FLORA'S POV Hindi ko na maalala kung anong pakiramdam ng mabuhay nang marangal. Simula nang makasama ko si Anthony, dahan-dahan akong nilamon ng putikan. Dati akong estudyante. May pangarap, may direksyon. Pero nang makilala ko siya—lahat ng iyon, unti-unting nawala. Dahil din sa kagustuhan ko na mawala si Anthea sa buhay ni Kuya Exiel. Isinuplong ko mismo sa kapatid ni Anthea na si Anthony. Akala ko maging okay na lahat pero, hindi. Nakakulong ako sa mga bisig ni Anthony. Huli na. Hindi na ako nakapagtapos. Nalulong ako sa Drugs. Nasangkot sa mga problema ni Anthony. Utang. Away. Kaguluhan. At ako, ako ang natira. Ako ang sumalo sa pagbagsak niya. Nang halos mamatay siya sa pambubugbog ng mga pinagkakautangan niya, ako ang tumakbo. Ako ang umalalay. Ako ang nagsakripisyo. At n

