Third person's P.O.V
Kalalabas niya lang galing bathroom, kakatapos niya lang maligo. Sakto ring tumunog ang cellphone niya. Lumingon siya sa gawi nito habang pinapatuyo ng tuwalya ang buhok niya. Lumapit na siya rito ng hindi ito tumitigil sa pagtunog, sinagot niya ang tawag.
"What is it?" malamig niyang tanong.
"Hey! wala bang hello muna? or hi! kumusta na?" tugon sa kaniya ng kabilang linya.
"Mas malamig ka pa sa klima dito, e." may himig na pagtatampo na saad pa nito.
Naimagine niya rin na nakanguso ito ngayon. She rolled her eyes.
"Tsk! Why are you calling me? Don't call me if you don't have any news to tell." sabi niya sa malamig pa ring tono.
"Ito naman, oh. Masiyado ka talagang ano! 'Di ba puwedeng namimiss lang kita?" saad nito,
Bumuntong hininga siya.
"Anyway, what is your plan? Do you have an idea how to get in there?" she asked seriously.
Marahan siyang tumungo sa vanity table niya. Kinuha ang dart na nasa ibabaw nito saka niya pinaglaruan sa kamay niya.
"You know, it's hard to get in there. Mga prestigious lang ang pinapapasok nila. At saka, sure ka na ba talaga? I understand you, but we do not know what's inside that place." saad niya ng may pag-aalala.
Tahimik siyang nakikinig sa sinasabi nito. Ibinato niya ang dart ng hindi tinitingnan ang patatamaan niya saka siya humarap rito, napangiti siya. Ngiting nakakakilabot, ngiting hindi mo gustong makita mula sa kaniya.
"I don't care. All I want is my target." seryoso at malamig niyang tugon.
Muli siyang kumuha ng dart, mabilis niya itong binatong muli sa dart board na may litrato sa gitna. Yung unang dart ay tumama sa noo ng taong nasa larawan, samantala ang pangalawa sa puso nito.
Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaniyang kausap.
"Alright! I won't stop you. Update me if you are in there already." masiglang sabi nito,
Walang salita o paalam niyang pinutol ang linya. Muli niyang sinulyapan ang dart board, pagkatapos ay ipinatong niya ang kaniyang dalawang kamay sa vanity table. Seryoso siyang humarap sa salamin nito, tumitig sa mukhang kaharap niya. Napakaganda ng mukhang nasa harap niya, mukhang tinatabunan niya ng iba't ibang make-up. Ang mga mata nitong kakulay ng kalangitan ngunit walang buhay at emosyon.
At mukhang nagpapa-alala sa taong hindi niya magawang kamuhian, kahit anong gawin nito sa kan'ya.
Bumuntong hininga siya, kumuha na siya ng masusuot. Kinuha niya ang black heels, black jeans, black tube na pinatungan niya ng black leather jacket. Matapos niyang magbihis, dumaan siya sa bintana saka tahimik na lumisan.
Sa gitna ng gabi ng katahimikan, tanging maririnig mo ay ang mga tunog na nagmumula sa mga insekto. Nakasandal siya sa isang puno habang may hinihintay na dumaan. Napalingon siya sa bandang dulo ng kalsada dahil malayo pa lang ay rinig na rinig na niya ang mga hiyawan nito.
Umalis siya sa pagkakasandal, at marahan na lumakad papunta sa gitna ng kalsada.
Sa kabilang panig naman, nagulat ang nagmamaneho ng kotse sa pagsulpot ng isang babae. Hindi niya napansin ang babaeng naglalakad patawid ng kalsada. Mabilis niyang natapakan ang preno ng sasakyan.
"Ano ba! Dahan-dahan naman." reklamo ng nasa back seat.
Mabilis siyang tumingin sa harapan, nakahinga siya ng hindi niya ito natamaan.
"Hoy! Ano ba? Magpapakamatay ka ba? Umalis ka nga riyan sa gitna ng kalsada. Huwag kang humarang kung ayaw mong mamatay." galit na bulyaw ng kasama ng nagmamaneho na nasa passenger seat, lumabas pa siya para lang marinig nito ang sasabihin.
Ngunit hindi natinag ang babae, nanatili lang itong nakatayo.
"Ano ba yan? Sino ba yan? Nasagasaan ba?" inis na sabi ng lasing na kasama niyang nasa back seat din.
Kahit nakararamdam ng panginginig ng tuhod ang nasa driver seat ay pilit siyang lumabas to check the girl. Para kasi itong multong hindi gumagalaw, pinasadahan niya ang kasuotan nito. Nakahinga naman siya ng sa tingin niya ay normal na tao lamang siya.
"M-miss? Are you alright?" tanong niya.
Napa-atras siya ng lumingon ito sa kaniya, batid niyang madilim ang lugar na kinaroroonan nila pero tingkad na tingkad ang mga mata nitong kulay asul. Sobrang lamig ng tingin nito. Umihip ang hangin dahilan para magsitaasan ang balahibo niya. Mahihipnotize ka sa ganda nito.
"Ano ba? Tatayo na lang ba kayo riyan?" Natauhan ang lalaki sa sigaw ng kasamahan niya.
Nagulat siya at nanlaki ang mga mata nang makita niyang pinatay nito ang kasamahan niyang nasa passenger seat. May nakatusok nang matalim na bagay sa noo nito.
"Noisy," saad ng babae.
Biglang tumili ang babaeng kasama niya, saka mabilis na lumabas mula sa kotse. Takot na sumulyap ito sa babae sabay nagmamadaling tumakbo papalayo. Subalit, hindi pa man siya nakalalayo, umalingawngaw ang tunog ng baril at nakita niya na lamang ang katawan nitong bumagsak.
Akala niya makaliligtas na ito. Marahan niyang nilingon ang babae, kita niya ang baril na hawak nito. Hindi siya makagalaw, pakiramdam niya nabato siya at napako sa kinatatayuan niya.
"You! Get out on the car, drag the dead girl over here." utos nito sa natitira niyang kasama na nasa loob pa ng kotse.
Kita niya ang pagbukas ng pinto ng sasakyan, nanginginig na bumaba ito. Putlang-putla na lumingon ito sa kaniya, humihingi ng tulong. Napatalon siya sa gulat dahil sa tunog ng baril ang muling umalingawngaw kasabay ng pagsigaw at pagdaing ng kasama niya. Binaril siya sa hita.
"Do it, or I'll slice your leg like a steak." malamig na pagbabanta ng babae.
Walang nagawa ang kasama niya, iika-ika itong tinungo ang kinaroroonan ng kasamang babaeng namatay.
Napahawak siya sa bibig niya ng makita niyang hila-hila na ito ng kasamahan niya. May butas ito sa pagitan ng kaniyang mga mata habang dilat na dilat pa ang kaniyang mga mata.
"W-Who the h-hell are YOU?" nanginginig niyang tanong.
Kita niyang pinasok ng kasamahan niya ang bangkay sa kotse.
"What the f**k did we do to you?" gigil na gigil niyang sabi.
Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil wala siyang magawa. Nakatayo lang siya habang pinapanood ang pagkamatay ng mga kasama niya.
Lumingon muli sa kaniya ang babae na may ngiti sa labi, ngiting nagpaatras sa kaniya. Ngiting nagpagunaw ng lakas ng loob na mayroon siya.
"Your group violated my rule." simpleng saad lang na sagot nito sa kaniya.
"Rule? What rule? We haven't seen nor meet you." takang tanong niya.
Ngumisi ang babae, pinaikot-ikot niya ang baril na hawak nito.
"Easy boy, get in the car together with your friends. You only have 3 seconds to do that. Don't waste it." mapaglarong saad nito sa kaniya.
Nagsimula na siyang magbilang, dagli siyang kumilos. Pumasok sa kotse saka nanginginig na pina-andar ang kotse.
Nakangiti niyang sinundan ng tingin ang sasakyan, ang ngiti ay napalitan ng halakhak sabay iling.
"What a stupid!" naiiling niyang komento habang pinanonood ang paglayo ng kotse.
Inangat niya ang kaniyang kamay na may hawak ng baril, kinablit niya ang trigger nito. Pagkatapos ay narinig niya ang malakas na pagsalpok ng sasakyan.
"I don't give a chance." malamig na bulong nito sa hangin.
Tumalikod na siya at lumakad papaalis. Ngunit, hindi niya alam may pares ng mga mata ang mataimtim na nakamasid sa kaniya. Saksi sa lahat ng pangyayari.
TheKnightQueen