ANTHEA'S POV Hinila ako ni Exiel paakyat sa silid. Tahimik siya pero mabigat ang bawat hakbang. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko alam kung ano ang mali, pero ramdam ko—may galit sa mga kilos niya. Pagpasok namin sa kuwarto, bigla niya akong itinulak. Bumagsak ako sa kama, hindi inaasahan ang biglaang pagbugso ng galit. "Exiel!" gulat kong tawag sa kanya, pero hindi pa ako nakakatayo nang bigla niya akong sinampal. PAK! Nanlaki ang mga mata ko. Napatumba ako pabalik sa kama, hawak ang pisngi kong nanigas sa sakit. May mainit na likidong gumapang sa gilid ng labi ko. Dugo. Naputok ang labi ko sa lakas ng sampal niya. Nanginginig ang buong katawan ko—hindi sa lamig, kundi sa takot at pagkalito. Umiyak ako. Hindi ko na tinanong kung may ginawa ba ako. Dahil alam ko naman

