EXIEL'S POV “At kung ipahinto?” “Mas ligtas para kay Anthea, pero... alam n’yo na ang ibig sabihin noon.” Walang nagsalita. Parang tumigil ang buong mundo sa pagitan naming tatlo—ako, si Anthea, at ang doktor. Tumingin ako sa kanya. Gusto kong tanungin siya kung ano ang gusto niya. Gusto kong sabihin sa kanyang iligtas ang sarili niya. Gusto kong yakapin siya. Pero sa halip, siya ang unang nagsalita. Mahina, pero buo: “May pagkakataon bang mabuhay kaming lahat?” Tumingin ang doktor sa kanya, marahan ang tono. “May pag-asa. Pero napakaliit. Kakailanganin ng matinding pahinga, tutok na monitoring, possible confinement sa huling trimester. At kahit gawin natin ang lahat, wala pa ring kasiguraduhan.” Tumango lang si Anthea. Hindi siya umiiyak. Pero ang katahimikan niya ay mas matali

