MAKALIPAS ang isang linggo ay nagdesisyon si Sean na papuntahin sa bahay niya ang kanyang mga kaibigan na sina Jerome, Wesley at Michael. Hindi na rin sila ganoong nagkikita dahil lahat sila busy pero dahil Sabado sa araw na 'yon ay pinapunta niya sila sa bahay niya.
As usual laging una dumating si Jerome sa bahay niya. Kumuha nga agad ito ng isang chichirya sa kitchen niya at kinain na agad ito.
"Oh, bakit mo kami pinapapunta rito?" tanong ni Jerome sa kanya habang nakaupo ito sa sofa niya at binuksan ang tv para manuod habang wala pa si Michael at Wesley.
Hindi niya sinagot ang tanong nito at nilabas niya muna ang beer na nakalagay sa cabinet ng kitchen at kumuha ng yelo. Nilagay niya agad ito sa may lamesa ng living room at saka umupo sa tabi ni Jerome.
"Di ba pwedeng namiss ko lang mga kalokohan niyong tatlo kaya ko kayo pinapunta rito?" sabi niya kay Jerome na kasalukuyang busy sa panunuod ng isang volleyball game sa TV..
"Namiss? Ewan ko sayo, Sean. Baka naman gusto mo lang ulit---" hindi natuloy ni Jerome ang sasabihin nito dahil bigla nalang silang ginulat ni Michael at Wesley. Sabay pala itong pumunta sa bahay ni Sean.
"Loko! Di niyo naman kami kailangan gulatin." inis na sabi ni Jerome habang si Sean ay natatawa lang sa reaksyon nito.
"Ikaw lang naman nagulat. Chill nga lang 'tong si Sean." wika naman ni Michael at saka tuluyan nang umupo sa bakanteng sofa at ganon din ang ginawa ni Wesley.
"May pinagdadaanan ata si Sean, eh." natatawang sabi ni Wonwoo at kumuha na agad ng beer na nakalagay sa lamesa.
"Wala. Namiss ko lang kayo." natatawang wika niya. Alam niyang hindi siya paniniwalaan ng kanyang mga kaibigan pero sinabi niya lang iyon dahil gusto niya makita ang reaksyon ng mga ito.
"Langya, kadiri nama, Sean. Uminom ka na nga lang diyan." pailing-iling na sabi sa kanya ni Michael. Abala na ito sa pag-inom ng beer at si Jerome naman ay abala pa rin sa panonood ng volleyball game sa tv.
Matagal silang nanahimik bago naisipan ni Sean na sabihin na talaga sa kanila ang gusto niyang sabihin kung bakit niya sila pinapunta sa bahay niya.
"Remember the girl I'm talking about last week? Yung nakita ko sa park." tanong niya sa kanila at sabay-sabay naman sila tumingin sa kanya umismid.
"Sabi na eh, lalabas rin ang dahilan kung bakit mo kami pinapunta rito." wika ni Jerome bago inumin ang beer na hawak niya "Oh, ano? Liligawan mo na ba?" direktang tanong ni Jerome..
Natawa naman si Wesley sa sinabi ni Jerome "In love ka na? Langya, Sean. Tinamaan ka na ba talaga?" pailing-iling pa ito.
"Shut up, Jerome. Di ko siya liligawan at Wesley, di ako in love. Hindi bagay sa ‘kin." natatawang sabi niya "But we're friends." dagdag pa nito.
Lumaki ang mata ni Michael na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi nito "Seryoso ka? Ngayon ka lang nagkaroon ng babaeng kaibigan magmula noong maging magkakaibigan tayong apat." base sa itchura ni Michael ay hindi talaga ito makapaniwala sa sinasabi ni Sean.
"Liligawan mo naman yung babaeng yun for sure, so bakit pa kailangan niyo pa maging magkaibigan?" dagdag pa ni Wesley.
"Saka akala ko ba gusto mo lang malaman yung pangalan nung babaeng yon at yon lang? Tapos kaibigan mo na ngayon?" nagtatakang tanong sa kanya ni Jerome..
Napailing nalang siya sa mga naging reaksyon ng mga ito.
"Chill, okay? Yes, she's my friend. And no, I'll not court her. And yes, I just want to know her name, nothing more, nothing less but unfortunately I don't know her name." nakangiting sabi niya bago niya nilagok ang beer na hawak niya.
"She's your friend, but you don't know her name? That's impossible." nagtatakang tanong ni Jerome.
"I call her 'Aemie' and she agreed with that." nakangiti pa rin si Sean habang sinasabi niya iyon.
"Very clever, Sean." bigla namang sabi ni Wesley "You told Jerome that you just want to know her name, nothing more, nothing less and now you call her Aemie because you said after knowing her name, that's just it but in your case, you still don't know her real name. Very clever." pailing-iling pa si Wesley.
"I think you're really into her. Is that what you call, love at first sight?" umismid pa si Michael.
Hindi nalang niya sinagot ang sinabi ni Michael at uminom na lang ng beer.
Minsan talaga kahit walang katuturang kausap ang mga kaibigan niya tinitiis na lang niya ang mga ito dahil wala naman siyang magagawa eh, kaibigan niya sila eh.
Sa dami ng nainom nila hindi na mabiling ni Sean kung ilan na ba talaga ang eksaktong bilang na nainom niyang beer.
Nakaramdam na siya ng antok kaya humiga siya sa may sofa bago niya pinikit ang kanyang mata ngunit kahit nakapikit na ang kanyang maga ay alam niya pa rin ang nangyayari sa paligid niya.
Narinig niyang nagring ang phone niya.
"Sean, may tumatawag sayo." narinig niyang tawag sa kanya ni Michael pero hindi niya iyon sinagot "Alam kong gising pa diwa mo kaya sagutin mo na yung tumatawag sayo."
Kinuha niya ang phone niya sa bulsa niya at inabot niya iyon kay Jerome dahil ito ang pinakamalapit sa kanya "Ikaw na sumagot, Jerome."
Naramdaman niyang may kumuha ng phone niya mula sa kanyang kamay pero hindi siya sigurado kung si Jerome ba ang kumuha nito.
Makalipas ang ilang minuto tumigil na ang pag-ring ng kanyang phone at narinig niyang magsalita si Michael.
"Hello?" tanong nito
[Sean? Si Sean ba 'tong kausap ko?" tanong nung nasa kabilang linya ng tawag, alam niya ang boses na 'yon, si Aemie iyon. Nakaloudspeaker pala ang phone niya, siguro ginawa iyon ni Micahel para marinig niya ang usapan nila.
"No, this is Michael, Sean’s friend."
[Halata nga, Englishero ka rin eh!] sabi ni Aemie [Pwede bang pakibigay naman kay Sean yung phone niya? Kailangan ko siya makausap.]
"Unfortunately, he's half asleep right now."
[Lasing na naman siya? My god! Pwede paki gising? Importante lang talaga.]
"Sabihin mo nalang samin yung sasabihin mo kay Sean. Kami na bahala magsabi sa kanya." sabi naman ni Wesley.
[Oh, sino naman 'tong kausap ko ngayon?] nagtatakang tanong ni Aemie [Aish, bahala na. Paki sabi na lang sa kanya na kailangan niya pumunta ngayon dito sa condo unit ko as in now na, nandito yung tatay niya. Kinakabahan na ako baka kung anong gawin sakin ng tatay niya. Please...]
"Alright, text mo nalang dito sa number ni Sean kung saan yung condo unit mo. Ihahatid namin siya diyan." sabi naman ni Jerome.
[Okay. Please, bilisan niyo. Thank you] iyon ang huling sinabi ni Aemie at narinig niya iyon
"I'm sure you heard that, Sean. Ihahatid ka namin sa condo unit ni Aemie kaya tumayo ka na diyan." sabi ni Wesley at sinubukan pa siya nitong patayuin sa pagkakahiga niya sa sofa.
"Inaantok ako, hayaan niyo na siya doon, I'm sure wala namang gagawi---" ngunit hindi pa tapos ang kanyang sinasabi ay naramdaman niyang parang may bumubuhat sa kanya.
The next thing he knew nasa loob na siya ng kanyang kotse. Sa dami ng kanyang nainom sobrang nahihilo na talaga siya kaya halos wala na siyang pakialam sa paligid niya.
NAGISING ang diwa ni Sean nang maramdaman niyang parang may bumuhos ng tubig sakanyang mukha. Pagdilat niya ng kanyang mata ay nakita niya si Michael, Wesley at Jerome na sa harapan niya.
"Nagising ka rin. Pumasok ka na sa loob. Alam mo naman siguro condo unit ni Aemie diba?" sabi agad sa kanya ni Wonwoo
"Bakit ako pupunta doon?"
"Heck bro, nandoon si Tito, bakit ba siya pinuntahan ni Tito doon?"
He sighed. Sinabi nga pala niya sa daddy niya last week na girlfriend niya si Aemie. "I told him that Aemie's my girlfriend." yun lang ang huling sinabi niya ay dumiretsyo na agad siya sa loob ng condo at pinuntahan ang condo unit ni Aemie.
Agad naman niyang nahanap ang condo unit ni Aemie dahil nakapunta na siya doon last week noong hinatid niya si Aemie pauwi ng condo unit nito.
Inayos muna niya ng kaunti ang kanyang sarili bago siya nag-doorbell. Bumukas naman agad ang pinto at nakita niya si Aemie na halata sa mukha nitong alalang-alala na.
"Sean, yung tatay mo..."
"I know. May I come in?" walang gana niyang sabi at tumango lang si Aemie.
Unang beses nagsabi ni Sean sa tatay niya na may girlfriend na siya kaya siguro ginagawa ng lahat ng kanyang tatay para malaman kung talaga bang girlfriend niya si Aemie o niloloko niya lang ito.
At ayaw niyang mabuko siya.
Alam niyang sinabi niya lang iyon dahil gusto niyang tigilan na siya sa kakaset-up ng tatay niya sa iba't ibang babae pero parang iba naman ang nangyari ngayon, mukhang inaalam talaga ng kanyang tatay kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi at talagang pumunta pa ito sa condo unit ni Aemie.
"Dad, what's this? Bakit ka nandito?"
"I just want to visit your girlfriend." sabi nito sa kanya at umismid pa ito.
"Dad, please. Leave Aemie alone."
"What's wrong with visiting your girlfriend?" nakakunot-noong tanong sa kanya ng tatay niya "May tinatago ba kayo?" dagdag pa nito "Or should I say, is she really your girlfriend?"
"Of course dad. She's my girlfriend so please leave now. This is not my house, this is Aemie's condo unit. Kung gusto mo po kaming kausapin, bukas sa bahay ko, doon na lang wag lang dito."
Seryoso lang siyang tinignan ng kanyang tatay.
"Dad, please."
Tumayo na ang tatay ni Sean nang sinabi niya iyon.
"Fine. I'll talk to the both of you. Tomorrow." iyon ang huling sinabi ng tatay niya at umalis na ito sa condo unit ni Aemie.
Nakahinga na ng maluwag si Sean nang umalis na ang kanyang daddy sa condo unit ni Aemie at nakita naman niya na mas kumalma na si Aemie.
"Thanks, Sean." wika ni Aemie na nakatingin sa kanya ngayon at nakangiti.
NAGULAT si Niomi nang bigla nalang sumuka si Sean sa harap niya pagkatapos niyang magpasalamat dito.
"What the! Sean naman!" inis na sabi niya dahil kakalinis niya lang ng condo unit niya pagkatapos sinukahan naman ni Sean. Walang ibang reaksyon si Sean at dali-dali naman itong humiga sa may sofa.
"Sean, oy wag ka munang humiga diyan." pinipigilan niya si Sean na pumunta doon. Medyo tipsy na rin si Sean at dahil malapit siya sa binatal ay amoy niya na nakainom nga ito ng beer.
"Patulog muna dito, ah?" yun ang huling sinabi sa kanya ni Sean at tila ngumiti pa ito bago humiga sa sofa.
She sighed.
Wala na siyang magagawa, nakahiga na ito eh.
Kumuha na lang siya ng basahan at mop para linisin ang parte ng kanyang condo unit kung saan sumuka si Sean. Pagkatapos niya linisin iyon ay kumuha siya ng planggana at ng bimpo at nilagyan iyon ng warm water.
Lumapit agad siya kay Sean at pinunasan muna ang ulo nito.
"Hindi ko alam pero bakit parang.. Ay ewan." pinunasan nalang niya ang buhok nito at mukha nito.
Pumasok nalang siya sa kwarto niya pagkatapos niyang punasan si Sean.
Bakit parang familiar siya sa akin? Nakita ko na ba siya dati? Tanong niya sa kanyang sarili. Ewan ba niya, naguguluhan siya. Siguro may kamukha lang si Sean na kilala niya kaya magaan na rin ang loob niya dito kahit halos isang linggo pa lang niya ito nakilala.