ANTHEA'S POV Pagkalabas ni Exiel ng banyo, basa pa ang buhok niya at nakasuot na siya ng pajama at isang manipis na puting t-shirt na pantulog. Habang tinutuyo niya ang buhok gamit ang puting tuwalya, tahimik lang akong nakaupo sa kama, pinagmamasdan siya. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinititigan. Siguro dahil iba na ang Exiel na kaharap ko. Ibang iba na. Tahimik lang siya. Hindi man lang ako tiningnan. Lumapit siya sa ibabaw ng mesa, may hinahalungkat. Tumingin sa isang papel, sa lalagyan ng ballpen. Tapos dumiretso siya sa drawer at binuksan iyon. Ilang saglit pa, bigla niyang sinarado iyon nang malakas. Pak! Nagulat ako. Malalim ang buntong-hininga niya, at sa gilid ng labi niya, bahagyang kumibot ang bagang niya—galit. Nawalan ng pasensya. Pilit pinipigil. Lumapit ako, dah

