6: The Pavilion

1986 Words
Tinatahak ko ang hagdanang gawa sa mga peebles, umupo ako sa pinakahuling baitang nito at tinitigan ang malawak na taniman. May mga ilaw sa bawat poste, dilaw ang kulay niyon. Ngunit walang nagawa ang liawanag nito sa dilim. Darkness is powerful, but so is brightness. Kapag nasa teritoryo ka ng dilim, kakainin ka ng kadiliman kahit gaano pa kaliwanag ang dala mong ilaw. Kapag nasa teritoryo ka ng liwanag, wala ring magiging silbi ang kadiliman. Kung mananatili ako sa dilim, tuluyan akong lalamunin nito. Anong mas mabuti? Ang manatili sa iisang teritoryo o ang tumayo sa gitna ng dalawang teritoryo? I’ve decided to stand in between. "Hey, you wanna come with me?" paanyaya ko kay Hercules. Wala na akong ibang mayaya dahil medyo bugnutin at palagi na lang na nagkukulong sa kuwarto si Efa ngayon, kapag tinatanong ko naman palaging sasabihing maayos siya, hindi matino ngayon si Efa. "Will you stop coming here? Give me peace, girl," sabi nito sa mahinang boses. Mayroon na naman itong binabasang libro habang nakaupo sa sofa sa ilalim ng pergola canopy. He never changed the style here. Inirapan ko siya, lagi akong pinapalayas sa bahay niya. Wow! My parents asked me to entertain him. I'm too gorgeous to be his clown, but I always follow my parents because I love them! "I'm bored." Nakangusong sabi ko at umupo sa couch niya. Isang linggo na ito mula noong lumipat siya, hinatid pa ito ng ama at kambal niya. "And? I don't have time to play with you. I need peace. Gawin mo ang madalas mong ginagawa noong wala pa ako rito." Inilipat niya sa ibang pahina ang binabasang aklat. "My cousin is losing her mind right now." Ngumuso ako, just a few sharing baka sakaling maawa siya. "Come on!" Hinawakan ko ang palapulsuhan niya. Nanlaki ang mata niya mukhang hindi siya makapaniwalang pinipilit ko siya ngayon at talagang hinila ko pa ang kamay niya. "Hey, Hey, stop touching me." Nagtaas siya ngmga palad niya, na para akong may malubhang karamdamang nakakahawa, napanganga ako, hindi ako makapaniwalang may mandididri sa hawak ko. I love my parents, but I'm not going to force someone to treat me this way. "Fine." Tumayo ako at humalukipkip. "Anyway, nagpapagood shot lang naman ako sa magulang ko by trying to be friendly towards you, and since you don't want it, fine. Ciao!" Nagpaalam akong nakangisi. I’m trying to save my pained ego after rejection by explaining and by walking out beautifully. And I wish I could have saved it. Kumendeng pa ako sa paglabas ng bahay dahil sa saya. "Hey! You're doing this because your parents asked you?" Nasa b****a na ako ng pintuan nang muli ko siyang nilingon. "Duh! As if I'd love to be your friend. A boring person like you? Hah! No way! Siyempre I followed my parents. I love them e." Mannerism ko na talaga iyong kapag nag-iinarte ako nailalabas ko iyong dila ko sa aking ngipin habang nang-iirap. Ngumiwi siya at inilapag ang hawak na libro sa harap nitong round table. "Yes. That's a good idea. Wag kang tatapak rito ulit," malamig niyang turan, ang yabang, bahay pa rin namin ito no, makapagpalayas siya sa'kin ah? Binili lang nila ito pero ang magulang ko ang nagpatayo nito. "Blah! Blah! Boring!" Nagbelat ako at umirap ulit at mabilis na naglakad pabalik ng bahay namin. "Akala niya naman gusto ko siyang lapitan," pagbubulong ko hanggang sa nakabalik na akong bungalow. Sabado, kaya walang pasok pero abala si Ygen at si Efa naman kung anong-anong mga kinakalikot at binabasang mga libro sa kuwarto niya. "Oh? Bumalik ka agad?" Hinagod ni Papa ang ulo ko, napanguso ako. "Papa, 'wag niyo na po akong utusang kaibiganin si Hercules, ang sungit niya po, palayasin niyo na lang kaya 'yan dito," pagmamaktol ko pero tinawanan lang ni Papa. Nakaakbay siya noong naglakad kami papuntang living room kung saan naghahanda na sa pag-alis si mama. Doon ko lang din napansing nakapang-alis si papa. "Matured kasi 'yon, kaya ayaw niya sa maingay," sagot ni Papa habang tumatawa, imbes na kainisan ang ginawa ng lalaking 'yon sa'kin. "Why are you leaving today, Papa?" Alam ko'y si Mama abala talaga, mabuti nga kahit ganoon ay nagkakaroon pa ito ng oras para lang makauwi sa'min. "Well, you are too; you are coming with us." Nakangiting tumingin si Papa sa akin, pagbaling ko kay Mama ay mahinhin itong ngumiti, mahinhin siya at nakikita ko ang mapait na ngiti doon. "Are we leaving this year?" nakangisi kong tanong. Yes, honey." Mama smiled and walked forward. Papa grabs her shoulder too, hugging us both. "Next year, summer, you told me I'm going to finish my studies, muna." Napanguso ako. "Hintayin na lang natin na matapos ako sa school year na 'to," pakiusap ako, we should follow the plan. Namataan kong bumaba ng hagdan si Efa. "Are you coming with us?" tanong ko kay Efa. Ngumiti ito at tumango sa tanong ko. "Finally, you come with your senses!" sabi ko. May inasikaso si Mama at Papa, pero ang 'main reason' sa aming pag-alis ay ang hospital. Efa has asthma, she inherited it from her father. I think I really am the only healthiest daughter, mentally healthy, I guess. Napairap ako. I don't think I'm healthy mentally. "You already did it?" Hindi makapaniwalang tanong ni Anielle kay Nayce, naiyugyog niya ang kaibigan namin dahil sa pigil na tili nito. Oh, Dear! How was it?" tanong muli ni Nayce. Ang ingay nila, nasa foodcourt kami siguradong may makakarinig sa usapan nila. Minsan ay may pagka-bulgar kami, ang ibang estudyante rito ay mga inosente pa kaya din 'malandi' ang tingin ng iba sa amin. "Syempre, duh! Masarap na masakit." Tumatawang sumagot si Anielle, ako naman ay napapairap. "So, ikaw na lang ang naiiwan, Kia. How come that the playgirl stays virgin?" Anielle said. Her words sound sluttier, but she is likable; that's why we're friends. "We are too young for that kind of thing," sabi ko na umiirap, maybe after college graduation or maybe when I find the man I'm going to love. So where is my perception of avoiding subtle living? Is it going to be history in the end? Live horribly and happily! But why am I going to do that? Kiaschonen will be a low-end quality kind of woman, and I'd just f**k who I like because my friends weren't pure already. Disgusting! But then, yeah! Why not try everything now? Sa hapon na 'yon ay muli kong sinundo si Efa sa escuelahan niya, muli akong nakaupo sa benches ng CPSCU. Alas tres na ng hapon kaya mayroon pang araw, kahit nasa lilim na'y natatamaan pa rin ako ng araw. Hindi ko lang gusto ang sobrang direkta ng sikat ng araw pero iba ang panlalabo ng mata ko ngayon, napapakunot ang noo ko. May malabong mga bulto na kumikendeng palapit sa akin, kailangan ko pang isingkit ang mga mata ko para maaninag sila, nanlabo ang mata ko ng ilang segundo. "Oh Hi, Kia, nandito ka na naman para sunduin ang pathetic mong pinsan?" Shanta asked. And Sophie the b***h crossed her arm in her sensual fashion, looking at me like prey. Iyon lang ang maganda sa kanya ang kanyang sense of fashion, aminado naman akong maganda siya pero ugali niya, bulok. I wonder, were they still virgins? Katulad ko ay marami din silang mga ka-fling. "Shanta, tara na nga, let's not waste our time here," segunda ni Phenoe. "Yeah. Listen to your friend Shanta." Sumandig ako sa upuan habang sinabi ko iyon. Kaya siguro nanlalabo ang mata ko dahil sa kakababad ko na naman sa aking iPod. Kailangan ko na talagang siguro mag-contact lenses. Tinawanan ako ni Sophie pero napairap na lang ako at mabilis na tumayo at iniwan sila. Parang gago to si Shanta kung magpapansin sa akin, para namang gusto ko siyang palaging pinapatulan, may oras rin na dapat siyang manahimik. "Efa! Where are you? I'm walking in the quadrangle, I'll wait outside your building, I'm on my way now." Tinawagan ko na siya dahil hindi ko na natitiis ang init ng araw. "Bakit ka pa pumunta rito, dapat umuwi ka na, thirty minutes pa bago ang dismissal namin e." Napairap ako sa sinabi niya. "I'll wait." Kailangan kong bantayan ang babaeng iyon, mas kailangan niya pa ata ng tulong ko kaysa ako sa kanya. "Ang tigas ng ulo mo, mainit pa naman d'yan, sandali nga-" "Don't you dare go out, I can handle myself, mas alalahanin mo ang sarili mo kung tatakbo ka, gosh! You are so maarte talaga!" "Ewan ko sayo, sige, pumunta ka na rito. Sumilong ka hah?" "Okay." Malapit na ako sa building nila, sa malawak na grounds na ako na may bermuda grass naglalakad. "Hi Kia." Napalingon ako sa lalaking bumati sakin, naningkit ang mata ko hindi ko siya maalala, siguro schoolmate ko noon. "Hi," bati kong nakangiti, inasar siya ng mga kaibigan niyang 'di kalayuan sa amin. "Naalala mo ako?" Ngumiti siya, nakangiwi akong ngumiti at tumango pero sa totoo lang hindi ko siya kilala. Bumuntong-hininga siya at ngumiti. "Akala ko nakalimutan mo na ako." Binati rin ako ng mga kaibigan niya, nagsimula na silang palibutan ako at tanungin sa mga ginagawa ko nitong mga nakaraang araw, kinakamusta. Mga anim silang lahat at nahihilo pa akong lalo dahil sa ingay nila. Sakit sa ulo talaga ang mga lalaking gustong makausap ako, hindi sa pagmamayabang pero mayabang talaga ako. Isa-isa na silang nagsabi sa aking i-accept ko daw ang request nila sa social media accounts ko. At bakit ko gagawin 'yon? Sayang ang ilang segundong magpindot ng accept. "Fine, I really need to go to Efa bye guys." I awkwardly smiled at them and waved, I jogged to find a shed. Hindi talaga maganda ang magpuyat. Kapag nakaisip kasi ako ng magandang disenyo ng damit ay hindi ako patutulugin hanggang sa matapos ko siya. Bumuntong-hininga ako nang makaalis na sa kanila, sa paglapit ko sa building kahit 'di pa ako nakapasok ay may gusto na namang kumausap sa akin. Wala ako sa mood na makipag-usap kaya ilang sagot lang ang ginawa ko. Nang mamataan ko si Hercules napangisi ako at nagpaalam sa mga lalaking gustong kumausap sa akin. Tumakbo ako. "Finally!" Humihingal ako nang maabutan ko siya sa garden sa gilid ng building ng department nina Efa. "What is it?" nagtatanong siya pero abala ang mata niya sa pagtingin sa mga gulay na nakatanim roon. Mas gusto ko na kasama ang lalaking ito dahil mas tahimik ito, magtatanong lang siya pero hindi na magdudugtong pa ng sasabihin, hindi siya interesadong kausap ako. That's why he challenges me but I am more concerned about my aching head that's why I need a place to sit. Nakita ko ang dating inupuan ko noong nadulas ako rito dati, dito ko rin siya nakita noon at pinahiram ako ng jacket na hanggang ngayon 'di ko pa pala naibabalik. Nakakalimutan ko. "Nothing, I like to be with you, you talked less, I hate being bombarded by questions," sabi ko habang kinakalma sa paghingal ang aking sarili. "Hindi ba't 'yan naman ang gusto mo, you like attention so much." Napatigil ako sa sinabi niya at hinarap upang irapan siya. "Tama ka, pero wala ako sa mood ngayon." Nagkibit ako ng balikat. "Nagsasawa ako sa ganoon," pagpatuloy ko. Sorry boy, hindi mo ako maiinis ngayon. Natahimik siya at umiling, kita? I like him when he acts grumpy. Nagpatuloy ako sa paglalakad at kinuha ang phone para itext si Efa kung nasaan ako. "Why are you here- Kia!" agap nito. Hindi ko namalayan ang pagkawala ng balanse ko kaya sa pagtutumba ko'y unang tumama iyong ilong ko sa gutter sa sementong dapat kong uupuan. Nanilim ang aking paningin at sa tingin ko'y muntik na akong pagkakabagok doon kung walang sumalo sa akin. Hindi agad ako nakapagreak dahil sa hilo. Naramdaman kong may nagbuhat sa akin, lumalabo ang aking paningin hanggang binawian ako ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD