= RHEXYL =
"Rhexyl! Ano bang ginagawa mo? Ayos lang ako, huwag mo 'kong alalahanin." nag-aalalang sabi ni yaya.
Umiling ako sa kaniya. Inilagay ko siya sa aking likuran. Siya na lang meron ako. Tanging siya lang ang nag-iisa kong pamilya.
"I want you to kill your yaya for me." malamig na wika niya.
Mabilis na dumako ang tingin ko sa kaniya. Kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi.
"Kill her?" I asked.
"Yes, kill her. Ayaw kong mabahiran ng mabahong dugo ang kamay ko. I don't want to waste my energy on killing her. That's why, ikaw ang gagawa nito para sa'kin. Gagawin mo naman, 'di ba?" wika ni Mom, kita ko sa mga mata niya ang kasiyahan.
Nanay ko ba talaga siya?
Nakangiti niyang inabot sa'kin ang kutsilyong hawak niya. Marahan kong kinuha ito mula sa kaniya. Kita ang dugong nanatili sa kutsilyo, napalunok ako habang nakatingin dito.
"Rhexyl? Nak, bitawan mo 'yan." utos sa'kin ni yaya.
Hindi ko alam, pero titig na titig ako sa pulang likido. Then, next thing I knew---
"Rhexyl!" sigaw ni yaya.
"What the hell are you doing?" bulyaw sa'kin ni dad.
Natauhan ako bigla, marahan kong tiningnan ang kamay niyang mahigpit na nakakapit sa kamay ko. Lihim akong napangiwi sa sakit na nararamdaman ko. Na-realize ko na ang hawak kong kutsilyo ay nakakatutok kay Mom.
Nanlaki ang mata ko. s**t! Humakbang siya palayo sa'kin. Nanginginig namang binitawan ko ang kutsilyo.
Malutong na sampal ang umalingawngaw sa buong paligid, sa lakas ay napasalampak ako sa sahig. Namanhid ang pisngi ko, naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo mula sa pumutok kong labi. Hindi kaagad ako nakagalaw, pakiramdam ko para akong hinampas ng matigas na bakal.
"I-i'm so-sorryy, Hindi ko naman intention na---" nanginginig kong saad.
"Cut the bullshit! You are planning to kill my wife." galit na galit na sabi ni dad.
Mabilis ang pag-iling ko para sabihing hindi iyon ang intensiyon ko. Ni hindi ko nga namalayan na kay mom ko pala itinutok ang kutsilyo.
"N-no, I c-can't do that. Hindi ko a-lam kung a-anong gin-ginagawa ko. I w-was l-lost." pagtatanggol ko sa sarili.
Nanlaki ang mata ko ng kinuha niya ang kutsilyo, palapit siya sa'kin. Ambang hahawakan niya ako, dahil sa taranta ko, tumayo ako at tumakbo palabas.
I ran as far as I can, hanggang sa narating ko ang playground. Umiiyak na umupo ako habang hawak ko ang kamay kong walang tigil pa ring dumurugo.
Sanay na ako sa ganito, kahit nga gaano pa kalaki ang sugat ko, 'di ko na nararamdaman ang sakit. Mas masakit 'yong nararamdaman ko inside, mas matalim pa sa pinamatalim na kutsilyo.
May nakita akong mini house,
umalis ako sa swing. Lumapit at pumasok ako sa loob. 'Yong ngayon ko na lang ulit sila nakita tapos ganito pa. Nakakatawa 'di ba? I pity myself, umaasa sa wala.
Pinagdikit ko ang aking mga tuhod, ipinatong ko ang aking ulo dito. Hinayaan ko ang sarili kong mapagod sa kakaiyak.
"Nak," Narinig kong tawag sa akin.
Marahan kong inangat ang aking tingin, nakita ko si yaya.
"Ya," umiiyak na wika ko.
Suminok-sinok ako dahil sa sobrang iyak ko. Ngumiti siya sakin, I scan her body.
"A-yos ka lang po ba?" humihikbi kong tanong sa kaniya.
"Ayos lang ako. Halika, lumabas ka na riyan, nang magamot na kita. Madaming dugo na ang nawawala sayo." sambit niya,
Sinunod ko ang sinabi niya, lumabas ako sa pinagtataguan kong mini house. Inalalayan niya akong umupo sa swing, agad naman niyang inilabas ang medicine kit.
"Hindi mo na dapat iyon ginawa." mahinahon niyang sermon sa akin.
Hindi ako sumagot o kumibo.
Tahimik lang akong naghihintay na matapos siya sa paglilinis.
"Hindi pa rin sila nagbabago. Hanggang kailan kaya nila ito gagawin sa'yo? Paano nila nasisikmurang saktan ang kanilang sariling anak?" saad ni yaya.
"I don't care about them. I'm fine in whatever they want to do to me, pero ang saktan ka nila ay ibang usapan na." sabi ko.
"Ikaw talagang bata ka, sinabi ng ayos lang sakin." sambit ni yaya.
"I'm not okay with it, you are the only family i have." tugon ko.
I love her ng higit pa sa pagiging yaya ko, for me, parang nanay ko na siya, hindi niya ako iniwan. Wala man ako ng mamahaling bagay, nasa tabi ko lang si yaya sapat na sa'kin.
"Ayan! okay na. Tara na, uwi na tayo." Tumayo siya pagkatapos niyang malinis ang sugat ko.
Umiling ako
"Ikaw na lang po, Ya. Papasok pa po ako ng school." sabi ko,
"Papasok? Pero ---" alinlangan niyang sabi.
"Puwede po bang dalhin ni'yo po dito ang gamit ko? Tapos, samahan ni'yo rin po nh damit na malinis." mahina kong wika.
Ayokong umuwi ng bahay. Mas gugustuhin ko na lang na pumasok . Hindi ko sila gustong makita, lalo pa at nakagawa na naman akong mali.
Habang naghihintay ako, todo ang tago ko ng mukha dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Marahil sa itsura ng damit ko, may bahid pa kasi ng dugo tapos mayr'ong mga tapal pa ang sugat ko.
Nakakahiya!
"Nak, ito na." Narinig kong wika ni yaya.
Napa-angat ako ng ulo, lumawak ang ngiti ko. Kaagad kong hinablot ang bag na dala niya, saka humanap ng mapagbibihisan. Nang makapagbihis na ako, naghiwalay na rin kami ni yaya. Me, going to school, tapos s'ya, pauwi ng bahay.
-------- School --------
Pagkadating ko, napakunot-noo ako dahil napansin kong mayroong mga police cars na nakaparada sa labas ng gate. Mayroong ambulansya rin akong nakita. Nangyare? Anong event?
"Iha, wala kayong pasok." saad ng kung sino.
Napalingon ako sa nagsalita, at si manong guard siyang bumungad sa akin.
"Wala? Bakit po?" curious na tanong ko.
Sa halip na sagutin ako, sa ibang direksyon siya tumingin. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Mabilis akong tumabi ng mayr'ong dumaang mga medic.
Dumako ang tingin ko sa hawak nilang stretcher.
"Mayroong natagpuang ulit na patay." sabi ni manong guard.
Nanlaki naman ang mata ko. Kahapon lang merong natagpuan, tapos ngayon meron ulit.
"May natagpuan bang ebidensya? I mean, nalaman po ba kung sino ang pumatay? " pagtatanong ko.
Malungkot na umiling lang siya.
"Walang natagpuan ang mga pulis, agad nga nagsara ang kaso. Wala kasi talaga silang makuhang lead." malungkot na wika ni manong guard.
Muli kaming tumabi, dahil may dumaan na naman ulit bitbit ang mga patay.
"Ikaw? Bakit ngayon ka lang? Late ka na naman!" pag-eenterogate ni manong guard.
Ngumiwi ako, napansin niya pa rin ang pagiging late ko.
"May emergency lang sa bahay, saka wala namang pasok." pagpapalusot kong sagot.
"Eh, 'yang kamay mo. Anong nangyari?" taas kilay niyang tanong with pagdududa.
"Nahulog ako sa hagdan kanina sa pagmamadali ko." palusot ko ulit.
'Yan na lang dinahilan ko, alangan namang sabihin ko ang nangyari kahapon at kaninang umaga.
"Alis na po ako, wala naman palang pasok." walang gana kong sabi.
Pipihit na ako ng mapadako ang tingin ko sa isang patay, nahinto ako. Dumako ang tingin ko sa kaibigan nitong umiiyak. Yakap-yakap niya ang bangkay habang humahagulhol.
Napapitlag ako ng may tumapik sa'kin, agad na nabaling ang tingin ko sa kaniya.
Bumungad sa'kin ang isang police officer, dumistansya ako sa kaniya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan siya, titig na titig siya sa'kin. Ang guwapo niya, mala-anghel sa kaguwapuhan. Ang tangos ng ilong niya, ang perfect ng pagkakahulma. Maging ang hugis ng mukha niya, mala-anime ang sukat.
"What are you doing here?" he asked.
Lihim na napangiwi ako, bagsak sa voice. Ang lamig, nakakatakot din siya kung makatingin, tagos sa kaluluwa mo. Napalunok ako.
"Ah, eh. A-ano?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
What the! What is wrong with me? I don't know why, but I feel something for him. Feeling scared?
Humakbang ako paatras, naitago ko rin ang kamay kong mayr'ong benda sa likuran. Ang talim kasi ng titig nito sa kamay ko. Hindi ko mapigilan na mapakunot-noo. Ang weird niya kasi mayr'ong kakaiba talaga akong nararamdaman sa kaniya.
"Ay! Pasensya na po. Studyante po siya rito, 'di lang halata. Kararating niya lang kaya hindi niya alam ang nangyayari." paghinging paumanhin ni manong guard.
Bait ni manong guard, ah. Nakain?
'Yong tingin ni kuyang police officer ay hindi man lang naalis sa akin.
"Go home." mahinahon pero ramdam mo pa rin ang ang lamig sa boses niya.
"I ---- " Umiwas ako ng tingin sa kaniya.
Kanina po ako di makabuo ng salita na sasabihin.
Pagtingin ko sa kaniya ulit, tumalikod na siya sa'kin.
"Everything is clear." sabi ng kasama niyang co-police officer.
"Umuwi ka na, iha." sabi ni manong guard.
Pagkasabi niyang 'yon ay umalis na rin siya, sinarado ang gate at pumasok sa guard post.
Tumalikod na ako, pero muli akong lumingon sa police na nakaharap ko, pasakay na siya ng police car. Paalis na rin ang ambulansya. Dumako naman ang tingin ko sa kaibigan ng namatay.
Weird?
Ay ewan! Bumuntong hininga ako. What a day! Ang ganda talaga ng buhay ko.
Ipinilig ko ang aking ulo, inalis ang mga thoughts na pumapasok sa utak ko.
TheKnightQueen