""WHHAAATTT?"" sabayang bigkas ng mga taong kaharap ni Jean. Gulat na gulat ang mga ito sa narinig. Kasalukuyang nasa Casa Monteverde sila ngayon. Pauwi siya ng bahay kanina nang tawagan ni Kathy na magkakaroon sila ng family dinner. At bilang parte na ng pamilyang Monteverde ay kasama siya sa pagtitipon-tipon ngayon. Maaga nga silang dumating sa Casa Monteverde kaya naisipan muna nilang tumambay sa may pool area. May swing kasi roon at nagduyan-duyan si Dylan. Napagod daw kasi itong mag-drive dahil iisang sasakyan lang dala nilang magpamilya. Nakisakay na lamang si Jean para iisang sasakyan na lang sila dahil kasya naman silang apat doon. Ito na ang nahanap niyang pagkakataon para sabihin na nagkita na silang dalawa ni Travis. Mahirap na kasi kung maunahan pa siya ni Trixie o ni Blake.

