Chapter #6

1033 Words
Rhexyl's P.O.V Maaga akong bumangon sa higaan, pumasok sa bathroom at bangag na napatitig sa salamin. Nitong mga nakaraang araw na lumipas ay lagi akong umaalis ng maaga sa bahay, para iwasan lamang ang mga magulang ko. Bumuntong-hininga ako, isang panibago at nakababagot na araw na naman. Agad naman akong nakapag-ayos ng sarili. When everything is done. Binuksan ko ang pinto, sumilip muna bago tuluyang lumabas. Marahan akong bumaba ng hagdan, nag-iingat na huwag makagawa ng ingay para hindi magising ang demonyo este si mom. Bukas na ang ilaw pagdating ko sa baba, tip-toe akong lumakad papalabas pero nahinto ako sa gitna ng may marinig ako. Napalingon ako sa bukas na TV. "May natagpuang patay dito sa palikong daan. Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang sasakyan dahilan para ito'y malakas na sumalpok sa malaking puno." saad ng reporter. Pinakita nito ang nasa likuran niya. Wasak ang harapan ng kotse, kita ang paghila palabas ng tao sa kotse. Duguan ang ulo ng lalaking nasa driver seat. Ganun din ang mga kasama nito. "Sa ngayon ay dinala na sila sa hospital, ngunit napag-alamang dead on arrival ang mga biktima ng aksidente." wika pa ng reporter nasa tv news. Kunot ang noo kong tumingin muli sa video, sila ay nag-aaral din sa university na pinapasukan ko. Ito ang pangatlong beses na may natagpuang patay na taga-university ko rin. Napadako ang tingin ko sa taong nasa sofa. Nanlaki ang aking mga mata ng si mom ang nakita kong naka-upo roon. Sh*t! Tumakbo na ako nang tahimik bago pa siya mapalingon sa gawi ko. Marahan ko ring sinarado ang pinto maging ang gate. Napakamot ako sa ulo habang nakatingin sa daan na tatahakin ko. Nag-aagaw ang liwanag at dilim, papasikat pa lang ang araw. Pero heto ako maglalakad na papuntang school. Hangga't maaari kasi ay huwag kong ma-encounter si mom, sakit sa katawan lang kasi ang makukuha ko sa kaniya. Saka baka ano pa magawa ko sa kaniya, ilibing pa ako ng buhay ni dad. Ganitong paraan na lamang ang nakikita ko para hindi sila makasalubong. May sarili naman kasi silang bahay, sa'min nakikisiksik. After 40 minutes kong paglalakad, nakarating na ako ng University. Wala pa si manong guard kaya sarado pa ang gate. Binuksan ko ang bag ko para kumuha ng hairpin. Napangiti naman ako dahil may tatlong sandwich na bumungad sa akin. Kinuha ko ang sulat na nakadikit dito. "Nilagyan na kita ng sandwich sa bag. Aalis ka na naman ng maaga. Hindi ka na naman mag-aalmusal. Kainin mo yan!" basa ko sa nakasulat. Si yaya talaga, hindi pumapayag na mag-skip ako sa pagkain. Muli kong binalik ang sulat kasama ang sandwich sa bag, saka kumuha ng hairpin para mabuksan ko ang gate. Pagkabukas ko ng padlock agad na akong pumasok sa loob at muling nilock ang gate para hindi halatang may pumasok. Pumunta akong garden saka umupo sa damuhan. Maya lang ay napahikab ako. Tumingin ako sa paligid. Wala namang tao hindi naman siguro masama kung iidlip muna ako saglit? Humiga ako at ginawa kong unan ang bag ko. Pagpikit pa lang ng mga mata ko agad naman akong nahila ng kadiliman. ****** Nagising ako at agad na napabangon sa malamig na tubig na tumapon sa mukha ko. "Wake up! Little nerd." Rinig kong sabi. "What are you doing here in our place?" maarte na sabi ng babaeng nasa harap ko. "Nadumihan tuloy ang garden namin, may basura kasing NAKAKALAT." pandidiring sabi naman ng nasa gilid nito. Kinuha ko ang bag ko, tumayo ako at yumukod upang humingi ng tawad. "I-I'm sorry, h-hindi ko sinasadya na m-mapunta rito. A-aalis na lang ako." paumanhin ko. Tahimik silang tumabi kaya agad akong e-exit sana subalit nagulat akong hinablot niya ang buhok ko. Napahawak ako sa buhok ko. Napapikit ako sa sakit ng pagkakahawak ng leader 'ata nila. "Tingin mo ba...makaka-alis ka ng gan'on-gan'on lang?" seryosong wika niya. Nagulat akong muli ng itinapon niya ako, tumama ang mukha ko sa puno. Umiling-iling ako dahil nahilo at nanlabo ang paningin ko. Naramdaman kong tumulo ang dugo mula sa ilong ko. Hindi pa man ako nakababawi, ay muli niyang hinablot ang buhok ko. Sunod na ginawa niya ay nilublob niya ang mukha ko sa isang timbang punong-puno ng tubig. Rinig ko ang paghalakhak ng tatlo habang mahigpit ang pagkakapit niya sa ulo ko. "You deserve it, b***h!" sambit ng taong naglulublub pa rin sa'kin sa tubig. Pilit na pumapalag ako sa kapit niya dahil hindi na ako makahinga. "What? Can't drink anymore? Need help?" she asked. Habol hininga ako ng inalis niya ang pagkakalublub ko sa tubig. Patapon niya akong binitawan, panay ang pag-ubo ko, at hinahabol ang aking paghinga. "You are such a son of a tadpole." wika ng isa pa habang tumatawa. Nakita kong kinuha niya ang bag ko saka ibinuhos ang laman nito. Nagkalat ang lahat ng gamit ko. Hindi pa sila nakuntento, isa-isa nila itong kinuha sabay tapon sa malayo. "T-teka! H'wag niyo namang itapon." pagmamakaawa ko. Nakita nila ang sandwich ko. "Hmm, a food? mukhang masarap 'to." sambit niya, Lumapit ako sa kaniya para kunin ang pagkain ko pero inilayo niya lang saka kinagatan. "Opps! sorry, nakagatan ko na. It means, akin na 'to." tuwang-tuwa na sabi niya. Ibinigay niya pa sa dalawa pang kasama niya ang sandwich kong natitira. Lahat sila nasarapan kaya nakangiti nila itong kinuha sabay alis din nila. Iniwan ako na parang walang ginawa sa akin. Napatingin ako sa mga gamit ko. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. Lagi na lang ba? Ang unfair naman, ako itong hindi nanakit ng kapwa pero ako itong nakikita. Ako ang napaparusahan. Ako ang nasisita at ako ang sinisermonan. Pero sila hindi, palibhasa kasi may mga pera. Ginulo ko ang basa kong buhok sa inis. Wala akong nagawa kun'di pulutin lahat ng kinalat nilang gamit ko. Kung saan-saan ko pa ang mga ito kinuha. May nasa taas ng puno, sa gitna ng halamanan, yung mga libro ko basang-basa na kasi nilagay nila sa timbang may tubig. 'Yong iba kinuha ko pa sa gitna ng tinikan. Bumuntong hininga na lang ako para kumalma. Impyerno na nga sa bahay gano'n din dito. Saan ako lulugar? Sa langit? Sa impyerno? O, sa hukay? TheKnightQueen
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD