Chapter #7

1260 Words
Rhexyl's P.O.V Pinasok ko na lahat sa bag ko saka isinukbit sa balikat ko. Naiiling akong umalis sa garden, dapat pala sa taas ng puno na lang ako natulog. Hahakbang na sana ako ng may mapansin ako. Kinuha ko ito, akala ko kasi basura pero 'yong sobre pa lang natanggap ko nitong nakaraang araw. Ipapasok ko na sana pero nagulat ako na unti-unti itong nawawala. 'Yong parang nasusunog na papel at nagiging abo siya. Hanggang sa nawala na ito sa kamay ko. Nangyari? Ang weird talaga ng sobre na 'yon. Hindi ko na lang siya pinag-isipan pa. Hindi ko naman alam kung saang lupalop ba ako dadalhin n'yon, kung saang school ba? U.D.M? Maraming meaning pwedeng ibigay sa tatlong letter na nakasulat doon. Isinang-bahala ko na lamang ang bagay na 'yon, maging kung ano nga ba ang mayroon sa puting sobre na 'yon. Pagdating ko sa corridor, mga walang studyante. Napatampal na lang ako sa noo. shetee! Late na naman ako. Tsk! Hayaan mo na. Maaga pa naman para sa next subject. Tumungo muna ako ng locker room para makakuha ng pamalit. Pagkarating ko ng locker room, agad akong kumuha ng masusuot. Inilagay ko rin ang iba kong gamit sa loob ng locker. Pagkatapos ko, nilock ko ang locker at umalis na. Habang naglalakad ako may nahagip ang tainga ko. "P-please! Maawa kayo. Pangako, wala akong pagsasabihan sa nakita ko." Rinig kong pagmamakaawa ng isang boses babae. Kusang naglakad ako patungong abandonadong room. Sumilip ako sa siwang ng pinto. Nakita ko ang babaeng nakatayo kasama ang tatlong lalaking may hawak na panghampas. Siya yung babaeng nakita kong niyakap 'yong namatay. "P-Pangako, hindi ko sasabihin. Aalis din ako dito para makasiguro kayo na hindi talaga ako magsasalita." patuloy na pagmamakaawa no'ng babae. Nakaluhod siya sa harap nito. "Okay, but in one condition." saad n'ong feeling reyna. Tinitigan kong maigi ang babaeng nakatayo. Siya ang tinaguriang queen of the campus dahil sa angking ganda nito. Hinahangaan siya ng lahat, mapalalaki man o babae. Siya ang nangunguna pagdating sa academic. Lahat sinasalihan niya. "Kahit ano pong condition tatanggapin ko." desperadang saad naman naman muli nito. Ngumiti si feeling reyna. "LICK.MY.SHOES!" mariing utos ni reyna. Natigilan sa pagkaluhod ang babae. Nagdadalawang isip siya kung gagawin ba o hindi. "Ayaw mo? Okay, madali naman akong kausap. Dar!" sambit ni feeling reyna. Nakangiting asong kumilos 'yong tinawag na Dar. Hahampasin na sana siya pero agad ng dinilaan ni girl ang sapatos ni feeling reyna. Napangiwi naman ako. Uto- uto! Ngumisi naman siya sa ginawa ng babae. Tuwang-tuwa siya sa ginagawang paglinis ng sapatos niyang halatang dinumihan, gamit ang dila ni ate girl nilinis niya ang mga ito. Tumingin si feeling reyna sa isa sa kasama niyang lalaki. Tumango na may pinahihiwatig. Nanlaki ang mata ko sa sunod na ginawa nito. Binaril nito ang babae sa ulo. Kumalat ang dugo nito sa sahig. Sa gulat ko, nakalikha ako ng ingay na ikinalingon nila sa kinaroroonan ko. Sh*t! Tumalikod na ako at kumaripas ng takbo. Dali-dali akong umakyat ng hagdan. Lalo ko pang binilisan ang pagtakbo nang marinig ko ang mga hakbang nilang papalapit sa'kin. Putcha! Hinahabol pa ako. Malalaking hakbang ang ginawa ko, kumapit ako sa puwede kong makapitan para mapabilis ang pag-akyat ko. Muntik na akong malaglag sa hagdan sa malakas na tunog na umalingawngaw sa buong school. Hinanap ko naman ang pinagmulan. Nanlaki ang mata ko na galing ito sa fire alarm, at sa pinakamain fire alarm pa. Kapag ang main na ito ang pinindot mo, lahat ng fire alarm na mayroon ay sabay-sabay na tutunog. At pagnangyari 'yon, it means serious matter na. Mayroong malaking sunog na kumakalat. Nataranta ako na rinig ko pa rin ang mga hakbang ng mga humahabol sa'kin. Napaharap ako sa likuran sa mga nagsisigawan, mga tumpok ng mga studyanteng nagmamadaling lumabas sa kani-kanilang classroom. Nakisabay ako sa agos nila. Tumago ako para hindi ako makita. Lahat kami pumunta ng field. AS IN LAHAT! Napalunok ako, what now Rhexyl? Nakagawa ka ng malaking gulo. Maya lang, nakita ko si Mrs. Villaruel, siya ang dean ng school. "Relax, my fellow students. There is no fire in our university. It was a false alarm. We checked it and found nothing was wrong. So you can return to your classes." Mrs. Villaruel announced. Napakagat labi ako sa nerbyos, hindi rin ako mapakali. May mga narinig akong mga reklamo at hinaing pero 'di ko na pinakinggan. Sasabay na sana ako sa mga nagsisibalikan ng --- "Ms. Salvez," Mrs. Villaruel called. Nahinto ako at nanigas sa kinatatayuan ko. Gusto kong mangiyak, ito na yata ang pinakamalas na araw na meron ako. Marahan akong lumingon sa kaniya. "B-Bakit po?" sambit ko, "Follow me." seryoso niyang sabi saka naunang lumakad. Napatingin ako sa ibang mga professor. Umiling-iling sila wari'y may bagay silang di nagustuhan. Pakiramdam ko tutulo na ang luha ko ng nandito na kami sa dean office. Sa kaka-isip ko 'di ko na namalayan na narating na namin ang lugar na ito. Nakaramdam ako ng panghihina ng tuluyan na kaming nakapasok. Hindi ko naman sinasadya na mapindot ang fire alarm. At saka, bakit ako lang ang nakita? Paano 'yong namatay? Paano 'yong nagpatay? Mananatili? Tapos ako? Kick out? Nakanenerbyos pa ang mukha ni Mrs. Villaruel. Seryosong-seryos siya at halatang galit siya. Pagnalaman ito nila mom, double dead na naman ako. "Ma'am dean, huwag ni'yo po akong ipa-expelled. Hindi ko naman po 'yon sinasadya." mangiyak-ngiyak kong paliwanag. Ito ang pang dalampu't lima kong pinasukan na university sa loob ng dalawang taon ko sa kolehiyo. Madalas nae-expelled ako, o kaya nakikick-out pero di ko naman kasalanan. 'Yong mga nambu-bully sa'kin ang gumagawa ng paraan. Ang tingin nila sa'kin salot kasi may mga namamatay raw at ako ang sinisisi nila. Hawak ko ba ang buhay nila? Wala naman akong ginagawa, umiiwas na nga ako, kung puwede nga lang na di na pumasok, e. Dahil sa mahina ako at walang pera mabilis nilang nagagawa gusto nila. Minsan pabor naman sa'kin kasi gusto ko ring makalayo sa mga pambubully nila. Kaso lang mahirap makahanap ng mapapasukan ulit. "Call your parents." utos niya. Nanlaki ang mata kong umangat ng tingin sa kaniya. Todo ang iling ko sa kaniya. "H-Huwag po! Pagagalitan po ako kapag nalaman nila. Wala naman po akong ginagawang masama." paki-usap ko. "Ms. Salvez, this is not the first time you have been reported, at hindi na kita kayang pagbigyan." sabi niya, Na-report na ako ng maraming beses sa maraming dahilan, katulad ng tinulak ko ang isang babae sa hagdan dahilan para mapilay ito, binalian ko ang buto ng isa kong kaklase, may binulag ako, nangopya, hindi pagsuot ng proper uniform, palaging late etc. Inaamin kong ang dalawa sa huli ay ginagawa ko pero iyong mga nauna, hindi ko naman 'yon kayang gawin. Saka, sila naman ang gumagawa at ako ang pinagbibintangan nila. Ni hindi nga ako aware doon, e. Nagugulat na lang ako na pinatatawag ako sa dean office tapos may gan'ong kaso raw akong ginawa. Like what the hell! Paanong nangyari 'yon samantalang nasa sulok-sulok lang ako. Umiiwas sa lahat. Natatameme na lang ako kasi may mga ebedinsya sila. Ebidensiyang hindi ko alam kung paano nila nagagawa. "I won't tolerate you this time. Kailangan mong maghanap ng magdidisiplina ng behavior mo." seryoso at matalim niyang wika. Wala na akong nagawa kun'di ang lumuhod at magmakaawa. "Paki-usap po, ipagawa niyo na po lahat sa'kin. Kahit po ako na maglinis ng boung campus, loob at labas. Basta huwag lang po ngayon. Huwag niyo pong ipaalam sa mga magulang ko." paki-usap ko, tumulo na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD