KABANATA FORTY-SEVEN

1604 Words

Kabanata 47 WALANG imik si Veronica habang inaayos ng kanyang Mommy Rosette ang mga gamit. Hindi niya magawang mapakiusapan ang abuela maging ang kanyang mga magulang dahil buong-buo na ang desisyon ng mga ito. “Ate, iniisip mo pa rin ba iyon?” tanong ng kanyang kapatid na si Shasmael. “Hindi puwedeng baliwalain ko lang iyon, Shas. Sobrang sakit sa aking parte na nagagawa nila akong ipakasal gayong hindi ko naman ito gusto." “Paano ‘yan? Gustuhin ko mang tulungan ka ay wala din akong magagawa, e. Buo na ang desisyon nina Papa. Sa Bohol ko pa sila kinukulit na huwag ituloy ang binabalak ngunit para daw iyon sa iyong kabutihan.” “Iyon na nga, e.” “Gusto mo bang lumayo ulit, ate? I can help you.” Napatingin si Veronica sa kapatid. Mukhang walang alam ang mga ito kung saang lupalop siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD