na aabot hanggang kaluluwa mo.
Kinuha ko ang bag ko. Kumuha ng tissue saka marahang pinunasan ang dugong nasa pisngi ko. Nilinis ko rin siya gamit ang binigay sa'king kit.
Nilagyan ko siya ng cream na madalas kong ginagamit sa mga sugat kong natatamo.
What kind of school is this? Mas lalo akong nakaramdam ng exitement.
TheKnightQueen