Natigil ang lahat. "Tulog pre!” kagulo na sina Carlo. "Napatulog ko!” sobrang saya at manghang-manghang sigaw sigaw ni Liam, yon nga lang di niya namalayan na may susuntok na pala sa kaniya kaya natamaan siya sa kaliwang mata. Sabog! Buti na lang dumating na ang mga tanod kaya nagsitakbuhan na yong iba. Di naglaon ay nakahilera na silang tatlo sa bench ng police station, naghihintay ng hatol o kahit na sino mang mahahabag na tulungan sila. “Ang dali lang ng buhay ng mayayaman no? Kahit sila na ang unang nanggulo, sila pa ang agrabyado,” iiling-iling na turan ni Raymond. “Ganon talaga, walang pera sa mahihirap eh,” sabat ni Carlo na halos wala manlang galos sa mukha, tamang sabog lang. “Kailan pa?” pag-iiba ni Liam sa usapan sabay humarap kay Raymond habang nakasandal sa bench. "Na

