ANTHEA'S POV Nagulat kami pareho ni Manang Resing sa ginawa ni Exiel. Kaya dali dali naming niligpit ni Manang Resing ang mga kalat. "Maam, ako na po rito. Umakyat na lang po kayo siguro. Baka may kailangan si Boss." Napatango ako. At iniwan si Manang Resing. Dali dali akong umakyat at deretso sa silid namin ni Exiel. Naabutan ko siyang naghuhubad ng damit. Ang huli niyang hinubad ay ang panloob niya. Napalingon siya sa akin ng makita akong pumasok. Nanlilisik ang mga mata niya. Lalo akong kinakabahan. "May kailangan ka ba para maasikaso ko na?" Hindi niya ako sinagot. Diretso siyang pumasok sa banyo. Walang imik. Napakagat ako sa labi. Nilapitan ko ang kama at tahimik na nagligpit. Kinuha ko ang mga hinubad niyang damit at inilagay sa laundry basket. Isa-isa kong tinaggal ang

