ANTHEA'S POV Nang makasigurong wala na si Exiel sa paligid, dahan-dahan akong lumabas mula sa tool closet. Tahimik ang paligid. Mabilis kong sinara ang pinto at dumiretso sa silid naming mag-asawa. Pagkapasok ko, saglit akong napahinga. Bumungad sa’kin ang magulong kama—nakalugmok ang kumot, nagkalat ang mga damit sa sahig. Kailangan ko nang ayusin ‘to bago pa siya bumalik. Tahimik akong kumilos. Inayos ko ang kama, tinupi ang mga damit, pinunasan ang mesa. Lahat ng kalat. Gusto kong ipakitang kaya kong maging maayos na asawa… kahit hindi niya hinihingi. Pumasok ako sa banyo para linisin na rin ang mga gamit ni Exiel. May kaunting bula pa sa lababo—siguro nag-ahit siya kanina. Kinuha ko ang basahan at sinimulang punasan ang mga sulok. Abala ako, hindi ko na narinig ang pagbukas ng p

