EXIEL'S POV Nakahiga ako sa kama. Nakapatong ang isang braso sa noo habang nakatitig sa kisame. Tahimik ang buong silid, maliban sa bahagyang tunog ng tubig mula sa banyo. Inaantay ko siya. Inaantay ko si Anthea—ang babaeng minsang minahal ko… at ngayon, ang babaeng pinakasalan ko para balikan ang bangungot ng nakaraan. Taimtim akong nanatili sa pagkakahiga, pero sa totoo lang, hindi ako mapakali. Lalo na nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo. At doon siya lumabas. Hubo’t hubad. Gaya ng sinabi ko. Basang-basa pa ang buhok, bumababa ang patak ng tubig sa balikat, sa dibdib, hanggang sa puson niya. Walang anuman siyang saplot—hindi dahil wala siyang pagpipilian, kundi dahil ako ang nagsabi. Gusto kong makita kung hanggang saan siya susunod. At heto siya. Walang alinlangan.

