Sabado ang araw ngayon, maaga ang uwi ko sa trabaho. Alas tres lang ng hapon, pwede nang mag-out. Though may times na gabi pa rin ako umuuwi dahil kailangang mag-overtime. Sa ngayon, wala naman akong kailangang i-rush na tapusin kaya makakauwi ako ng alas tres. Isa pa, balak ko ring maglaba. Tambak na ang labahan ko sa bahay, dalawang linggo ko na yata 'yong hindi pinapakialaman. Pagkatapos na pagkatapos ko sa ginagawa ko, niligpit ko na ang gamit ko at nag-out na. Wala na akong ibang pinuntahan, diretso na sa bahay. Unlike dati pumupunta muna akong mall para maglibang saglit. Maybe, next week, I would do that. Pero sa ngayon, sisipagan ko muna sa paglalaba. Mabuti na lang din at hindi traffic, may inaayos kasing kalsada sa dinadaanan ko. Actually, noong nakaraan pa 'yon, nakakapagta

