EXIEL'S POV Pagkalipas ng ilang linggo matapos akong makalakad muli, pinatawag ako ni Mateo—isa sa mga pinaka-matagal at pinaka-loyal na tauhan ni Boss S. Sa kanyang mukha ay ramdam ko ang bigat, pero mas ramdam ko ang respeto. “May iniwan si Boss para sa ‘yo. Alam niyang darating ang araw na ‘to.” Tahimik akong sumunod sa kaniya papunta sa dating silid ni Boss S sa lumang safehouse sa Tagaytay. Hindi ko na rin iyon pinasok mula nang pumanaw siya. Parang sagrado ang lugar na iyon para sa akin. Pagbukas ng pinto, bumungad sa akin ang pamilyar na amoy ng leather, tabako, at luma pero malinis na kahoy. Sa gitna ng lamesa, may isang itim na kahon. Sa ibabaw nito, isang sobre. Para kay Exiel. Nanginginig ang mga daliri ko habang binubuksan ko ang sulat. Exiel, Kung binabasa mo ito, ibig

