Rhexyl's P.O.V
After kong makapag-exam, lumabas agad ako pagkarinig ko pa lang sa sinabi no'ng lalaking hindi ko kilala. At ayoko siyang kilalanin nakakatakot ang boses niya, ang lamig-lamig.
Speaking of exam, parang na-drain ang utak ko do'n. Napanganga pa nga ako sa bilis niyang umandar. Wala naman akong choice, sinagutan ko na lang. Natapos naman agad ako. I'm not sure sa mga sagot ko. Baka hundrend percent zero na naman ako.
I shrug, at least hindi ako mahihirapan maghanap ng pangalan ko. Unang name pa lang sa pinakahulihan kita ko na agad name ko. 'Di ba? Ang bilis lang, hindi 'yong susuyurin mo pa lahat ng listahan mahanap lang name mo. Sakit lang n'on sa mata.
Pumasok ako sa glass elevator. Kinuha muli ang mapa para mahanap ang dorm ko. Baka nauna na kasi ang gamit ko doon. Hindi ko na kasi nakita pa. Tanging backpack ko lang binigay sa'kin.
Pagkabukas ng glass elevator agad akong tumakbo palabas ng campus. 'Yong mata kasi nila nakatatakot, ang tatalim kasi, e.
Ayon sa mapa na hawak ko, nasa east part daw ito. Ang laki naman kasi ng paaralang ito. Biruin mo may mga Restaurants, Malls, Bars at marami pang ibang building kang makikita.
Suwerte ko pala, at dito ako tinapon. Ang ganda ko namang basura, but weird. Sa mga salitang binitawan ni mom, dito ako mamamatay. Paano nangyaring dito ko matatagpuan ang kamatayan ko?
Humarap na ako sa East, nagsimula na akong maglakad 'till I reach my destination. Napa-wow naman ako sa ganda ng dorm. Parang nakakahiyang pasukan, mala-hotel naman kasi sa ganda. May anim siyang palapag. May mga halaman and trees sa paligid niya. Ang linis-linis din tingnan. Wall glass din siya.
Tinahak ko ang daan papuntang entrance ng dormitory. May nakita akong nagbabantay na babae.
"You are?" tanong niya agad.
Napalingon ako sa kaniya. Medyo malayo pa ako sa kaniya, I blink my eyes trice. Ako ba ang kausap? Tumingin ako sa paligid ko. Wala namang ibang tao, ako lang. So, I guess I am.
"Rhexyl," sagot ko.
Lumapit ako sa kaniya.
"Full name." malamig niyang sabi.
Grabe, para naman siyang bangkay. Ang lamig ng boses niya. Naalala ko tuloy 'yong lalaki sa classroom.
"Err, Maria Aljea Rhexyl Salvez." taas kilay kong sagot.
Sorry, lumalabas pagkamaldita ko. Napatitig ako sa kaniya. Ang ganda niya. Mukha siyang model or actress. Golden brown ang kulay ng buhok niya, have kissable lips, matangos ang ilong, pinkish cheeks at matangkad.
Lihim akong napasimangot. E, di ikaw na maganda. Nakakahiya naman sa'kin. Ako lang yata ang pangit dito.
"Stand straight." utos niya.
Tumayo ako nang maayos. Nagtataka ako sa gagawin niya. Nakita kong mayroong lumabas na hologram sa harap niya. Nagsimula siyang magtipa ng mabilis dito. Napakurap ako ng mayroong blue na dumaan sa katawan ko.
Scanner?
High-Tech pala dito.
"Here's your dorm card." sabi niya.
Nilapag niya ang card sa desk niya. Kinuha ko naman ito. Kulay gray ang card, nakalagay dito ang room number ko, maging kung saang palapag ako nabibilang. Napasimangot ako sa picture kong nakalagay. Buhaghag buhok ko, parang 'di ako nagsuklay.
Hindi ko na ulit narinig nagsalita si ateng maganda, kaya nag-exit na ako sa kaniya. Tuluyan ko ng pinasok ang dormitory.
Agad kong nakita ang mga studyante ng Der Mord. Mga wala silang paki-alaman. 'Di nila pinapansin ang isa't isa. Nakita kong may lumabas sa elevator. Agad naman akong pumasok bago pa man ito magsara.
Pagkasarado ng pinto. Nagtaka ako kung bakit di pa siya nag-aandar. Wala namang floor button akong nakita. Ang nakita ko lang swiping card.
Ow?
Pinadaan ko ang dormitory card na hawak ko. Narinig ko ang pag-click, umandar na rin ang elevator. Nakita ko sa taas ang 6th number, which is 6th floor.
What kind of room kaya meron ako?
Sumandal ako sa elevator, hinihintay na huminto ang elevator. Minutes past, huminto na siya. Lumabas na ako. Nagsimula na akong hanapin ang room number ko.
Kung gaano kaganda sa labas, pareho din sa loob. Kita talaga ang karangyaan sa ganda nito.
When I saw my room number, natuwa ako. Finally! Makakatulog na ako.
I swipe my dormitory card again. Maroong lumitaw na SET YOUR PASSWORD.
Taray! May password pa pala.
Agad naman akong naglagay ng password. Narinig ko ulit ang tunog ng click, senyales na bukas na ang pinto.
Kusang bumukas ang pinto na siyang ikinangiti ko.
Pagpasok ko, namangha ako sa ganda. Mas maganda pa 'to sa kuwarto ko. Lumapit at umupo ako sa couch. Wow! Ang lambot, mayroon siyang dalawang one seater couch na nakalagay sa both sides. May mini table sa gitna at sa harap may malaking flatscreen. Cream white ang kulay ng couch maging ang dalawang one seater sofa. Red color naman ang rug.
Sa kaliwang part naman ay ang mini kitchen, which is good for me. Tumayo ako, saka lumapit sa kusina. Well organize ang bawat gamit, pa-L shape ang table nito. Diretso kainan na. May tatlong stool na color blue sa tapat ng L-shape table.
Color light blue ang kulay ng kusina, maging mga cabinets nito. Kumikinang sa linis ang buong lugar. Ang gandang tingnan ng lugar, look peaceful and comfortable siya.
Bumalik muli ako sa mini living room. I saw one door na sa tingin ko ay kuwarto ko na.
Walang atubiling linapitan ko ito at pumasok. Katulad ng nasa labas maganda rin siya, pero mas type ko ito.
Kulay gray ang bed at ang laki niya. Kasya yata ang tatlo o apat na tao. Gray rin ang wall na nasa tapat ng headboard ng bed. Brownish naman ang kulay ng both sides nito. Sa parehong sides ng bed, mayroong lampshades.
When you turn right, mula sa kinatatayuan ko. Mayroong pintuan kang makikita. I guess, bathroom na 'yan. Sa tapat ng bed, nandoon nakapuwesto ang isang wardrobe na kulay gray din.
Malaki siya, may apat na bukasan. May liwanag na nagmumula sa glass wall. Sa pamamagitan nito, makikita mo ang view sa labas. Mayroong black curtain sa both sides nito.
Malapit dito ang isang mini library na may single couch na kulay dark gray. Sa left side ng bed, naroon naman ang isang vanity table.
Gusto kong palakpakan ang nag-design ng room na 'to. Kuhang-kuha niya ang tipo kong kuwarto. Mula sa kulay hanggang sa ayos nito. Ang galing niya kung sino man siya.
Kaya lang nakahihiya naman sa katulad kong makalat. Baka minuto lang ay may dumaan ng buhawi, in one snap goodbye kalinisan at kaayusan.
Nilapitan ko ang maleta ko. Binuksan saka lumapit sa wardrobe. Pagbukas ko nagulat ako kasi may laman na siya. Kunot-noo kong binuksan ang iba pa, lahat ng klaseng damit ay nandito na. Mayroong shoes, heels, etc. Dapat ba akong matuwa? lahat ng nandito ay size ko.
Sa pangatlong bukas ko may vacant space. Agad kong nilagay ang mga gamit ko sa loob. Inayos ko ang pagkakalagay kasi may hiya pa naman sa balat ko.
TheKnightQueen