ANTHEA'S POV Ilang taon din ang lumipas. Unti-unti, gumaling ako. Hindi man madali, pero sa bawat araw na lumilipas, natututo akong bumangon. Lumakas. Tinanggap ko ang mga sugat ng kahapon at ginamit itong lakas para ituloy ang buhay. Ipinagpatuloy ko ang pagiging isang modelo dito sa amerika. Muli akong ngumiti, muli akong nagtiwala sa sarili. Bumalik ang dating ako. Wala na akong balita sa pamilya ko. Pinili kong mamuhay mag-isa. Gusto ko lang ng katahimikan. Ng kalayaan. Ng buhay na ako ang may kontrol. Tuloy-tuloy ang karera ko bilang modelo. Sunod-sunod ang photoshoot, runway shows, endorsements. Doon ko ibinuhos ang lahat. Ang puso. Ang isip. Ang katawan. Pero kahit gaano ako kaabala, may mga gabing bumabalik ang mga tanong: “Masaya ba talaga ako?” “Ito ba ‘yung kalayaang hina

