EXIEL’S POV Halos hatinggabi na ng makauwe kami sa Villa ng mga tauhan ko. Sanay na kami sa ganito. Minsan mang umaga. O umaga. Hanggat may kailangan tapusin. Pero ngayong nandito si Anthea. May nagbago. Deretso ako agad sa kwarto. Pagbukas ko ng pinto sa silid namin, agad kong napansin wala sa kwarto si Anthea. P*t*ng*n*…nasaan ang babaeng iyon? Mainit ang ulo ko, lalo na’t may tama pa ako ng alak. Lumabas ako ng kwarto, mariin ang bawat hakbang. Pababa na ako ng hagdan nang bigla kong makita siya—si Anthea—paakyat, nagmamadali. Nagulat siya nang magtagpo ang mga mata namin. “Exiel… andiyan ka na pala—” Hindi ko na siya pinatapos. Hinablot ko siya sa buhok, marahas. Napasigaw siya sa sakit habang hinila ko siya palapit. Walang awa, hinila ko siya pababa, parang wala akong pakiala

