EXIEL'S POV - 23 Years Later Maingat na inilapag ni Ezra ang isang bungkos ng puting bulaklak sa marmol na puntod. Tahimik ang buong paligid — tanging ihip ng malamig na hangin at pagaspas ng mga dahon sa malapit na puno ang maririnig. “Ma…” bulong ng anak kong babae, halos di marinig, “isang buwan ka nang wala, pero araw-araw kang nandito.” Katabi niya si Ezekiel, ang kakambal niyang halos di nagsasalita pero laging nariyan — tahimik, pero matatag. Sa kanyang mga mata, may luha na hindi niya hinahayaang pumatak. Ako, nakatayo sa likuran nila, hawak ang sombrerong hindi ko maisuot. Parang ang bawat segundo sa harap ng puntod mo, Anthea… ay isang taon ng katahimikan. Isang buwan. Isang buwan mula nang sumuko na ang katawan mo. Isang buwan mula nang hawakan ko ang malamig mong kamay
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


