NAGLULUTO si Sean ng agahan niya at nung babaeng nagpalipas ng gabi sa bahay niya dahil malakas ang ulan at mahihirapan na rin ito sumakay dahil sobrang gabi na.
Simple pancakes lang ang niluto ni Sean dahil hindi siya sanay kumain ng heavy breakfast at sinisiguro naman niya na hindi magrereklamo yung babaeng kasama niya ngayon dahil na sa pamamahay niya ito.
Papunta na sana siya sa may dining table nang biglang pumasok yung babae sa loob ng kitchen na parang nakakita ng multo.
"M-may tao. T-tatay mo ata? Oh my god. Kamukha mo kasi tapos tinanong niya ako sino daw ako, bakit daw ako nandito, kaano-ano daw kita? Feeling ko mauubusan ako ng dugo, hindi ko alam sasabihin ko." dirediretsyong sabi nung babae
He laughed a little bit.
"Hoy, wag mo akong tawanan, mauubusan ako ng dugo ng wala sa oras dahil doon." sabi pa nito sa kanya at parang hingal na hingal pa.
"Whatever I say, sakyan mo nalang, alright?" tumango naman ito sa kanya.
Kumuha siya ng isang plato at nilagay doon ang pancakes na niluto niya at iniwan muna ito sa counter table.
Hinawakan niya agad ang kamay nung babae pagkatapos niya nilagay ang pancakes sa counter table at bago pa man magreact yung babae ay nagsalita na siya agad "Wag kang masyado magreact, just do whatever I say."
Lumabas na sila sa kitchen at nakita niyang nakatayo lamang ang kanyang dad at halatang inaantay sila.
"Why are you here, dad?" agad niyang tanong sa daddy niya.
"You're my son, Sean Choi. I'm just visiting you. Am I not allowed to visit you here?" diretsyang tanong sa kanya ng daddy niya.
"No, dad. I'm just saying that, why so sudden? Do you need something from me?" hindi pa rin niya binibitawan ang kamay nung babae at alam niyang kinakabahan ito dahil namamasa na ang kamay nito pero hindi niya iyon pinansin.
"Nothing. But from what I am seeing now. I want to ask you something." tumango lang siya at tinignan siya ng maigi ng kanyang daddy at sunod nitong tinignan yung babaeng katabi niya.
"Who is she?" direktang tanong sa kanya ng kanyang daddy
"She's my girlfriend." diretsyong sabi niya.
"Loko ka ba?" mahinang sabi nung babae pero hindi niya iyon pinansin
Ngumisi ang kanyang tatay "What's her name?"
"Aemie." sabi niya at nagulat siya nang biglang pinisil nung babae ang kanyang kamay kaya nasaktan siya ng kaunti.
"Hindi 'Aemie' pangalan ko." mahinang sabi ulit nung babae.
"Since when did you become Sean's girlfriend?" tanong nanaman ng kanyang daddy sa babae, sasagot na sana yung babae pero inunahan na ni Sean yung babae na sagutin ang tanong ng daddy niya.
"Dad, you don't need to know when she become my girlfriend." sabi niya at binitawan niya na ang kamay ng babae "Anyways, dad. We're going somewhere. Kung dito ka po muna sa bahay ko, okay lang basta pakilock nalang po yung bahay ko kapag aalis ka na."
Hindi sanay si Sean sa pagsasalita ng tagalog kaya medyo nawiwirduhan pa siya kapag nagtatagalog siya. Trinain na kasi siya agad ng kanyang mommy at daddy noong bata pa lamang siya na magsalita ng English para daw kapag ituturn-over na sakanya ang business nila ay madali na lang siya makikipag-communicate sa mga magiging investors nila in the future.
Hindi na niya inantay ang sagot ng kanyang daddy at lumabas na sila ng babae sa bahay niya at sumakay ng kotse niya.
"SEAN CHOI pala yung pangalan mo. Ang astig." sabi nung babae. Nasa passenger's seat ito at kanina pa ito daldal ng daldal sa kanya magmula nang umalis sila sa bahay niya.
"Pang Korean. May lahi ka ba? Pero hindi ka naman mukhang Korean. Hindi ka rin naman mukhang Pinoy..." dirediretsyong sabi nung babae.
"Aemie, please shut your mouth. You're so noisy." naiinis na wika niya. Hindi siya makapagconcentrate sa pagmamaneho dahil may maingay siyang kasama.
"Kulit mo, hindi nga Aemie pangalan ko. Bakit ba kasi ayaw mo akong tanungin kung ano pangalan ko?" tila naiinis na ring wika nung babae.
"Kapag nag-ingay ka pa, ibababa kita dito sa kalsada." sabi niya at ngumisi siya pagkatapos niya iyon sabihin.
"Hoy--"
"I have a name."
"Sean."
"Yeah?" sabi niya habang tutok pa din siya sa pagmamaneho
"Korean ka ba?"
Inabot ng almost five minute bago niya nasagot ang tanong nung babae.
"Yes."
"Wala kang half ganon? As in Korean ka talaga?"
"Yeah. Why are you so curious? Do you like me?" asar niya sa babae.
"Di ah. Syempre gusto ko lang malaman kasi hindi ka talaga mukhang Korean." nakangiti pa yung babae habang sinasabi iyon sa kanya.
"Korean ako. Pero dito ako lumaki sa Pilipinas. We moved here when I was five years old, hindi pa kami ulit nakakabalik sa Korea dahil sa business namin dito sa Pilipinas." paliwanag niya at tumango naman yung babae sa kanyang sinabi.
"Ah kaya pala. Teka, saan ba tayo pupunta?" tanong ulit nung babae.
Kelan ba siya titigil kakatanong sakin? Naririndi na ako. Ang ingay niya.
"Sa mall." walang gana niyang sagot.
"Anong gagawin natin doon?"
"Kakain. Hindi pa tayo nagbebreakfast."
"Edi sana nagdrivethru nalang tayo. May nakita akong McDo sa labas ng subdivision niyo dapat doon nalang tayo pumunta." suhesyon nung babae
"Ako ang magbabayad ng kakainin natin kaya ako masusunod." sabi naman niya at nanahimik nalang yung babae "At Aemie nalang ang itatawag ko sayo."
Nakita niya ang pagbusangot ng mukha nito sa rare mirror ng kotse niya kaya napangisi siya ng kaunti.
"Tanungin mo nalang kasi pangalan ko. Ayoko ng Aemie. Ang pangit."
"Aemie ang gusto ko itawag sayo." wiki ni Sean.
"Whatever." inis na sagot ni 'Aemie' sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi maiinis sa ganin? She have her own name pero ayaw siya tawagin sa pangalan into. Bakit ba naman kasi ayaw malaman ni Sean ang pangalan ko? She wonders.
Pagkatapos non ay naging tahimik na ang atmosphere ng kanyang sasakyan. Mabuti naman dahil ayaw niya talaga nang maingay. Natuwa naman siya dahil tumahimik na si Aemie sa kakasalita.