ANTHEA'S POV “Sa bisa ng batas at ng simbahan… ipinahahayag ko kayong mag-asawa.” Tahimik. Walang palakpakan. Walang ngiti. Walang tuwa. “Pwede mo nang halikan ang iyong asawa—” dagdag ng pari, ngunit bago pa matapos ang huling linya ng kasal... Biglang tumalikod ang lalaking may maskara. Walang salitang iniwan. Walang sulyap. Walang bakas ng galang. Diretso ang hakbang niya palabas ng kapilya—mabigat, malamig. Napatigil ako. Naiwan ako sa altar—at umalis na parang wala lang. Pero bago pa man ako tuluyang malunod sa gulo ng damdamin ko, isang lalaki ang pumasok sa simbahan. Matangkad, naka-itim, at may seryosong ekspresyon. Nilapitan niya ako, marahan. “Ma’am,” aniya, “sumunod po kayo sa akin.” Nag-aalangan ako. Parang may humahatak pabalik. Pero sa huli, pinili kong gumalaw—d

