Chapter #14

1334 Words
Zandrey's P.O.V Lahat kami abala sa pag-take ng exam. Napadako ako sa screen na nag-appear sa unahan. "The newbies are here." Rinig kong saad ng nasa kanan ko. Pinakita sa screen ang pagdating ng mga bagong students. Bumaba silang lahat sa kotse. Napa-tsk ako kasi mukhang may mga pangalan ang mga bago. Sikat sa labas, but here popular ka man sa labas o hindi. Kung hindi ka magaling hindi ka bubuhayin ng kasikatan mo sa labas. Pinagpatuloy ko ang pagta-type ko sa hologram. "I wanna know that woman." Yhoquin said. Napabaling ako sa kaniya, at sa tinitingnan niya. I saw the girl na sabog ang itsura. "Which one Yhoquin?" tanong ni Briel sa kaniya. "Don't tell me 'yong last na lumabas? The girl who have red hair? Mukhang hindi siya nagsusuklay, dude." ngiwing saad ni Fhinn. "Type mo, bro?" Acer asked. "Baka naman nabighani ka sa kasabugan ng itsura niya?" nakangiwi dagdag ni Acer. Ang mga mukha nilang 'di maipinta. Gusto ko sanang matawa. "Hey! Don't judge the book by its cover ika nga 'di ba? Malay mo, hindi naman siya ganiyan. Masiyado kayong judgemental." pagtatanggol ni Yhoquin sa babae. "So, type mo nga?" Acer asked again. "Hindi, bawal ba makipagkaibigan sa kaniya?" sagot naman ni Yhoquin. "Makikipagkaibigan ka na nga lang sa kaniya pa. Dapat chicks naman, bro." singit na wika ni Fhinn. Naiiling na tinatapos ko ang exam ko. "Magsilayo nga kayo sa'kin. Makikipagkaibigan lang naman, e." nakangusong sambit ni Yhoquin. Kahit kailan talaga childish ang isang 'to. "Hayaan niyo na siya. Supportahan niyo na lang." saad ni Lopeh. "Pero kasi ang pangit niya, e." busangot na wika ni Acer. Nakita kong binato ni Lopeh si Acer. "Don't be judgemental, dude!" Lopeh said. Kakamot-kamot sa ulo naman si Acer. Napaayos sila ng upo ng bumukas ang pinto at pumasok si Leader. Hindi pa siya nag-eexam. Tsk! Kaya naman niyang tapusin ang exam within a minute lang. Inalis ko na ang hologram, tapos na ako sa pag-exam. Sumandal na lang ako sa upuan. Bawal pang lumabas hangga't hindi pa tapos mag-exam lahat. "Watchhhhh out!" sigaw ni Yhoquin. Nagulat ako sa malakas niyang sigaw. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko. Napasunod ang tingin ko kay Yhoquin ng nagmamadali siyang lumapit sa babae. "Hala, ayos ka lang?" tanong ni Yhoquin sa babae. Hindi umimik 'yong babae. Siya 'yong pinag-uusapan kanina nina Acer. Hinawakan niya ang pisngi niyang may sugat. Kinapakapa niya rin ang bulsa ng maong niyang pantalon. Napabaling ako kay Fhinn ng tumayo siya at lumapit kay girl. Inabutan niya ito ng panyo. Tumaas ang kilay ko. Kanina kung makapaglait, wagas. Tiningnan ko nang maigi ang babae. Kung titingnan hindi siya belong sa'min. Sa klase ng pananamit niya para siyang tambay sa kanto. Napamura si Graven ng batuhin din siya ng kutsilyo ni Yhoquin. Si Graven ang madalas bumabato ng knife sa pintuan. Its his playing place. Napunta naman ang paningin ko kay Rhem. Tumayo siya, kumuha ng first aid kit saka binigay sa babae. Kinuha niya naman ito. Pumunta siya sa bathroom na tinuro ni Rhem. "See! Okay naman siya." Yhoquin said. May napansin ako sa kaniya. Nakita kong umiwas siya kay Yhoquin ng hahawakan siya nito. "Bakit umiwas siya ng hahawakan mo siya?" tanong ni Fhinn. "Ewan, baka ayaw niyang may humahawak sa kaniya." sagot ni Yhoquin. Bumukas ang pinto ng bathroom. Lumabas siya, lumapit agad si Yhoquin sa kaniya. "Hi, I'm Yhoquin. Si Fhinn 'yong nagbigay ng panyo sa'yo. Habang si Rhem naman sa nag-abot sayo ng first aid kit." nakangiting pakilala ni Yhoquin. "Hi! Nice to meet you." bored na wika ng babae. "Pasensya na sa panyo mo. Lalabhan ko na lang bukas at isasauli sa'yo." mahinang dagdag na wika nito kay Fhinn. Tumango si Fhinn sa babae, 'yong mukha niya ay nawiwirduhan sa kinikilos ng babae. Umupo ito sa isang tabi. Itinatago ang mukha, at isinisiksik ang sarili sa kaniyang upuan. "Weird," Fhinn murmured. Bumukas muli ang pinto, pumasok si Professor Luke. "Hello everyone, mukhang na meet niyo na ang new classmate niyo." wika niya pagpasok pa lang. Lahat kami napabaling kay prof. "Professor Luke, are you kidding us?" tanong ng kaklase namin. "Why is she here? Agad-agad? Dapat na sa begginners floor siya." sambit ng isa pa. Lihim akong sumulyap sa babae. Nothing special with her. She look like a simple and plain woman from streets. "I don't know how to answer your questions. So, don't ask me." sagot naman ni Professor Luke. Bumaling ako sa hawak niyang black envelope may number one ritong nakalagay. Hindi naman siya pupunta rito if hindi siya rito. Kusang lumingon ako kay Leader. Maaaring mayroon siyang alam about this. Siya ang namamahala sa paaralang ito. "Serves your questions. Miss Salvez, come here and introduce yourself." tawag sa kaniya ni Professor Luke. Mahinhin naman siyang tumayo at pumunta sa unahan. "My name is Rhexyl." bored niyang pakilala. "Is that all?" tanong sa kaniya ni Professor Luke. "Keep your mouth shut and i'll do the same." saad niya, Her voice doesn't change. Bored pa rin, I can't tell her expression. Nakayuko kasi siya. "Have a sit, Miss. Start taking your exam." saad ni Professor Luke. "Ho?" gulat na saad ni Rhexyl kay Professor Luke. "Mag-eexam po ako? As in, NOW?" 'di makapaniwalang saad ni Rhexyl. "Why? Is there any problem with that? You are here in a highest section." Professor Luke said. "Mag-eexam agad ako? 'Ni hindi ko pa nga narinig ang putak mo r'yan sa unahan. Ano ini-expect mo sa'kin? A genius person? Porket nandito ako sa HIGH SECTION. Hindi nga ako nakaka isang puntos sa mga exam ko, e. " mahabang sabi ni Rhexyl. Binabawi ko na ang description ko sa kaniya na isa siyang mahinhin. "Nice," Rinig kong komento ni Fhinn. Sumipol pa si Briel. Hindi mo alam kung gulat o inis ang nasa mukha ni Professor Luke. Hindi siya agad nakaimik. Bigla na lang yumuko si Rhexyl. "I-I'm sorry po. N-nabigla lang po a-ako." utal na hingi niyang paumanhin. Tanging tango lang ang naisagot ni Proffesor Luke. Umupong muli si Rhexyl. "You are not allowed to leave not until she finished her exam. Dismissed!" Professor Luke said. Lahat napabaling kay Rhexyl. Mas lalong natakot at sumiksik siya. Yumukod siya at humingi ng tawad. "A useless garbage!" Rinig kong bulong nila. "She doesn't deserve this section." galit na wika ng isa pa naming kaklase. "Shut your mouth, dumbass!" galit na saway ni Yhoquin sa mga ito. Tumayo si Yhoquin at lumapit kay Rhexyl. "Relax, I won't hurt you, nor touch you." Yhoquin said calmly. Binuksan ni Yhoquin ang holographic examination. "There, you can start. Don't pressure yourself. We will wait." nakangiting saad ni Yhoquin. Tumango si Rhexyl sa kaniya. At first nakatulala lang siya sa harap ng hologram, mabilis na gumagalaw ang mga tanong. Dapat mabilis ang iyong mga mata para masundan mo ito. 1,000 items sa bawat subject. 20 subjects ang mayroon kami, kaya goodluck to her. Muli ko na lang na sinalampak sa tainga ko ang earphone ko. Anong oras pa siya r'yan matatapos. Hindi pa man nagtatagal, narinig ko ang boses ni Leader. "You can go out now. She's done taking her exam." sabi ni Leader. Agad akong napabaling kay Rhexyl. Like what? Tapos na agad? Imposible! Si leader lang ang nakakatapos sa exam ng mabilisan. "Wow!" speachless at tulalang wika ni Acer. Nauna na siyang lumabas sa'min. Hahabulin pa sana ni Yhoquin kaso ang bilis nitong makaalis. "Let's go." Leader said. Tumayo na ako, pero 'yong utak ko na kay Rhexyl pa rin. "She finish the exam in just 3 minutes." sabi sa'kin ni Rhem. Tinapik pa niya ako bago nilagpasan ako. That girl is not a simple girl. Don't really judge the book by its cover. Its a boring day. Pumunta kami ng Lighthouse, sa tambayan namin. Wala naman kaming ibang pinupuntahan. Hindi ko na lang masyadong tinuon ang atensyon ko kay Rhexyl. She is one of us, later on. We will know her. But I hope, she can survive inside of this school. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD