DUMATING si Jean bago ang takdang oras sa parking lot ng gusali kung saan ang opisina ni Travis. Bumaba na agad siya ng kaniyang kotse at pumasok sa loob. ""I have an appoint—"" wika sana ni Jean sa babaeng nasa information's desk na nasa lobby. Ngunit hindi niya natuloy dahil nakita niyang parating si Maricar sa kaniyang kinatatayuan. Hinintay na lamang ni Jean na ganap itong makalapit sa kaniya. ""Hi, Ms. Jean!"" masigla at nakakaway si Maricar sa kaniya. ""Hello!"" aniya rito. Mabait naman si Maricar kay Jean kung kaya't nakagaanan niya ito ng loob kahit pa pangalawang beses niya pa lamang itong nakita. Inaya si Jean ni Maricar sa may waiting area at naupo silang dalawa roon sa may couch. ""Jean, phone mo."" Inabot ni Maricar sa kaniya ang cellphone niyang naiwan sa opisina ni Tr

