I love my parents, but I'm not going to force someone to treat me this way.
"Fine." Tumayo ako at humalukipkip. "Anyway, nagpapagood shot lang naman ako sa magulang ko by trying to be friendly towards you, because they asked me to... and since you don't want it, fine. Ciao!" Nagpaalam akong nakangisi.
Napapatalon pa ako sa tuwa, si Ygen na lang ang guguluhin ko.
I'm trying to save my pained ego after rejection by explaining and walking out beautifully.
Kumendeng pa ako sa paglabas ng bakod ng pavilion dahil sa saya.
"Hey! You're doing this because your parents asked you?"
Nasa b****a na ako ng pintuan nang muli ko siyang nilingon.
"Duh! As if I'd love to be your friend. A boring person like you? Hah! No way! Siyempre I followed my parents. I love them e." Nailabas ko na talaga ang dila ko sa aking ngipin habang nang-iirap.
Ngumiwi siya at inilapag ang hawak na libro sa harap ng round table.
"Yes. That's a good idea. Wag kang tatapak ulit dito," malamig niyang turan.
Ang yabang, bahay pa rin namin ito. Binili lang nila, pero ang magulang ko ang nagpatayo nito.
"Blah! Blah! Boring! Gurang!" Nagbelat ako at umirap ulit, mabilis na naglakad pabalik sa bungalow.
"Akala niya naman gusto ko siyang lapitan," pabulong-bulong ko habang nakabalik na sa loob.
Sabado, kaya walang pasok, pero abala si Efa sa kung anong-anong kinakalikot at binabasang libro sa kuwarto niya.
"Oh? Bumalik ka agad?" Ginulo ni Papa ang buhok ko, napanguso ako.
"Papa, 'wag niyo na po akong utusang kaibiganin si Hercules. Ang sungit niya po, palayasin niyo na lang kaya 'yan dito," pagmamaktol ko, pero tinawanan lang ni Papa.
Nakaakbay siya habang naglakad kami papuntang living room, kung saan naghahanda na si Mama sa pag-alis. Doon ko lang din napansin na nakapang-alis na rin si Papa.
"Matured kasi 'yon, kaya ayaw niya sa maingay," sagot ni Papa habang tumatawa.
Imbes na kainisan ang ginawa ng lalaking iyon sa akin, hindi ko na lang pinansin, baka masira pa ang araw ko.
"Why are you leaving today, Papa?" Alam kong abala si Mama, mabuti nga't nagkaroon pa rin siya ng oras para makauwi sa amin.
"Well, you are too... you are coming with us." Nakangiting tumingin si Papa sa akin. Pagbaling ko kay Mama, mahinhin itong ngumiti, at nakikita ko ang bahagyang mapait na ngiti doon.
"Are we really leaving this year, for real?" Nakangisi kong tanong.
"Yes, honey." Mama smiled and walked forward. Papa grabbed her shoulder too, hugging us both.
"Next year na ma, pa... sa summer! You told me I'm going to finish my studies, muna..." Napanguso ako. "At least tapusin ko tong freshmen year ko..." pangungumbinsi ko.
"Hintayin na lang natin na matapos ako sa school year na 'to," pakiusap ko pang muli, trying to follow the plan.
Bumuntong-hininga ang magulang ko. Kasabay noon ay namataan kong bumaba ng hagdan si Efa.
"Are you coming with us?" tanong ko kay Efa.
Ngumiti ito at tumango. "Finally, you come to your senses!" sabi ko sa sarili ko.
May inasikaso si Mama at Papa, pero ang main reason sa aming pag-alis ay ang hospital.
Efa has asthma... she inherited it from our father. Minsan naiisip ko, ako na lang yata ang natirang "pinakamalusog" na tao s apamilyang to... at least physically. Mentally healthy? I guess.
Napairap ako sa sarili kong iniisip. Who am I kidding? I don't think I'm mentally healthy at all.
Kung tutuusin, ako nga yata ang pinakamarupok sa aming dalawa ni Efa, 'yung tahimik lang pero palaging may bigat na nakapatong sa dibdib, 'yung palaging nag-a-adjust, nag-aalaga, nag-aabsorb ng lahat ng gulo para lang hindi sila maapektuhan.
Efa would cough, wheeze and take medicine. Ako? I smile. I joke. I pretend I'm fine.
Pero minsan, mas masakit ang hindi nakikita. Asthma can be treated. My kind of heaviness? It clings. It lingers. It grows roots in places I can't reach.
At sa bawat buntonghininga, ako ang unang naririnig ng sarili kong isip, ako ang pinaka-hinihingal, kahit ako ang walang sakit.
"You already did it?" Anielle asked Nayce, disbelief in her voice as she lightly shook her friend's shoulder, trying to provoke a reaction.
"Oh, dear! How was it?" Nayce pressed, curiosity bright in her tone.
Their voices carried in the food court, if anyone was listening, they would have caught every word. Our friends had a habit of being blunt, even a little vulgar, and the younger students around us often threw flirtatious glances our way.
Minsan ay may pagka-bulgar kami, ang ibang estudyante rito ay mga inosente pa kaya rin 'malandi' ang tingin ng iba sa amin.
"Syempre, duh! Masarap na masakit," Anielle laughed, tossing back her answer casually.
I squirmed in my seat. Could it really hurt that much? First times, heartbreaks, love, or... more intimate things... always came with that strange mix of excitement and pain. Gosh.
"So, ikaw na lang ang naiiwan, Kia. How come the playgirl stays virgin?" Anielle whispered with a teasing grin. Her words were provocative, but I liked her anyway, she was fun, fearless, and honest.
"We're too young for that kind of thing," I replied, cheeks heating up, fumbling for words. Maybe after college, or maybe when I meet the man I truly love...
So where is my perception of avoiding subtle living? Is it going to be history in the end? I actually thought of doing it with Ygen.
But then I paused. Where did my idea of waiting and careful living go? Was it really going to vanish?
Live dangerously, live fully... even if recklessly.
But why? Kia-shana didn't want to be the low-end kind of woman, someone who gave herself away just because her friends weren't "pure" anymore. That felt... disgusting.
And yet, part of me whispered, why not try everything now? Don't die a virgin!
The thought lingered, thrilling and terrifying all at once.
That afternoon, I went again to pick up Efa from her school, sitting once more on the benches of CPSCU.
It was three in the afternoon, and though the sun had started to dip, its rays still found me even under the shade. I didn't mind the sunlight much, but my vision felt blurry today, and my forehead creased from squinting.
Shapes began to emerge, blurry at first, moving toward me. I had to narrow my eyes to make them out clearly, my sight lagging for a few seconds.
"Oh, hi, Kia. Here to pick up your pathetic cousin again?" Shanta's voice cut through, sharp and mocking.
And Sophie... the ever-pretentious one, crossed her arms in that signature, overly sensual way, like she was studying me as prey.
The only thing I could admit about her was her sense of fashion. Sure, she looked good, but her attitude? Rotten.
I wondered, were they still virgins? Like me, did they have countless flings?
"Sophie, tara na nga, let's not waste our time here," segunda ni Phenoe.
"Yeah. Listen to your friend, Sophie." I leaned back against the bench, tossing my two cents into the mix.
Maybe that's why my eyes felt blurry, too many hours spent staring at my iPod. I really needed to get contact lenses.
Sophie laughed at me, and I just rolled my eyes, quickly standing up and leaving them behind.
Sophie had a way of demanding attention... it was maddening, almost tempting me to give it. But some moments, she needed to just... shut up.
"Efa! Where are you? I'm walking in the quadrangle, I'll wait outside your building, I'm on my way now." I called her, tired of enduring the sun's heat.
"Why are you even coming here? You should go home, you still have thirty minutes before dismissal," her voice carried a hint of concern.
I rolled my eyes at her scolding.
"I'll wait," I insisted.
I needed to keep an eye on that girl. Honestly, she probably needed my help more than I needed hers.
"Ang tigas ng ulo mo, mainit pa naman d'yan, sandali nga—" she began, worried.
"Don't you dare go out! I can handle myself. You should worry about yourself if you run off. Gosh! You're so dramatic!" I snapped back.
"Ewan ko sayo, sige, pumunta ka na rito. Sumilong ka hah?" sabi nito.
"Okay," sagot ko.
Malapit na ako sa building nila, sa malawak na grounds na ako, sa may bermuda grass naglalakad.
"Hi, Kia!"
Napalingon ako sa lalaking bumati sa akin. Napasingkit ako... hindi ko talaga maalala kung sino siya. Mukha siyang schoolmate ko noon, pero wala akong mahanap na file sa utak ko.
"Hi," bati ko nang nakangiti, kahit medyo pilit. Agad siyang inasar ng mga kaibigan niyang nasa ilang hakbang lang mula sa amin.
"Naalala mo ako?" tanong niya, may ngiting parang umaasa. Ngumiti rin ako, yung tipong ngiting nakangiwi, at tumango. Pero sa totoo lang? Hindi ko siya kilala kahit kaunti.
Bumuntong-hininga siya, saka ngumiti nang pangiti-ngiti. "Akala ko nakalimutan mo na ako," sabi niya, nahihiya pa.
Binati rin ako ng mga kaibigan niya, at bago ko namalayan, pinalibutan na nila ako. Sunod-sunod ang tanong nila tungkol sa ginagawa ko nitong mga nakaraang araw, sabay kamusta, sabay aya ng kung anu-anong usapan.
Anim silang lahat. Anim. At dahil medyo masakit na ang ulo ko, parang umiikot ang buong paligid ko.
Sakit talaga sa ulo ang mga lalaking gustong makipag-usap sa akin. Hindi sa pagmamayabang, pero... actually, mayabang talaga ako.
Isa-isa silang nag-request na i-accept ko daw sila sa social media. Lahat sila. Sunod-sunod. Parang campaign period.
At bakit ko gagawin 'yon? Sayang ang ilang segundo ng pag-tap ng "accept." Seconds are precious. My boredom threshold is thin.
"Fine, I really need to go to Efa, bye guys." I flashed them the most awkward smile I could manage and waved, bago ako nag-jog papunta sa may shed.
Hindi talaga maganda ang pagpupuyat. Kapag nakaisip kasi ako ng magandang disenyo ng damit, hindi ako mapakali. Hindi ako titigil hangga't hindi ko natatapos. Kaya ayan tuloy, nagwe-wild ang ulo ko.
Huminga ako nang malalim nang tuluyan na akong makaalis sa kanila. Pero paglapit ko sa building, kahit hindi pa ako pumapasok, meron na namang gustong kumausap sa akin.
Gosh.
Wala ako sa mood.
I responded with the bare minimum, ilang sagot lang, puro short replies, tapos ngiti na hindi umabot sa mata.
Then, I spotted Hercules walking. And just like that, napangisi ako. Nagpaalam ako agad sa mga lalaking pilit pa akong kinakausap at umalis.
Tumakbo ako para habulin siya.
"Finally!" hingal ko nang maabutan ko siya sa garden sa gilid ng building ng department nina Efa.
"What is it?" tanong niya, pero hindi man lang niya ako tiningnan agad, busy ang mata niya sa mga tanim na gulay. Typical Hercules... tahimik, knowledgeable-looking, at hindi ko sure kung hindi lang talaga niya ako pinapansin o ayaw niya akong tingnan.
Mas gusto ko siyang kasama. Tahimik. Hindi madaldal tulad ng iba. Magtatanong siya minsan, pero walang follow-up, walang extra commentary. Hindi niya ako ini-interview gaya ng anim kanina. Hindi siya interesado sa akin, at oddly enough, 'yon ang nakakaaliw.
Nakakachallenge.
Pero higit sa lahat, mas masakit ang ulo ko kaysa sa ego ko. Kailangan ko lang talaga ng lugar para maupo.
Napansin ko ang dating inupuan ko, iyong mismong kinadulas ko noon. Doon ko rin siya nakita noong nadulas ako. Doon niya ako pinahiram ng jacket na... good grief... hanggang ngayon pala ay 'di ko pa naibabalik.
Nakakalimutan ko talaga.
"Nothing, I like to be with you. You talk less. I hate being bombarded by questions," sabi ko habang pilit hinihigop ang natitirang hangin sa baga ko.
"Hindi ba't 'yan naman ang gusto mo? You like attention so much."
Napatigil ako. Hinarap ko siya at agad ko siyang inirapan.
"Tama ka. Pero wala ako sa mood ngayon." Nagkibit-balikat ako. "Nagsasawa ako sa gano'n."
Sorry boy, hindi mo ako maiinis ngayon. Masakit ulo ko, hindi ko afford magpatrigger.
Nanahimik siya at umiling. Kita mo? I like him when he acts grumpy. Hindi siya nakakapagod kasama. Hindi siya madaldal. Hindi siya intrusive. Nasa sariling mundo lang niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at kinuha ang phone ko para i-text si Efa kung nasaan ako.
"Why are you here—Kia!" biglang sabi niya.
Hindi ko namalayan na nawalan ako ng balanse. One second nakatayo ako... next second, dumulas ang paa ko.
At ayun... unang tumama ang ilong ko sa gutter ng sementong dapat uupuan.
Nanilim ang paningin ko. Ramdam ko na para akong natanggalan ng connection. Muntik na akong mabagok nang tuluyan kung walang sumalo sa akin.
Hindi ako agad nakareact dahil ang hilo ko sobra. Para akong sakay ng umiikot na ferris wheel na may tama.
Naramdaman kong may nagbuhat sa akin. Lumalabo ang paningin ko sa bawat segundo... hanggang tuluyan akong binitiwan ng malay.