Chapter #16

1081 Words
Rhexyl's P.O.V Muli akong napalingon sa mga una kong binuksan. Kumibit balikat na lang ako. Binuksan ko pa ang paghuli, to know what inside. Nakita ko ang iba' ibang kulay ng uniform. Gray, white, blue, yellow, black and red ang kulay ng mga ito. Pero nasa loob siya ng isang salamin na lalagyan. Mayroon pa akong nakitang isa, a plaid skirts na color white na may black, tapos black ang upper niya na style crop top. I think 'yan ang available uniform for us na newbie. At wala akong balak na suotin at gamitin. I rather stay here than go outside wearing that kind of sh*t uniform. Muli kong pinasadahan ng tingin ang boung kuwarto, dumapo ang mata ko sa wardrobe na una kong binuksan kanina. Hindi kasi siya mawala sa isipan ko. This is dormitory, baka may ka-dormmate ako at sa kaniya ang mga damit na 'yon. Baka nag-aasume lang ako, naging kahiya-hiya pa ako. Lumabas ako ng room, nagugutom na kasi ako. Wala na rin naman akong planong lumabas pang muli. Tinungo ko ang kusina, hoping na mayroong pagkain na makakain. Pagbukas ko ng refrigerator. Napa- O shape mouth ako. My dormmate is responsible person. Punong-puno ng pagkain ang ref. Kumuha ako ng yogurt. Same siguro kami ng taste when it comes of food. Lahat ng favorite foods ko ay nasa refrigerator, saka vegetarian siguro siya kasi maraming mga leafy foods ang nandito. Pero sana hindi siya talakera, dahil kung OO. Dudugo na talaga ang tainga ko sa taratat niya. Sinara ko ang ref, tapos cabinet naman ang pinagbubuksan ko. Hoping na mayroon akong makitang junk foods or chips man lang. Napasimangot ako kasi wala akong nakita kahit balat man lang. Napaka-nutritioness naman ng kasama ko. ************ Napamulat ako ng mata dahil nakararamdam ako ng hapdi sa balat. Pagtingin ko, sinag ng araw lang pala. Nakalimutan kong isara ang kurtina kagabi. Pagtingin ko sa orasan. 10:00 am na pala. 7:30 am ang start ng klase ko. Ang aga ko pa lang nagising, nakakainis maaga na naman akong papasok para sa last subject ko. Bumuntong hininga ako at bumangon sa kama. Dumiretso agad ako sa banyo. After one hour, lumabas na ako. Kumuha ako ng masusuot sa wardrobe. Kinuha ko ang madalas kong suotin. Maluwag na t-shirt na hanggang tuhod ang haba, pinatungan ko pa siya ng isa pang t-shirt na may mga palawit. Nag-suot din ako ng cap, medyo inayos ko ang buhaghag kong buhok. Pagkatapos kong masuot ang rubber shoes ko, lumabas na ako ng kuwarto. Isinuot ko na rin ang makapal kong salamin. Today is my first day here. Ano kaya ang mangyayari ngayong araw? Yesterday, muntikan na akong matamaan ng knife. Tapos na-drain ang utak ko sa exam nila. Napakamot ako sa batok, tinatamad akong pumasok. Siguro lalabas lang ako para maglibot. Binuksan ko ang pinto ng dorm. Pagkalabas ko, walang tao akong nakita. Nasa kani-kanilang classroom na siguro. Maglalakad na sana ako pero nagulat ako ng may magsalita bigla. "Where do you think you're going?" malamig niyang tanong. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Napaayos pa ako ng tayo. Nagdadal'wang isip ako kung lilingon pa ba ako o kakaripas na lang ng takbo. In the end, I choose to run without looking at my back. Tumakbo ako hanggang marating ko ang elevator. Agad akong pumasok ng bumukas ito. Habol hininga ako pagpasok ko sa loob ng elevator. Putchaa! Bakit ba ako tumakbo. Walangya! Nakahinga ako ng maluwag ng sumarado na ang elevator, at hindi na niya ako sinundan pa. His voice is creeping me out. So cold and sounds dangerous. Napahawak ako sa dibdib ko. Putchaa yan! Lalabas yata sa sobrang kabog. Hindi ko nakita mukha niya pero ayaw ko yatang makita pa. Boses pa nga lang nakakatakot na, ano pa kaya 'yong mukha niya. I wiggled na naiimagine ko ang mukha niya na full of blood. Ang creepy talaga ng boses niya. Parang galing hukay, malamig pa sa bangkay. Kaya ayoko talagang makita mukha niya. I inhale and exhale, para kalmahin ang lahat ng nerves ko. Nagising yata lahat. Tumayo ako nang maayos ng kumalma na ako. Naramdaman kong huminto ang elevator, wala pa naman ako sa destination ko kaya I assume na mayroong papasok. I hide myself. Isiniksik ko ang sarili ko sa tabi ng elevator, hoping na hindi nila ako mapansin. Pagbukas ng elevator, naramdaman kong may pumasok. Pagkatapos muling umandar ang elevator. Hindi na ako nag-abala pang sulyapan ang pumasok baka isa lang siyang mapanghusgang nilalang. "I'll repeat, where are you going?" Napatanga ako sa gulat. Muntik pa akong mapamura. Mas lalo akong sumiksik. Pucha yan! Sinundan pala ako. Ramdam kong lalapit siya sa'kin. "Don't dare come near me! Whoever you are, leave me alone!" nakapikit kong sabi. Pikit mata akong lumipat na masisiksikan. I prayed na sana bumukas na ang elevator, para makatakbo na ako sa walking bangkay na kasama ko. I swear! I don't want to see his f*cking bloody face. Wengyang horror movies yan. Napaparanoid tuloy ako. "Open your eyes, young lady." mariin niyag sabi. Mas lalo yatang lumamig boses niya. Pakiramdam ko pati buong elevator lumamig din. Umiling ako. "Seems like you haven't read any rules." muli niyang sabi. Rules? "What rules?" takang tanong ko, sabay mulat ng mata ko. Sakto nasa harapan ko pala siya. Gulat at laglag panga akong nakatingin sa kaniya. 'Yung creepy face na naimagine ko biglang naglaho. Napakurap-kurap ako ng mata. Am I dead? Nasa langit na ba ako? May anghel kasi sa harap ko. Makalaglag panty ang kagwapuhan niya. Ang perfect ng tangos ng ilong niya, maging ang hugis ng mukha, kissable lips, natural ang pagkapula tapos ang soft niya. Waaa! Ang kulay ng mata niya is blue, para kang nakatitig sa karagatan. Yung katawan niya is perfect. Yummy 'te! Bigla akong natauhan sa mga pinagsasabi ko. Landi mo Rhexyl! Mahinhin ka 'di ba? Act like you are a kind of Maria Clara girl. Lihim akong napangiwi, kalma self. Ay hindi pala, kalma heart pala dapat. Kalma puso, tao lang 'yan. Taong peste! Pasimple akong tumalikod sa kaniya. Humarap ako sa pinto ng elevator. Bakit ang tagal yata ng elevator na 'to? Inihanda ko na ang sarili ko dahil sa wakas malapit ng bumukas. Malapit na akong makalaya sa guwapong nilalang na nasa likuran ko. Yes, guwapo siya pero hindi ako padadala. I don't even know him. Sino ba siya? Close kami? Maghanap siya ng mapagtritripan niya. 'WAG AKO! "Run again and I'll drag you." Rinig kong talak este saad niya. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD