3: Type of Guy

2035 Words
Nakita ko ang pag-abot ng palad nito. Nakangiwi akong tiningnan iyon. "I can do it," sabi ko. Nakayuko akong tumayo, pero dahil naka-heels ay nahirapan din ako kaya't kinailangan ko rina ng tulong niya, magaan niyang inalalayan ang aking likuran at braso. Para akong maiiyak nang makita ko na ang dumi ng lavender off-shoulder dress ko. Mas inuna ko talagang tinignan to kaysa tignan ang tumulong sa akin. "Ang dumi ko na." Para akong batang nanghingi ng tulong nang inangat ko ang tingin sa kanya. "You're whining again," baritono ang boses na sabi ng tumulong sa akin. My expression faded when his face enveloped my whole vision. He looks like a leading man in a romantic motion picture. "Y-you-" hindi ko itinuloy ang sasabihin ko nang pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya, in his black three piece suit and a bow tie, revamps his spunky-boyish look than the first time I saw him with his sports car, my brows raised. "Hello," I said with my awkward smile. "I know that it will be too much to ask, but..." I moved my head sideways, hoping he'd understand what I wanted to ask. "You know... can I borrow your suit- I mean, your-" turo ko sa kanyang itim na coat. Wala itong sinabi, nakatingin lang siya sakin. Even with my heels on, he can still tower over me. Tahimik nitong hinubad ang coat at marahang iniyakap iyon sa aking mga balikat. "I hope the next time we see each other, you won't borrow any of my coats or jackets," sabi nito at kinuha ang flute na hawak kong hindi nabasag at naglakad na pabalik sa loob. Sinundan ko siya ng tingin, nakita ko ang pagpasok ng kamay niya sa kanyang bulsa dahilan upang mas ma-emphasize ang umbok ng kanyang puwet. 'H'm, sexy ah?' What's his name again? Oh yeah. Hercules. Why did his parents name him after a demigod? "Mama, and I'll bring my friends and classmates here before the end of this month and on my eightienth birthday we'll have a party in the pavilion," sabi ko. Tumango-tango ito, masyadong nangunguna ang mga plano ko samantalang sa susunod pa na taon mangyayari iyon. I'm a freshmen kaya hindi pa ako gaanong stressed sa mga subjects ko. "Ilan kayo?" tanong ni Mama, nag-isip ako at habang ginagawa ko 'yon ay si Efa na ang sumagot sa tantiya niya. Si Papa naman ay bumaba na para sa umagahan namin, aalis ito papuntang Manila. Si mama naman ay pupuntang provincial capitol ngayon. After the death of Mayor Corazon last month, my preceding vice-mayor mother was appointed to be the next mayor until the last term. "You should invite your previous classmates too Shana, it will be nice before our departure," sabi ni Papa nang nakangiti. Papa always calls me Shana. Nagkatinginan kami ni Efa, malungkot ang mga ngiti niya. Buwan pa lang ng Setyembre ngayon, noong isang linggo lang ay may sinabi ang mga magulang ko sa amin. "And it will be nice too if you're going to invite them for a Christmas party, exclusive for you guys," dagdag naman ni Mama. I nodded merrily. I'm not sure if it's genuine smile, part of me is sad and part of me really wanna live outside the country, that's one of my wishes, but thinking of leaving Ygen here and this place? It makes me so sad. Si Efa lang naman iyong hindi natutuwa sa pag-alis na plano ng magulang ko. Iyong ibang parte ng taniman namin ay unti-unti na nilang naibibenta. Nakapagbili na ng lupa ang magulang ko sa Ciudad Real sa Spain, bumili sila ng maliit na lupain na may plantasyon ng mga olive tree at mga ubas. Kaya tatapusin lang ni mama ang termino niya hanggang sa susunod na taon. Iyon ang kanilang sinabi, hindi ko alam kung tuluyan ba namin na iiwan ang lugar, pero matatagalan kami roon. Sa totoo lang, nararapat lang na umalis na kami, wala na kaming kamag-anak rito, parang sumpa rin ang manatili rito, ang tito at tita ko na magulang ni Efa namatay sa sakit, ganoon din ang mga Ate ko. "Our memory was made here, you know," sabi ni Efa nang naglalakad kami sa kahabaan ng plantation. "Yeah, I know." Hinarap ko siya. "Let's make our remaining time here unforgettable, then." I smiled. I am not sad like her, dahil sa pag-alis namin doon ko matutupad ang mga gusto kong gawin, doon ko mas lalong magagawa ang pangarap kong maging fashion designer. Minahal ko naman ang Negros. Dito ako ipinanganak at lumaki pero may mga sakit ng alaalang dapat na munang kalimutan. "At anong ginagawa ng isang high school student sa lugar na 'to?" The bitchiest Sophie confronted me while I'm sitting on a bench surrounding the CPSUs' quadrangle. I can freely go inside, siyempre, anak ako ng governor kaya hindi ako pagbabawalan kung papasok ako, una sa lahat hindi naman ako gumagawa ng gulo. I'm waiting for Efa, our parents attended a party and I don't wanna go home alone. Mas maaga kasing natatapos ang mga klase ko, madadaanan ko ang University niya kaya dumaan na ako rito. Hindi ko siya pinansin. I can also be a b***h, I'm just too excited to see Efa and tell her the good news of mine, that's why I can't lend her my precious time. "Bawal ang bata rito." Natawa ako sa sinabi niya, pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, iyong nakakainsultong tingin. "Sophie... my dear, I am taller than you, my boobs and rack were bigger than yours, come on, stop telling me I am bata... because if I'm compared to you, you'll obviously crank. Don't mind my age." Bitch, I can be mean, you should know that, we've been schoolmates since elementary school. Well, I guess it'll be nice if I'll spend my seconds bitching her. Uusok lang ang ilong niyan pero hindi yan mananakit, dahil may imahe rin siyang pinanatili sa unibersidad na 'to. Bulok lang talaga ugali. "Ang yabang mo no? Pag malaki ba ang dibdib nakakadagdag ng edad yon?" Humalukipkip siya. "Kaya siguro naagawan ka ng papel ni Phenoe." Tinawanan ko siya, wala akong pakialam sa babaeng yon, sa kanya na ang korona isaksak niya sa pwet niyang naka-usli! Hindi ako magkakapera sa korona na yon! "You know what, Sophie, let Phenoe tell these to me. I promise you the crown won't hurt my ego, that crown didn't even have real diamonds." Napairap ako. "And please stop blocking my way, you are an eyesore." "Anong sabi mo-" anito. "Seriously? Ikaw ba yong mean girl sa mga palabas na ako ang bida? I don't get why you are so mad at me. Is it because I am prettier and gorgeous that it makes you less pretty? Well, honey, I am telling you, you are not ugly. Bible!" I raised my left hand as a promise thatI wouldl bend, Should I dispatch and un-watch 'Keeping Up with the Kardashian's? ' show so I won't be this bitchy? "Alam mo ang hangin mo, I won't be surprised if everything you had will be taken from you." Napanganga ako sa sinabi niya. Anong connect? "Huh! I can't believe you are not just some pretty rich b***h, but you can also play words!" Pumalakpak ako, kahit naiinis na siya ayaw niya pa rin akong iwan, okay lang ba talaga sa kanyang patulan ako? Kasi okay lang sakin. "Sa sobrang hangin ko mawawala ang mayroon ako, papalirin sila." Tumawa ako. "You are so smart, Sophie." I slowed down my claps. "Ang yabang ng bobo." Napasikmat lang ito at saglit na natawa, napanganga ako dahil iyon lang ang sinabi niya, can't she give me a good word fight? Napairap na lang ako sa hangin. "Sophie, hindi ako nagyayabang... nagtataka lang ako kung bakit inis na inis ka sakin. Dahil mas maganda ako sayo?" Nginisihan ko siya, paki ko kung sinabi niyang bobo ako. "Yan, ang yabang na sinasabi ko, napakabobo mo talaga." More! "Judging by our conversation, we'll be good friends," sarkastikong sabi ko. Nang makita kong papalapit na rin si Phenoe at Shanta sa amin ay napairap na lang ako. "Hi, Kia, waiting for your cousin?" bati ni Shanta, kasunod nito ay si Phenoe, hindi naman ito mataray sa akin, ayaw ko lang talaga sa kanya, unang araw niya pa lang sa San Carlos. "Yes, and while I was waiting, Sophie is bitching me, ano bang problema niyan sa'kin?" Nababagot kong tanong. Hindi nila agad ako nasagot dahil naglakihan ang mata nila sa aking likuran. Napalingon rin ako upang makita ang ano man ang kanilang ikinatulala. Sa likod ko ay may isang malaking puno ng acacia na may nakapalibot ring sementadong upuan. Isang nagpupunas sa matang lalaki na mukhang kakagising lang dahil nag-inat pa ito at humikab, naglakad ito pagilid sa bench na inuupuan ko. "Hi Hercules," bati ni Sophie, para itong nataranta nang dumapo ang namumungay pang mata noong lalaki sa kanya. Napataas ang kilay ko. I know this guy, I've seen him several times. Hindi ko tinagalan ang tingin ko sa kanya dahil tumingin ako sa mga babaeng natulala sa kanya. "Oh." Napatango-tango ako habang may natanto. This is their type of guy, tall, substantial frame, foreign looking, cold-blooded eyes, a silent-type and of course, older than them. Nagdial na lang ako sa phone ko at tumayo na para tawagan si Efa, iniwan ko sila roon, wala akong panahon sa mga 'itchiness' nila over a guy that is too far from my type. I like Moreno- Filipino guys, the only Spanish looking guy I liked was Ygen, a bit fair and bubbly and speaking of the devil. I saw him with his group of friends. "Ygen!" Napalingon siya sa sigaw ko kaya ngumisi siya at tumakbong sinalubong ako. "Hi baby, sinusundo mo ako?" tanong niyang nakangisi. Inirapan ko siya. "Nakita mo si Efa?" tanong ko at hindi pinansin ang sinabi niya. "Sa agri biz building siguro, samahan kita?" Ngumisi siya. "Wag na, ako na!" Inirapan ko siyang muli. "Pero baka nasa garden 'yon, ang alam ko may gardening ang mga agri freshmen at sophomore ngayon e," pahabol ni Ygen, kaya sinunod ko ang sinabi niya. Pumunta ako sa likuran ng building kung saan ginagawa ang mga crop production ng mga freshmen, may iba't-ibang klase ng mga pananim doon pero walang katao-tao. "That dimwit! He is not a good source!" Nagpapadyak ako sa inis, medyo maputik kasi dahil naabutan ng sprinkler iyong lupa na naapakan ko. Nagkaputik na nga ttong sneakers ko, inilabas ko iyong aking phone, kanina pa hindi sumasagot si Efa. Napatili na lang ako nang paghakbang ko sa medyo may kataasang slope na lupa ay nadulas ako, napaluhod ako sa lupa at naitukod ang aking mga palad sa mataas na lupang maputik, pati cellphone ko ay nadumihan na rin. 'Ang malas naman.' "I'm going to kill you, Ygen!" Hindi ko alam kung saan ipunas ang basang putik sa palad ko, pag-angat ko ng aking mata'y may nakita akong pares ng puting minimal sneakers. Bago ko pa iangat ang tingin ko'y nakita ko na siyang nag-squat habang nakatukod ang mga siko sa mga tuhod. "Why do we always meet this way, fruitcake?" Nakangising tanong niya. "Ew! Fruitcake?" I am bothered more by his call-sign than his handsome grin, because again... His look is not my type. He is the guy who stopped the bitches' time a while ago. Hercules. Hindi ako mahilig sa mga Western looking guys plus the bigger frame. They are too big for me, so whatever the reason why I suddenly get so flushed by his stance, I don't know. Maybe he is too handsome up close. Because his sheepish parallel creased eyelids, partnered with amber orbs, can attract prey. Na para bang kukusa silang lalapit sa isang predator. Hypnotizing. I like the golden orange and brownish color of his irises, caged by the small circle line as if it wanted the colors to stay there, they were perfectly carved in a socket with deeper lids, which made them look coy and diffident. Despite the distrustful stare, for me, they were the most marvelous, tantalizing eyes I ever saw. Amber eyes are rare, I wonder, will he be too?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD