HANGGANG sa makarating si Niomi at Sean sa mall ay tahimik pa din siya. Dahil naiinis siya kasi ayaw siyang tanungin ni Sean kung ano ba ang pangalan niya. Madali naman tanungin iyon diba? Bakit hindi nito magawa?
Niomi talaga ang pangalan ko pero Aemie ang tawag niya sa akin. Ang pangit talaga. Nakakainis naman yung lalaking 'yon. Kung hindi lang siya mabait sakin kagabi siguro nasapak ko na yon kakasabi ng Aemie sa pagmumukha ko. Sabi niya sa kanyang isipan.
Sinusundan niya lang si Seungcheol sa kung saan ito pupunta. At mabuti nga ay nakapili na ito ng pagkakainan nila ng breakfast at McDo iyon.
Napakamot siya sakanyang ulo.
May McDo naman sa labas ng subdivision nila Sean pero bakit hindi kami doon pumunta? Napalayo pa kami eh kakain lang naman kami ng agahan.
"Pancakes nalang din oorderin ko sayo." sabi sa kanya ni Sean. Natutuwa pa rin siya kapag nagtatagalog ito. May accent kasi eh. Halata talagang hindi ito masyado nagtatagalog dahil minsan slang pa ang ibang words na sinasabi nito.
"May magagawa pa ba ako? Ikaw naman magbabayad eh." sabi nalang niya at saka nag-order na ng tuluyan si Sean.
Kumain naman agad sila nang makaorder na sila. Wala nang nagsalita ni isa sa kanila habang kumakain dahil na rin siguro sa gutom dahil nalipasan na din sila ng gutom.
Patapos na si Niomi ng pagkain nang may makita siyang pamilyar na mukha na pumasok sa loob ng McDo at hindi siya nagkakamali dahil si Joshua iyon. Ex-boyfriend niya.
Natigilan agad siya sa pagkain at napagyuko na lamang. Naalala nanaman niya ang dahilan kung bakit siya nasa park kahapon...
Three years in a relationship na dapat sila ni Joshua kahapon ngunit hindi inaasahan ni Niomi na makikipagbreak ito sa kanya. Alam naman niyang wala silang naging pag-aaway ni Joshua na posibleng maging dahilan ng kanilang break-up pero wala eh, nangyari na, nakipagbreak na ito sa kanya.
Naiiyak nanaman siya. Pakiramdam niya tutulo na ang kanyang mga luha.
"Aemie?" narinig niyang wika ni Sean.
"A-alis na tayo dito. P-please." nakayuko pa rin siya habang sinasabi niya iyon kay Seungcheol.
"Okay." sabi nito sakanya at inalalayan siya sa pagtayo ng kanyang upuan.
Alam niyang nadaanan nila si Joshua at ang babaeng kasama nito pero hindi siya pinansin ni Joshua. She sighed. Bakit ang bilis nito magpalit ng babae? Kakabreak lang nila kahapon pero may girlfriend na agad ito?
Habang naglalakad sila sa ground floor ng mall ay nararamdaman niya na unti-unting tumigil sa paglalakad si Sean at pumunta ito sa harapan niya. Hinawakan nito ang kanyang pisngi at pinunasan ang kanyang mga luha.
"Bakit ba lagi kang umiiyak kapag kasama kita?" tanong pa nito sa kanya habang titig na titig ito sa kanya.
Gusto niyang sabihin kay Sean ang nangyari kahapon tungkol sa kanila ni Joshua pero nag-aalangan siya. Kahapon niya lang nakilala si Sean kaya hindi siya sigurado kung talagang mapagkakatiwalaan niya ito... Pero ewan ba niya, pakiramdam niya mabait namang tao ito.
Mas lalo lang siya naiyak sa tanong nito sa kanya. Wala na siyang pakialam kung pangalawang beses na siya nakitang umiiyak ni Sean.
"Hey, don't cry. Tinatanong lang kita, hindi ko sinabing umiyak ka." umiling pa ito sa kanya at nagulat siya dahil bigla nalang siyang niyakap ni Sean.
Dapat magrereact siya sa ginawa nitong pagyakap sa kanya pero ito ang kailangan niya ngayon, yakap. Yakap at taong magcocomfort sa kanya.
"Stop crying, Aemie. Tara punta tayo sa isang flower garden, I'm sure you'll love it." sabi ni Sean sakanya pagkatapos siya nitong yakapin at sumang-ayon naman siya dito.
NAMANGHA agad si Niomi nang makita niya ang isang garden na punong-puno ng iba't ibang flowers. Sa dami ng flowers hindi na niya alam kung alin ba doon ang una niyang titignan. Bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa mga flowers at nagtutuwa siya at dito siya dinala ni Sean.
Umupo sila sa isang bench at doon muna nag-stay.
"Ayokong umiyak ka ulit, pero I just want to know bakit ka umiyak kagabi at kanina."
She sighed. Susubukan niyang hindi umiyak ulit.
"Kagabi nakipagbreak sakin si Joshua. At nakita ko siyang may kasamang babae kanina habang kumakain tayo sa McDo." maikling paliwanag niya.
"What an asshole." irtadong wika ni Sean "Hayaan mo na yun, I'm sure there's someone that will not hurt you."
She laughed "Siguro meron pa rin na sasakit sa feelings ko, pero ewan. Parang ayoko na nga pumasok ulit sa isang relasyon dahil sa ginawa ni Joshua eh. Kung pwede lang, nasakal ko na sana siya."
"Very funny, Aemie. I'm glad nasabi mo yan sakin kahit alam kong hindi mo pa ako sobrang pinagkakatiwalaan." nakangiting wika sakanya ni Sean.
"I think you're kind naman, kaya ko rin siguro yon nasabi sayo kahit mahirap."
Tumango naman si Sean sa sinabi niya. Ngumiti pa nga ito. Nawiwirduhan talaga siya minsan kay Sean. Bigla-bigla nalang ngumingiti.
"Nga pala, diba lasing ka kagabi? Alam ko wala akong karapatan na tanungin kung bakit ka lasing pero curious lang. Saka yung daddy mo? Bakit ganon yon? Ang daming tanong sa akin. Para bang gustong-gusto akong makilala."
Hindi niya alam pero pakiramdam niya ang gaan ng loob niya kay Sean kahit kahapon pa lang niya ito nakilala.
"Ah that..." natigilan si Sean. Tinitigan niya lang ito. Kitang-kita niya sa mata nito na malungkot ito "Last night nang makita tayo sa park, kakagaling ko lang sa isang restaurant non, my dad set me up with a random girl that he think I should marry, that's the reason why I am drunk last night. And he kept on asking you some personal things because, gusto ka niyang makilala"
Naguluhan siya. Bakit gusto siyang makilala ng daddy nito?
"Remember, I told him you're my girlfriend. That's why."
"Ah, langya ka kasi bakit mo sinabi yon?" natawa lang si Sean sa sinabi niya. "Hoy, wag mo akong tawanan."
"Let's be friends, Aemie. If it's fine with you." nilahad nito ang kamay nito sa kanya
Kunwari pa siyang nagiisip at saka tinanggap niya ang kamay nitong nakalahad sa kanya. "Sure! Pero ayaw mo pa rin malaman ang pangalan ko?"
Ngumiti ito sa kanya "Aemie's fine with me. Para ako lang ang tatawag non sayo."
"Sige na nga..." wala na siyang magawa kung iyon ang gusto nito.
Tinignan niya ulit ang paligid nila. Ang ganda talaga. Punong-puno ng mga bulaklak. Isa iyon sa paborito niya ang mapalibutan ng bulaklak, mas lalong gumagaan ang kanyang pakiramdam.
Thanks to Sean.