Pagdating sa bahay, basang-basa na sila ni Athena. "Ang lamiig!" nanginginig na sabi ni Athena nang bumaba sa pagkakangkas ng motor. Mabilis namang kinuha ni Liam ang kamay ni Athena at hinipan-hipan sabay pinapainit ang mga ito sa kaniyang palad. "Ah, alam mo namang walang maiiambag yang ginagawa mo dahil nauulanan pa rin naman tayo," basag ni Athena at nagpakawala ng malakas na tawa si Liam. "Alam ko...pero eto talaga ang gusto kong gawin," sabi ni Liam saka mabilis na kinawit ang baywang ni Athena at hinalikan. Ayaw paawat ni Liam kahit tinutulak-tulak na ni Athena dahil baka may makakita pa. "Oh, mainit na ba?" ngiting-ngiti na tanong ni Liam. Nakatingin lang si Athena at nakasimangot bago nagsalita, "Iiinit tayo, sure na yon. Baka bukas may lagnat na tayo." Pagkasabi ay pamar

