9: Lion

1595 Words
I stand in a place the living rarely speak of, and the dying never describe. A thin, trembling line drawn between breath and nothingness. Here, the air feels both heavy and hollow, like a lung trying to remember how to open. I know my time is thinning. I feel it in the way my heartbeat drags, in the way silence grows teeth, in the way shadows cling too tightly to my skin. I chose to stand between darkness and brightness. Maybe others do, too... maybe I'm not the only one fighting just to stay upright on this thin line between two worlds. Light and darkness... both are powerful in their own cruel ways. If the darkness swallowed me whole, I knew I could drown, in depression, in bitterness, in the kind of quiet that kills slowly and without remorse. But if brightness took me, I could be blinded, lost in a whiteness so empty it burns, in a loneliness so clean and silent it feels like death wearing a softer mask. Either side could lead to an ending. Tint or shade, choose one, and death waits patiently, as if both extremes were just different doors to the same quiet place. So I stay here, in the fragile middle, where I can still breathe, where I can still choose to live. "Kia! Diyos ko naman!" boses iyon ni Efa... basag, nanginginig, puno ng takot. Pagdilat ko, malamig na puting kisame ang unang bumungad. Hospital. Sumunod agad ang mukha nina Ygen at Efa, si Efa namumugto ang mata at halos hindi makahinga kakaiyak. "Oh no! Why did you bring me here? Efa, anong oras na? Alam na ba nila Papa at Mama 'to? Sinabi mo ba?" sunod-sunod kong tanong, agad akong kinabahan. Ayaw ko nang mag-alala ang parents ko, lalo na si Mama, baka maghisterikal na naman siya. "Sasabihin ko na sana pero pinipigilan ako ni Efa," sagot ni Ygen, pero natigil siya nang bigla akong yakapin nang mahigpit ni Efa. "Wag kang umiyak, Efa. Kita mo 'yang hinga mo, isang singhot ka na lang," biro ko kahit umiikot pa rin ang paningin ko. "Hercules brought you here. He called me and Efa," muling sabi ni Ygen, mas seryoso na ang tono. "Nahihilo ka pa ba? Bakit ka biglang natumba? Nagpagod ka ba? Tumakbo ka? Kumain ka nang maayos?" sunod-sunod niyang tanong habang sinusuri niya ako na parang nurse. Napansin ko ang pintura sa leeg ni Ygen... malinaw na galing pa siya sa paintball. Puyat, pagod, at may tama ng kulay pero nandito pa rin. Napanguso ako. Siguro uwian na nila kaya naglaro pa sila sa likod ng mansion nila, dahil ganoon siya at ang mga pinsan niya, magugulo. "Mainit kasi," sagot ko habang hinihimas ang batok ko. Kumapa ako sa mukha ko, panic rising. "Oh my Gosh! Do I still look pretty? Baka pangit na ako! Ygen... Efa!" Agad kong hinawakan ang ilong ko. Umiling si Ygen at naupo sa gilid ng kama, parang hindi makapaniwalang ako pa rin ang inaalala ko. "Alam mo, Kia... kung hindi lang kita mahal, na-flush na kita sa inidoro," hirit niya. Sinamaan ko siya agad ng tingin. "Your joke isn't funny, Ygen. It's annoying," irap ko. Sagot niya ay isang iling pero lumambot ang boses ko. "But thank you, Ygen. Tinupad mong maging friend ko forever." Humalakhak siya. "Siyempre! Ganito kita kamahal!" At kumabig pa siya ng imaginary wide hug sa ere. "Ano na? Maganda pa rin ba ako? May gasgas ba? Titigan mo nga ako." Umusog pa ako papalapit, halos madikit ko na mukha ko sa kanya. Mas lalo siyang humagalpak at tinapik ang balikat ko. "Oo na, maganda ka pa rin. Hindi naalog ang utak mo. Dumugo lang 'yong ilong mo," sabi niya habang hindi matigil ang tawa. Napabuntong-hininga ako. "Puhunan ko kaya 'tong mukha ko. Dito ako kumukita." Nguso ko ay nakausli, pero lalo lang siyang nabulahaw kakatawa. "Sinabi ko naman sa'yo, 'wag mo na akong hintayin," sabi ni Efa sa pagitan ng hikbi. Hindi tulad ni Ygen, hindi pa rin siya tapos umiyak. "Buhay na buhay at maganda pa rin ako, ano pang inaarte mo?" nakangiti kong sabi, pero tumutulo pa rin ang luha niya. "Tumigil ka na nga diyan, Efa. Maka-iyak ka naman diyan para akong mamamatay," natatawa ko siyang pinagalitan. Para bang nakalimutan niyang mas malakas pa ako kaysa sa kanya. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Hercules, malamig ang ekspresyon, hawak pa ang jacket na ginamit niyang pantakip sakin kanina. Napabuntong-hininga ako. Aba, naabala ko pa 'tong taong halatang ayaw naman talaga sa presensya ko. Pero sa isang iglap, kahit hindi niya aminin, para siyang bagyong dumating para iligtas ako bago ako tuluyang bumagsak. Sa gabing iyon, sabay kaming apat na umuwi, sa dulo nga lang kami nakatira kaya humiwalay na si Ygen sa amin, at ngayon ay tatlo na lang kaming pauwi ng Marcellano. Sa gabing iyon, sabay kaming apat na umuwi. Sa dulo lang kasi kami nakatira, kaya nang humiwalay na si Ygen ay kaming tatlo na lang tahimik na magkasama sa loob ng sasakyan namin, ako, Efa, at Hercules, pauwing ng Marcellano. Pagpasok ko sa bahay, hindi man lang napansin nina Mama at Papa na galing ako kung saan. Nakahinga ako nang maluwag. Ayaw kong gawing malaking eksena ang pagkahilo ko. Wala naman akong sugat, kahit pa medyo dumugo ang ilong ko nang tumama sa semento. Naabutan kasi agad ako ni Hercules bago pa tuluyang lumapat ang mukha ko sa sahig. Kahit papaano, safe. Hindi naman aksidente ang nagpahilo sa akin, hilo lang talaga. Pero kahit gaano ko pa i-downplay, parang hindi pa rin sila satisfied, lalo na si Efa. Buong linggo tuloy akong mag-isang umuuwi. Pinapasundo na kasi ako ni Efa kay Kuya Roger, mukhang hindi pa rin siya kampante. At dahil doon, madalas akong mag-isa sa pavilion. Tahimik doon, malamig ang hangin, at kahit pa nabili na ng mga Kingsman ang lupa at ang mismong pavilion, hindi ko pa rin magawang iwan iyon. Usapan naman nila Papa at Mr. Kingsman na magagamit ko pa raw ito hanggang matapos ang kaarawan ko, ilang buwan pa. Kaya pinapakinabangan ko pa ang bawat minuto, bawat pag-upo ko roon. Kapag nandiyan sina Mama at Papa, hindi naman ako nababagot. Pero madalas, wala sila. At kapag gano'n, uuwi na lang ako nang late para makasama ang mga kaibigan kong may mas makukulay na love life kaysa sa buong wardrobe ko. "Anong nangyari sayo, Kia? Wala kang bago ngayon?" iyon ang tanong nina Nayce at Anielle, halos araw-araw. Hindi ko rin alam. Bigla na lang akong tinamad makipag-text, makipagkulitan, makipaglandi ng pa-cute na chat na parang daily routine ko noon. May iba kasing pumapasok sa isip ko ngayon... mga ideyang hindi ko minsan maintindihan, minsan kinakatakutan, pero hindi ko maitaboy. Siguro napapagod din pala ang puso sa mga bagay na dati ay hindi naman mabigat. Siguro naabala rin ako sa kakabantay kay Efa, sa kakaisip kung okay ba talaga siya. Hindi hika ang nagpapahirap sa kanya, kundi ang mga iniisip niyang mas mabigat sa anumang hingal. At habang tinitingnan ko siya mula sa gilid ng mata, minsan napapaisip ako... Bakit gano'n? Ang madaling makita, madaling gamutin. Pero ang mabigat sa loob, ang mga salitang hindi masabi, at ang mga takot na hindi matukoy? Mas mahirap dalhin. Mas malalim. Mas tahimik. At minsan... mas nakakapagod. "Hey, what are you doing here?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala, nandito si Hercules ngayong biyernes ng alas tres. Nakaupo siya sa sofa sa pergola patio ng pavilion, kaharap ang pool, at abala sa pagbasa ng kung ano mang notes o libro. Alam ko tuwing biyernes ay umuuwi siya sa Bacolod. Tuwing Lunes ng gabi hanggang Huwebes lamang siya nananatili rito, kaya mas nakakagulat siya ngayon. "Am I not allowed here?" tanong din niya. "I think this place is part of the property my dad bought?" Hindi na niya inangat ang tingin sa akin... sapat na ang tono ng kanyang boses para ipakita ang kanyang punto. Napairap ako sa tinuran niya. Suot niya ang cargo shorts at plain white shirt, ang buhok niya medyo magulo dahil sa hangin. Sexy siya, hindi ko maipaliwanag, pero parang lion na malakas ang aura, parang manlalapa sa... sarap. Ehemm... Kia, behave. Di ka niyan gusto! "Ang dami mo namang sinabi, imbes sagutin ako, susungitin pa," sambit ko habang umuupo sa isa sa mga mahahabang sofa, ipinatong ang binti at pinagdaiti. Nakaroba na ako, balak ko pang maligo sa pool, at nandito siya, masyado siyang Killjoy. "Relaxing din naman sa bahay mo, dito ka pa pumunta," tanong ko, sinubukang maging casual. "I'm not going to disturb you... do whatever you want. I don't care," winalas niya, walang kalatoy-latoy sa mga salita. Aba, talagang sungit! "Palibhasa matanda kaya mainit ang ulo," paghihimutok ko habang sinisipsip ang melon shake na dala ko. "What did you say?" Nangunot ang noo niya, at napangisi ako. Nakuha ko na ang atensyon niya, lalaitin ko lang ang edad niya, at naiinis na siya. Napaangat ko pa ang tingin niya. Well... he's only four years older than me. That's not actually old. "I said... how long will you be staying here in Marcellano?" "A year..." sagot niya. Wow. Sinagot niya agad ang tanong ko, at hindi ko maiwasang tanungin ulit. "Why do you need to take units in agribusiness when you can actually learn it by working in your family's business?" "Why do you care?" Nag-angat siya ng tingin sa akin, nagkataas ang kilay. Ang taray naman! "Oh edi wag mong sagutin..." Napanguso ako. "Do you wanna swim with me?" Napangisi ako sa ideya ko. Finally... makikita ko ang magandang katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD