Rhexyl's P.O.V
Ayokong makaranas ng sakit ng katawan mula sa kanila. Baka hindi na kayanin ng katawan ko, bumigay na. Baka sa hukay na talaga ang bagsak ko.
"Hindi ko naman po kasi sinasadya. May humahabol kasi sakin, tapos po--" nag-aalinlangan akong sabihin ang nakita ko
"--tapos po," hindi ko madugtungan ang sasabihin ko
Baka mangyari rin sa'kin ang nangyari sa babae kanina. Malungkot na umiling si Mrs. Villaruel sa'kin. Hindi niya pinansin ang paliwanag ko.
"All the professors and I decided to send you to the other school. Paaralang magpapatino sayo. The University of Der Mord is willing to take you." saad niya,
University of Der Mord? Ipatapon? Mukha ba akong basura? Basurang itatapon lang kung saan nila gusto. Kun'sabagay, basura ang tingin sa'kin ng lahat ng tao.
"I made a decision and it won't change it." Mrs. Villaruel na may final na desisyon.
"P-Please! Pagbigyan ni'yo pa po ako." masinok-sinok kong sabi, hindi rin ako tumatayo sa pagkakaluhod ko.
Hindi siya natinag sa pagmamakaawa ko. Bakit ganito lagi ang takbo ng buhay ko? Walang nakikinig sa'kin.
"Take your belongings and leave." mariin niyang sabi.
Bakas ang pagkaseryoso sa boses niya. Tila kahit anong gawin ko, o sabihin ay hindi na magbabago pa ang desisyon niya.
Sunod-sunod ang pag-iling kong ginawa.
"Stand up and take this card." sabi niya.
Nawalan na ako ng pag-asa. Kahit nanghihina ako, pilit pa rin akong tumayo. Tiningnan ko ang pinapakuha niya sa'kin. Isa itong itim na card.
"Ang card na yan ay nangangahulugang itinatapon ka sa ibang paaralan." sambit niya,
Gusto kong matawa. Bakit kay dali sa isang taong magpatapon?
Pinunasan ko ang mga luha ko. Wala akong magagawa kun'di ang tanggapin na lamang ito. Lumakad ako palapit sa table ni Mrs. Villaruel. Nanginginig na inabot at kinuha ang black card. Pagkakuha ko, humakbang ako patalikod at yumukod sa kaniya.
"T-Thank you for letting me here in such a short time. Thank you f-for everything Mrs. Villaruel." pagpapasalamat ko.
Wala siyang ibinigay na reaction o emosyon sa sinabi ko. Marahil puro sakit ng ulo ang binigay ko sa kaniya. Marahan akong tumalikod sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako pagkalabas ko.
Nakayuko akong lumakad, tinatago ko rin ang black card na hawak ko. Bigla akong nahinto ng may mabunggo ako. Titingnan ko sana kung sino ang nakabunggo ko pero nanigas ang katawan ko ng bumulong siya.
"Be ready. I'll hunt you later." bulong niya sa nakakikilabot na boses.
Pagkatapos niyang bumulong umalis na siya. Kaagad akong bumaling sa kaniya na dapat hindi ko na ginawa. Nakatingin sa'kin ang mga taong tinakbuhan ko kanina.
Ngumisi ang isa sa kanila.
"RUN!" biglang sigaw niya na ikinagulat ko na siya namang ikinatakbo papalayo sa kanila, rinig ko pa ang paghalakhak nila.
Agad akong tumungo sa locker room para makuha ang ilang gamit ko. Nanginginig ang buo kong kalamnan dahil sa takot. I know what he meant.
Wala akong sinayang na oras. Pagkakuha ko ng gamit, agad na akong umalis. Nagmamadali akong lumabas ng campus. I need to leave as soon as possible.
"Hey, little rat. Running away?" sabi ng biglang nagsulpot.
Nagulat ako sa pagsulpot niya kaya napa-upo ako sa sahig sa pagkabangga ko sa katawan niya.
Tiningnan ko sila, anim sila. Napalunok ako.
"A-Anong kailangan niyo s-sakin?" takot kong tanong.
"Ow! Natatakot ang munti nating daga." She mocked.
Umatras ako ng lumapit ang mukha niya sa'kin. Lumayo siya at sumenyas sa kasamahan niya. Nakangiting tumango ang mga ito habang nakatingin sa'kin. Ang mga tingin nilang nakakatakot.
Lumapit sa'kin ang dalawa, sabay na hinawakan ang braso ko. Napadako ang tingin ko sa kamay nilang nakahawak sa braso ko. Nagulat ako ng p'wersahan nila akong pinatayo at hinila.
"S-Saan niyo ako dadalhin?" tanong ko.
Wala akong nakuhang sagot. Patuloy nila akong hinila hanggang sa dinala nila ako sa back school. Sa lugar kung saan may natagpuang patay.
Malakas nila akong itinapon sa lupa. Muntik na akong mapasubsub. Hinablot ng isa ang dala kong bag, saka inilabas lahat ng gamit ko.
"H'wag! Itigil mo 'yan!" pagmamakaawa ko.
Hinablot ng hindi ko kilala ang buhok ko.
"May tapang ka rin pala para makapagsalita." mariin niyang sabi sa'kin.
"P-Paki-usap! Pakawalan niyo ako. Wala n-naman akong ginagawa sa inyo." sambit ko,
Napabaling ako sa kaliwang direksyon ng sampalin nila ako nang malakas.
"Tumahimk ka! Naririndi ako sa boses mo!" sigaw sa'kin ng leader nila.
Napapikit ako sa boses niyang ubod ng lakas.
"A black card?" narinig kong wika ng isa sa kanila.
Maya lang ay humalakhak sila. Ang malas ko, walang cctv sa parteng ito ng paaralan. Hindi na ako nagulat ng dito natatagpuan ang mga bangkay ng mga namamatay.
"Tingnan mo nga naman. Ang basurang kagaya mo ay sa wakas, itatapon na." wika niya,
Muling umalingawngaw ang pagsampal sa'kin.
"Saang basurahan ka kaya itinapon?" pagtatanong niya.
Pilit na iniiwasan ko ang hawak niya. Siguro ay nainis siya sa mga iwas ko, mariin niyang hinawakan ang ulo ko saka niya inilagapak sa lupa ang mukha ko.
Dahil sa lakas ng pagkakalagapak niya sa mukha ko sa lupa, umiikot ang paningin ko. marahas niyang inangat muli ang mukha ko.
" O 'kay gandang wasakin ang nakaka-uyam mong pagmumukha!" gigil niyang wika saka muling isinalampak ang mukha ko sa lupa.
Wala na akong lakas, hindi na malinaw ang paningin ko maging ang pandinig ko. Pinagsisipa nila ako at pinagbabato. Ramdam ko ang sakit sa bawat sipa at bato nila. Bawat batong dumadapo sa'kin ay naglilikha ng malalim na sugat.
"Easy guys, stop it." saway ng bagong dating.
Nanghihina akong napatingin sa mga gamit ko. Malungkot akong tumitig d'on, iniisip ko na sana magawa kong makuha iyon at maka-alis na. Pero hindi ko iyon magagawa. Wala akong lakas para gawin 'yon. Marahan kong iginalaw ang mga daliri ko. pilit na inaabot ng kamay ko ang bag ko. Napaluha na lang ako.
"Can you share this little rat with us? Mayroon lang kaming itatanong sa kaniya. Puwede ba?" Rinig kong sabi ng bagong dating.
Pilit akong gumapang, baka sakaling makatakas ako habang wala pa sa'kin ang kanilang atensyon.
"Alright! Tapos na rin naman kami. It's your turn. I think you have personal business with her." pagsang-ayon ng isa.
I ignore them. Nakapukos ako sa marahang paggapang. Katahimikan ang namayani pero pinabayaan ko iyon. Ang akala kong makukuha ko na ang bag ko, ay tuluyang naglaho ng hablutin ang buhok ko at marahas na itinayo.
"Miss me?" bungad na tanong niya sa'kin.
Nanlaki ang mata ko. Siya 'yon! Ang pumatay sa babaeng nagmamakaawa kanina.
"Gulat ka? Pasensya na, pero nakita mo ang dapat na 'di makita." saad niya,
Napadaing ako sa malakas na paghampas sa likuran ko. Pakiramdam ko nabali ang spinal cord ko. Napakapit ako sa kamay niyang mabilis na pumunta sa leeg ko. Habang sinasakal ako ng may hawak sa'kin ay paulit ulit ding hinahampas ako sa aking likuran.
Napadako ang tingin ko sa taong kaharap ko. Nakangiti siya, wari'y tuwang-tuwa, walang bakas na awa sa kaniya. Wala kang makikita sa mukha niya maliban sa nakakatakot niyang pagngisi.
Malakas niya akong itinapon, tumama ako sa isang puno at parang dahon na bumagsak sa lupa. Tumulong muli ang mga luha ko, ang tanging gusto ko lang ay mamuhay ng payapa. Matanggap ako ng aking ina. Makaramdam ng pagmamahal at pagtanggap.
Nakatingin lang ako sa bag ko. Hindi ko na maigalaw ang katawan ko. Hinang-hina na ako, marahan na lumipat ang kamay kong wala ng maramdaman. Bakas dito ang dugong nagmula sa'kin, nanlalabo ang paningin ko dahil natatakpan ng dugong dumadaloy sa mukha ko.
"Patay na ba?" Rinig kong sambit.
Sunod kong naramdaman ang malakas na pagpalo sa ulo ko. Umigtad pa ang katawan ko sa pagpalong iyon. Kasabay nang marahang paglapat ng mga kamay ko sa lupa ay ang unti-unting pagliit ng bag ko sa aking paningin hanggang sa tuluyan na akong nilamon ng kadiliman. Naramdaman ko pang muling lumandas sa mukha ko ang aking luha.
Dito na ba ako babawian ng buhay?
TheKnightQueen