EXIEL'S POV Hindi ko akalaing mangyayari ito sa buhay ko. Dati, bihira pa nga akong lumabas ng Ilocos. Ngayon, narito ako… bitbit ang passport na inasikaso ni Boss S, sakay ng isang private jet, palipad patungong Russia—ang kauna-unahang beses kong lalabas ng bansa. Naka-black tactical suit ako, disente, may pangalan at kredibilidad na. Nakaupo si Boss S sa tapat ko sa loob ng jet, abala sa pagbabasa ng isang confidential file habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. “Relax ka lang,” sabi niya, bahagyang nakangiti. “Hindi ito vacation, pero magiging mahalaga ito para sa ‘yo.” Tumango lang ako. Tahimik. Pero sa loob ko, kumakabog ang dibdib. Excitement… kaba… at matinding pag-iingat. Lumapag kami sa isang private airstrip sa labas ng St. Petersburg. Malamig. Man

