Kabanata 48 KINAKABAHANG nagtungo si Veronica sa komedor dahil nandoon na raw ang mga bisita. Nauna na sa kanya si Alleyah para ipaalam sa mga ito na susunod na siya. Habang papalapit ng papalapit ay naririnig niya ang tawanan ng mga tao sa dining place nila. Hindi niya alam kung ano ang iri-react kung nandoon na siya sa harap ng mga ito dahil nanginginig ang kanyang tuhod. Nang makarating sa komedor ay kaagad na nagtinginan ang mga tao sa kanya. Ngunit natutop ang kanyang tingin sa isang guwapong lalaki. Sobrang guwapo nito at panigurado lahat ay mahuhumaling. May kasama itong lalaki na medyo matanda pa sa kanyang Daddy Elthon at medyo may kahawig ito rito. Hindi nga lang siya siguro kung sino at saan niya ito nakita. Sa kabilang side naman ng lalaki ay isang ginang na kasing tanda la

