ANTHEA'S POV Pagkasara ko ng pintuan ng silid, tuluyan na akong nawalan ng lakas. Hindi ko kayang matulog doon. Hindi sa kama kung saan may ibang babae. Hindi sa kwarto kung saan ako dapat ay asawa. Naghanap ako ng kahit anong silid na puwede kong pansamantalang matulugan. Isa-isa kong sinubukan ang mga pinto sa pasilyo, pero lahat ay naka-lock. Wala akong lakas ng loob na guluhin si Manang Resing. Baka tulog na siya at pagod na rin sa kabuuan ng gabi. Bumaba ako. Tahimik na. Malinis na rin ang paligid, para bang walang naganap na engrandeng pagtitipon. Sa may dulong bahagi ng unang palapag, may isang pintong kahoy na medyo naiiba sa lahat—mas makapal, mas tahimik. Nilapitan ko ito. Hawak ko ang malamig na seradura. Pinihit ko. Bukas. Pagpasok ko, naamoy ko agad ang amoy ng lumang l

