MAGKATABI sina Jean at Travis sa loob ng elevator. Magkasama silang dalawa at papunta na sa opisina ni Travis ng mga sandaling iyon upang pag-usapan ang tungkol sa lupa. Sa unang tingin ay hindi mo akalain na may nakaraan ang dalawa. Hindi kasi nagpapansinan kaya balot ng katahimikan ang kabuuan ng elevator. ""Kumusta ka, Jean?"" Ilang sandali pa ay binasag ni Travis ang katahimikan. Ito ang nangahas na magsalita sa tonong para bang nais makipagkaibigan. Napaangat naman si Jean ng mukha at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Hindi niya inasahan na tatanungin siya ni Travis sa ganoong paraan dahil hindi ganito ang kanilang nakaraang pagkikita. Gayunpaman, tinanong siya kaya naman kailangan niyang sagutin ito. ""I'm good, Travis..."" nabubulol niyang sagot. Sumagot si Jean pero hindi

